PROLOGUE

13.3K 128 4
                                    

PROLOGUE

SOBRANG lawak naman dito sa Manila kahit saang banda ka tumingin may mga makikita kang nagtatayuhang mga gusali at mga bahay dito, kaso ma-usok tapos may mga iba't-ibang amoy nga lang.


Grabe nasa manila na nga ako! Yun nga lang at de-kipad lang selpon ko, pero pwede pa din naman siyang pang pityur to nu!

Dali-daling nilapas ko ang de-kipad na selpon sa bulsa ko at kinalikot iyon sa camera ng biglang tumawag ang Tiya Meling na kapatid ni mama, kung saan nagpasuyo akong kahit maging katulong na lang sa pinapasukan niya at pumayag din naman siya agad sa akin.

Sumimangot na sinagot ko ang selpon."Tiyaa!"tili ko sa kanya."Istorbo ka naman e' kita mo ng magpityur ako dito."pagtutuloy ko ng hindi ko narinig ang boses niya sa kabilang linya

"Sosmaryosep ikaw Maria, kanina pa kita tinatawagan diyan keso hindi mo sinasagot ang tawag ko at wag ka ngang magsipagtili diyan at wala ka sa probinsya."panenermon na Tiya.

"Alam mo naman pong gusto kong pumunta dito Tiya matagal na diba, pero ayaw ni Nanay."ani ko sa kanya.

"Hala't bilisan mo, asan ka na ba? Baka mamaya kung saan ka na naman pupunta at mawala ka pa diyan."sermon na namam niya sa akin.

"Tiya hintayin na lang po kita dito sa may terminal at saka hindi pa po ako nakakalayo wag ho kayo mag-alala."mahabang saad ko.

"Sige iha, diyan ka lang at nang mapuntahan kita."malumanay na saad sa akin."Magpapa-alam lang ako sa amo ko dito ha?"pagpapatuloy na tanong sa akin.

"Opo Tiya."masayang saad ko sabay patay sa tawag niya at tinext ko na din kung nasaan ako ngayon na terminal.

Palinga-linga lang ang buong ulo ko, at nag-pityur na din ako sa mga nakikita ko kaso nga lang ay blurd hindi siya masyadong maganda edi sana ipapakita ko sa kapatid ko tong mga ito e'.

Masayang palinga-linga lang ang ulo ko sa paligid hanggang sa nakita ko ang pamilyar na Mukha ni Tiya Meling sa hindi kalayoan sa akin. Kaya tumayo ako at kinuha ang basket na naglalaman ng mga gamit ko sabay sigaw sa pangalan nito.

"TIYA MELING!"sigaw ko kaya pati ibang tao ay napatingin sa akin pero syempre no epek 'yan sa ating no.

Tumakbo ako kung nasaan si Tiya at masama lang siyang napatingin sa akin pero niyakap ko siya nang makalapit na ako.

"Ikaw na bata ka ang ingay mo!"sabay kurot sa gilid ko.

"Aray! Tiya masakit."ungot ko sa kanya."Miss po kita Tiya."sabay ngiti ko sa kanya.

"Ang laki mo na Maria! At napakagandang dalaga ka na nga iha."sabay haplos sa mukha ko.

"Syempre po, mana kay Nanay!"pagmamayabang ko sa kanya.

"ehem."

May tumikhim sa likod ni Tiya Meling kaya napabaling ako sa likod niya at nakita ko ang makisig, matangkad at morenong lalaki.

"I'm so sorry but I think we need to go Manang."ani niya.

"Ano?"sabay kunot ang noong tanong ko sa kanya.

"I said we need to go."malamig siyang napatingin sa akin.

"Hoy ikaw! Wag mo kong inglishi'n diyan dahil hindi ko maintindihan."matikas na sigaw ko.

"I don't care."sabay talikod niya sa akin..samin.

"At talagan-"tinakip ni Tiya ang kamay niya sa bunganga ko.

Masamang bumaling naman ako sa kanya."Boss natin iyon, ikaw talagang babaita ka."sermon niya sa akin.

Gulat na tinignan ko ulit kung saan siya pumunta kanina at nasa loob na ito ng magarang sasakyan. Hiyang-hiya naman akong nagbaba ng tingin ng dumako na naman ulit dito ang tingin niya.

VIOUS SIBLINGS SERIES #1: My Innocent Maid (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now