Xandra's POV
"Best, ikaw na muna ayos dun sa table ah? Pagandahin mo! Ipakita mo kung gaano ka kagaling" – Diane
"Oo na, pagagandahin ko to."
Kasalukuyan kong inaayusan ang lamesang gagamitin nila para sa marriage booth. It's the day before Valentines Day so everyone Is busy.
Lahat gumagawa na ng kani-kanilang booth and kami ang naatasang gumawa ng marriage booth.
Pinaganda ko ng mabuti ang mesa, pati na rin yung iba kong kaklase ay nag-effort para mapaganda ang paligid at ang hallway na dadaanan ng mga ikakasal KUNO.
Nang matapos na ang lahat sa paggawa, binuksan na nila ang lahat ng booth para magamit. Bumalik ako sa room, naupo ako sa isang chair at ipinatong ang dalawa kong paa sa isa pang chair. Kapagod, lagi nalang busy. Noong January super busy, ngayon naman busy rin tapos may exam pa.
Naipikit ko nalang ang mga mata ko, I need LOVE ... O_____________O napamulat ako bigla.
LOVE?!! Why the hell LOVE?!!
"QUEEN!"
"Ay pusa!" *BOGSH* nahulog ako sa upuan.
"Hala! Queen sorry.. T__T" tinulungan ako ng kaklase ko na makaupo.
"Bakit ka ba nanggugulat?!!"
"Pasensya na talaga queen.. sabi kasi ni King Anthony punta ka raw sa rooftop"
"Ganun ba? Sige. Pasesnsya na rin at nasigawan kita" sabi ko.
"Ayos lang queen ^____^"
Pumunta na ako sa rooftop at na-curious kung bakit sa dinami-dami ng pupuntahan eh ditto pa. Binuksan ko na ang pinto and I saw Dwayne holding a bunch of flowers.. lumapit siya sakin
"Happy Valentine's Day" bulong niya. "Kay Dale ka na muna.." patuloy niya at umalis na sa harapan ko.
I thought that flower is mine..
Nakita ko si Dale na nakasandal sa railings ng rooftop. Pinilit kong ipunta ang atensyon ko sa kanya but those voices behind me is distructing me. Napalingon ako.
Nakita kong binigay ni Dwayne ang bulaklak kay Kim and they do a quick kiss. Hindi ko na kaya ang nakikita ko kaya naman lumingon ako sa likuran ko, nakalapit na pala si Dale sakin.
"For you ^___^" tapos binigyan niya ako ng bulaklak kagaya nung kay Dwayne pero orchids nga lang.
"T-thank you" kinuha ko ang bulaklak at nagbagsakan bigla ang luha ko. Napahikbi ako, ang sakit TTTT^TTTT
"A-anong problema Janine? Don't you like it?"
"Wala... masaya lang" niyakap ko si Dale para hindi na siya magtanong pa.
Mabuti pa si Dale at naisipang bigyan ako ng gift kaysa sa isang yun kahit isang bulaklak man lang walang naibigay -____- *sniff*
*************************************
Pagkatapos ng scene kanina, napagdesisyunan ko ng umuwi. Pagod nako T__T pagod o nasasaktan lang? tss! Obvious ba?!
Naglalakad na ako papuntang parking lot ng biglang ...
"H-Hoy! Sino kayo?!! A-ano ba! Bitawan niyo ko!" pumiglas ko. Saan nila ako dadalhin?!! Baka naman kikidnapin na nila ako?!!
Diyos ko po!! bata pa ako! ayaw kong mamatay ng hindi manlang nasasabing mahal ko si Dwayne! Ayaw ko pang lisanin ang earth!! Kahit na sawi ako sa pag-ibig mahal ko pa ang buhay ko!! LOR—-