Xandra’s POV
Kasalukuyan akong nagliligpit ng gamit. Dismissal na kasi kaya heto nililigpit ko na mga gamit ko. May napapansin ako ditto kay Diane eh. Kanina pa tong babaeng to nakangisi. Hindi naman all the time, para na siyang timang nun. What I mean is, smiling siya ngayon tapos blooming?
“hoy babae! May hindi ka sinasabi sakin ah!”
“ano?” tanong niya ng nakangisi. Ayan na naman siya.
“ayan ka na naman sa ngisi mong yan!. Para kang aso best ah”
“grabe ka naman best! Oo na sasabihin ko na”
“go on. I’m listening..”
“kami na”
O_________O “ano? Kailan? Paano? Saan? Ano yung feeling? Best magsalita ka!”
“okay ka pa naman sa lagay na yan best diba?”
“oo naman. So, sige na sabihin mo na. DALI!”
Nagsimula na siyang magkwento at ako matiim na nakikinig sa kanya.
SILENCE.
“hindi ka naman siguro speechless Alex noh. Napansin ko kasing tahimik ka?”
“che! KYAAAAHH!! Lumalablayp na bestfriend ko… ako kaya kailan?”
“malapit nay an! Don’t cha worry! Ikaw pa, eh iba tong karisma at beauty natin, to the highest level kaya to”
“yeah I know. Pero malaki ang problema ng puso ko eh, maling tao ang gustong mahalin”
“kung ipa-heart transplan kaya natin yang puso mo best?”
“tange! Baka mamatay ako noh! Mahal ko pa buhay ko! At isa pa, kahit tanga tong puso ko, ayaw ko namang makalimutan yung taong mahal ko. Kahit papaano masaya akong kasama yun.”
“sabi ko nga eh, ayaw mo”
Lumabas na kami ng room. Sakto naman pababa na kami at ayun andun si Clark.
“best sinusundo ka na pala ng labidabdabs mo, ayiiieeee!!”
“labidabdabs ka jan! kadiri ka best. Kadiri.”
“heh!! Kinilig ka naman!”
Nang makalapit kami, nag kiss sila ^O^ heheheh, kinikilig ako pero at the same time naiinggit ako. NAMAN!!
“hi Janine.”
“hello Clark ^____^”
Bumaba na kami ng building. Andito na kami sa school grounds kasalukuyang naglalakad ng biglang ,,
“JANINE!!” tawag ng dalawang pamilyar na boses.
Sino yun? Asan? Sino bang tumawag ---
“uy! Dale?” si Dale pala. Malayo-layo pa naman siya sakin. Ngumiti siya at ngumiti rin ako. napatingin ako sa harapan ko “Tristan?” ngumiti rin siya at yun din ang ginawa ko. Ang coincidence naman masyado.
Ilang seconds pa ang nakalipas at nakalapit na silang dalawa at sabay pa. ganito kasi yan, si Dale nasa left side ko habang itong si Tristan nasa harapan ko. Yung parang nanggaling si Dale sa loob ng campus habang si Tristan naman galing sa labas ng campus.. ay! Ewan!
“hi Janine”
“hellow Tristan”
“hi Janine”
“hellow Dale”
“we meet again”
“yeah. Akala ko nga di na tayo magkikita ulit. Buti naman hindi mo pa ako nakakalimutan”