CHAPTER 19
YUNG araw na ding iyon ay naging boyfriend ko na si Sage. Hindi man naging maganda kung ano ang kinalabasan nung una basta ang alam ko ay mahal ko siya at mahal niya din ako.
atleast we feel the same way...
Parang nasa panaginip pa din ako na ganoon ang nangyari kagabi, nakapag-usap na kaming dalawa about sa kung ano ang maging estado namin at napag-usapan din naming dalawa na wag na muna naming sasabihin maski sa pamilya niya at pamilya ko.
Dahil hindi ko pa kaya at wala pa akong maipagmamalaki sa kanila.
Speaking of my family, hindi ko na pala sila natatawagan pa. Dahil na din sa pagkabusy sa pag-aaral namin ni Misty pati na din sa nangyari sa pagitan namin ni Sage na ngayon ay alam kong maayos na. Naalala ko na last month pa lang noong last na pag-uusap ko sa kanila.
I miss them so much..
Ano na kaya ang kalagayan nilang doon. Pati nga si Tiya Meling ay masyado na din siyang naging busy sa pag-aalaga dito sa mansion ng mga Vious. Hindi na nga din kami nakakapag-usap at hindi ko na in siya nakakamusta man lang kahit nasa iisa lang kaming bahay.
Pinilit ko mang isipin kung paano ko siya ipapaliwanang kapag dumating iyong panahon na pati siya ay malalaman kung ano man ang meron sa amin ni Sage. Alam ko naman sa sarili ko na masyadong naging mabilis ang relasyon naming dalawa pero kase I choose what my heart feels.
Ang sarap sa feeling na kayakap mo siya sa gabi and to sleep besides him!
"Hoy, Madeline!"malakas na kalabit sa akin ni Misty.
"Ha? Bakit?"nakakunot pa ang noo kong napatingin sa kanya.
"Wow! Anong bakit ka diyan ante e'ang daming hugasan sa kusina. Ano bang ginagawa mo dito at kanina ka pa tingin ng titinitignan-"natigilan siya sa pagsasalita ng makita niya si Sir Sage na nasa pool at kasama ang mga kaibigan niya.
Bumaling siya agad sa akin na may seryosong mga mata, "Can I asked you a question, and you'd gonna tell me the truth."diing bigkas niya sa akin.
Kahit man kinakabahan ako sa tanong niya ay sumagot ako sa kanya, "Ang seryoso mo naman masyado, Misty! A-ano ba 'yun?"paburo at nautal pang saad ko sa kanya.
"Do you have relationship with Sir Sage."hindi 'yun tanong kundi alam kong nasisigurado siya sa isasagot ko.
I can't lie to her, dahil parang kapatid ko na din ang turing sa kanya. Lahat ng naging problema ko sa buhay ay sa kanya ako lumalapit dahil ayoko ng maging pabigat pa kay Aling Meling.
Umiwas ako sa mga mata niya, "Oo."mahinang usal ko.
Bumuntong-hininga siya na para bang siya iyong nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon, and I know that she wants to tell something pero hindi niya kayang magsalita.
"I just hope that your decisions are going to make you happy until the end."sabay alis niya sa harapan ko.
Is she don't want me and Sage in a relationship...
Para akong nanghihina sa mga salitang binitawa niya. Mali na naman ba ang naging desisyon ko? Masyado ba akong naging madali para dito.
But it makes me happy for this.. dahil mahal ko na si Sage. Mahal na mahal ko na siya, I already fall into his charm.
This Mr. Billionaire already caught my heart mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya the way he treat me like a woman. And for some reasons, ang daming mga what if sa isip kodahil mayaman siya at nasa baba lang ako. Iniisip ko din kung ano ang magiging reaction ng mga ibang tao that he fell inlove with me na walang alam sa buhay at heto naging katulong lang ako kung saan pinagsisilbihan ko ang mga mayayaman tulad nila. Nasa munto ko na ding gusto ko na lang sabihin sa lahat na akin na siya na ako na ang may nagmamay-ari.
But for some reason para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalala na ipapakasal na ba siya sa iba? Matutuloy ba talaga iyon?
Napailing na lang ako't pumunta na sa kusina. Madami ngang huhugasan ngayon dahil madaming kinailangang lutuhin iyon ang gusto ng mama ni Sir Sage sa amin. Sinimulan ko ng hugasin lahat, walang halos katulong sa kusina kundi Ako lang hindi ko na alam kung saan na ba sila naglalagi dahil minsan ko na lang sila nakikita.
Dahil mas gusto kong kasama si Sir Sage, baka nakakalimutan mo katulong ka lang. Para bang pinapaalalahanan ako ng sarili kong isipan at parang binuhusan na din ako ng malamig na tubig.
Oo nga pala, isang katulong lang ako ng mga Vious...
"Madeline, can I talk to you?"isang tinig na siyang nagpagising sa akin.
Mabilis akong napatayo ng tuwid ng makita ko si Ma'am Sandra na seryosong nakatingin sa akin.
Alam na ba niya... nila.
"O-okay po, Ma'am Sandra. "utal na saad ko sa kanya.
"I'll wait for you into the office. "hindi na niya hinintay pa ang sagot ko at lumabas na ng kusina.
Kahit man kabang-kaba ako ay prisentable pa din akong umakyat sa second floor ng bahay nila at papunta sa office nila.
Para akong natuod ng nasa harapan na ako ng pintuan ng kanilang opisina. Kabang-kaba sa kung ano man...
Kaya ko ba talaga 'to? juskooo lord please help me.
Huminga ako ng malalim, "Kaya mo 'yan, Madeline. "pagpapalakas ko sa sarili ko.
"Baka may itatanong lang sayo o di kaya may ipapagawa basta Madeline relax ka lang, you can do it! "pagkausap ko pa sa sarili.
"What are you doing here?"isang malamig na tinig sa aking likuran.
Para akong nablankong nakaharap sa pintuan hindi ko din kayang makapagsalita at humarap sa kanya.
Sir Shawn...
"Cut got your tongue?"he playfully asked.
"P-po.. huh hindi po."kanda utal na sagot ko kaagad sa kanya.
Bakit ba 'to nandito...
"Then what are you doin-"someone cut him off ng agad na bumukas ang pintung nasa harapan namin.
At bumungad sa amin ang nakataas na kilay ni Ma'am Sandra. And I know that kind of face, there is something of it. But I know myself na si sir Sage lang dahil siya lang ang may kayang magpatibok o mangpabilis ng puso ko.
"Why don't you two come inside? Kesa naman sa nagbubulungan kayong dalawa diyan na para bang may sikreto-"Sir Shawn cut him off.
"Mom!"sigaw niya dito.
huh? secret?
Humagikgik naman si Ma'am Sandra."Okay, okay i shut up son."sabay tuluyang niluwagan ang pintuan.
Hindi naman ako nakaimik dahil sa naging reaction niya sa amin. Did she just tease us? But then naalala ko si Sage kaya mabilis kong iginala ang paningin ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi ko siya makita sa paligid pero agad din iyong nadagdagan nang kaba ng makita ko siya sa loob mismo ng office nila.
Nakapandekwatro siyang seryosong nakatigtig mismo sa amin...o baka sa akin lang.
rqueenious
YOU ARE READING
VIOUS SIBLINGS SERIES #1: My Innocent Maid (UNDER REVISION)
RomanceIn a bustling metropolitan city, successful businessman Sage Miguel Vious prides himself on his achievements and the luxurious life he has built, In his twenty-five years of life. However, beneath the polished exterior lies a man burdened by lonelin...