Chapter 10

6K 84 1
                                    

Chapter 10

DALAWANG buwan na ang nakalipas nung huli naming pagkikita naming dalawa si Sir Sage at hindi na iyon muling na-ulit pa.

Ang narinig ko sa ibang mga katulong ay naging busy daw sina Sir Shawn at Sir Sage sa kanilang mga business at minsan daw ay sa ibang bansa pa daw sila pumupunta. Kaya minsan na lang namin silang nakikitang dalawa sa mansion nila.

Iyong sabi din ni Misty sa akin ay may kanya-kanyang condo daw sila at pwede daw silang doon matulog. Dito lang daw sila umuwi nung araw na iyon dahil walang magbabantay kay ma'am Mage na siyang pinakabata sa kanilang dalawa.

Tunay ngang mayayaman ang mga Vious, dahil sa kanilang mga ari-arian. At may mga iba't-ibang mga lupa pa sila sa parte ng Pilipinas.

Nakakainggit ang kayamanang meron sila...

Sa dalawang buwan ko dito sa bahay nila ay madami akong natututonan, pati sa lengguwagw nilang ingles na iyon pala ay english. Minsan si Misty ang nagtuturo sa akin kapag wala kaming ginagawang dalawa sa kusina. At noong minsan ay nakita kami ni ma'am Sandra.

"Ano na ba iyong natapos mo, Madeline?"tanong sa akin ni Misty na siyang nagtuturo sa akin ngayon dito sa kusina.

Nasa bandang 12:30 iyon at kakatapos lang namin na pagsilbihan ang mag-asawang Vious sa kusina kanina. Wala ang mga anak nila dahil na din sa sobrang busy sa kompanyang hinahawakan at ang unica iha naman nila ay namasyal kasama ang mga kaibigan nito.

"Elementary lang, ikaw ba?" nahihiyang saad ko sa kanyang tanong.

"Graduating na sana ako sa high school kung wala lang nangyaring trahedya sa pamilya ko."pilit na ngiting turan.

"Pasensya na't naipaalala ko pa sayo."pahinging paumanhin ko sa kanya.

"Ano ka ba wala iyon, at saka okay na ako."at mahinang palo niya sa balikat kong iyon.

"Aray ha, ambigat ng kamay"daing ko sa kanya, kaya't tinawanan naman niya ako.

"Halika na nga dito at nang makapag-umpisa na ulit natin sa pagtuturo ko ng salitang english."aniyang saad.

Sa umpisang pagtuturo sa akin ni Misty ay sobra siyang nahirapan dahil minsan ay nangungulikot pa siya sa kanyang cellphone at may magsasalita doon at ang tawa daw niya iyon ay 'google translator'.

Hindi na namin namalayang dalawa ang oras nang biglang bumukas na lang iyong pintuan sa kusina, na may papasok doon. Sabay pa kaming dalawa ni Misty na tumingin doing dalawa at sabay ding nanlaki ang mata namin ng makita sa siwang na pinto si ma'am Sandra at nakatingin ito sa librong nasa lamesa namin.

Sabay naming binaba ang ulo namin bilang paggalang sa kanya,"Good afternoon po."medyo na-utal pa ako sa ingles kong iyon dahil sa mahinang hagikgik ni Misty.

"Good afternoon din sa inyong dalawa."may patango-tangong aniya sa amin.

"May kelangan ho ba kayo, Ms. Sandra?"tanong ni Misty.

Winagay-way niya ang kanyang kamay sa hanging,"Kayo talaga ang hinahanap ko, kanina pa at sinabi ng ibang katulong na nandito daw kayo."aniya sa amin.

"Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo Ma'am."aniya kong saad sa kanya

Naglakad siya papunta sa amin,"Umupo kayo,"nakangiting ani niya.

Kahit nahihiya man ay wala kaming nagawa kundi umupo dahil una sa lahat siya pa din ang amo namin.

"Narinig ko iyong pinag-uusapan niyo kanina,"panimulang saad niya sa amin. "Hmm..gusto ko sana kayong tulongan."dugtong nito.

Kahit alam ko na iyong ipinupunto niya ay nagtanong pa din ako tungkol saan,"Ano pong tulong ma'am?"aniya ko sa kanya.

Matamis siyang ngumiti at sinabing,"Gusto ko kayong pag-aralin, at bibigyan ng schoolarship pero dapat sa college na nga lang kayo magsisimula."pahayag niya.

"Kaso ma'am hindi pa ho kami grdute ng high school."mahinang phayag ko dahil hanggang ngayon ay gt p din si Misty sa tabi ko.

"Ako na ang bahala sa lahat, basta simula bukas hanggang sa matapos ang rain na 'to ay may pupuntang tutulong muna sa inyo kung ano iyong mga hindi niyo pa alam. Maliwanag ba?"saad niya agad sa amin.

"Ma'am, hindi po ba sobra-sobra na ito? at saka po, katulong niyo lang ho kami."boses iyon ni Misty.

Naramdaman ko ang pagkasabik sa boses niya pero may parte ding hindi niya kayang kunin iyong alok na ibinibigay ni Ma'am dahil lang sa katulong lang kami at ngayon ay tinutulongan na niya kami sa paraan na ito.

"Ganto na lang, bibigyan ko kayo ng dalawang araw para pag-isipan ang inilaok ko sa inyong dalawa. Don't pressure yourself, just choose what this want is."sabay turo sa puso at isip niya.

"Nasa office lang ako ni Sir Lucas niyo, pwede niyo akong puntahan anytime makapag-isip kayo."at nang masabi niya iyon ay nakatayo na siya't papalabas na ng kusina.

Sabay pa kaming nagkatinginan ni Misty nang mawala na siya sa paningin naming dalawa, pinagiisipan ang sinabi ni Ma'am sa amin. Pero alam ko sa sarili ko na gusto ko iyon, gusto kong itong oportunidad na ibinibigay sa akin. Kaya gusto ko din na kunin din ito ni Misty para sa huli ay makamit niya iyong inaasam niyang tagumpay.

rqueenious

VIOUS SIBLINGS SERIES #1: My Innocent Maid (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now