CHAPTER 1
SANDALI kong ini-ayos lahat nang mga gamit ko sa aparador malapit sa salamin bago ako nagsimulang naligo dahil sobrang kati at baho ko na.
Buti na lang at dinalahan siya nang kanyang Tiya Meling nang pagkain kanina sobrang dami non kaya naman busog na busog ang tiyan niya ngayon. Kaya nakapagpaturo siya kung paano gamitin ang mga nasa cr dahil ngayon lang ito nakakita.
Puso o kaya may tubig sa bangir ang sa kanila, ito ay sariwa sa malayong ilog malapit sa kakahuyan at doon siya minsan naglalagi kapag wala siyang ginagawa noon, at maliligo sa maliit na lawa tapos may falls. Hindi na din naman siya natatakot, dahil sanay na siya doon at palaging tambayan niya pa ito kaya sobrang mangha siya sa nakikita ngayon dito sa Manila.
Sabi ni Tiya mansyon daw ang tawag dito sa bahay nila Sir Samuel.
Nakapatapis siyang lumabas sa cr at kumuha ng mga gagamitin niya at pumasok ulit sa cr para magbihis, minsan talaga kase nakakalimutan niya ang mga bahay na dapat naman ay hindi.
Labingsiyam pa lang ako pero heto’t makakalimutin na sa mga bagay-bagay.
Napailing na lang ako sa aking iniisip, nang makapagbihis ay lumabas na agad ako sa cr at umupo sa malambot kong magiging kama.
“May sarili na akong kama at hindi na sa banid matutulog, tapos ang lambot nito sa banig naman ay matikas masakit sa likod.”kausap ko ang sarili sabay suri sa malambot na kama.
“Grabe! Kelan din kaya ako may ganitong kagandang bahay.”sabay suri din sa mga sulok ng kwarto niya.
Sobrang hindi patas talaga ang mga tao ngayon, yung iba nasa baba na may mga ibang tao din na nasa tamang lupa lang at ang pinakamataas ay ang mga mayayaman na kayang bilhin, kahit nga tao ay kayang bilhin na sa panahon ngayon.
“Kapag ako nakapag-asawa lang nang mayaman dito sa Manila, ipagmamayabang ko kay Lena iyon at ipapamukha sa kanyang mas maganda pa din ako sa kanya.”ipinagmamalaking anas ko sa sarili.
Humanda talaga iyang Lena na iyon, mataba naman iyong napangasawa.
Hinanap ko iyong cellphone ko sa harap nang salamin kung saan may lamesa iyon. Mabilis ko naman iyon kinuha at binuksan sabay hanap sa number ni Mama at ito’y tinawagan, nakadalawang ring pa ito bago niya sinagot.
“Ma!”tili ko iyon sa kanya pagkatapos niya sagotin.
“Maria, kaawaan ka nang diyos!”saad ni Mama sa kabilang linya.“Ayos ka ba diyan anak? Asan ka na?”sunod na sunod nitong tanong sa akin.
“Hingang malalim Ma, ok na ako dito at saka si Tiya Meling ang sumundo sa akin kasama iyong amo naming lalaki. Tapos heto pa at may sariling kama tapos ang lambot nito tapos yung banyo din ang ganda may mainit at malamig. Sabi pa ni Tiya bukas na daw ako magsisimula, kaya heto’t magpapahinga ako. Pero syempre gusto ko pa muna kayong maka-usap at sabihin na mabuti kalagayan ko dito.”mahabang linta ko sa kanya at may ngiti sa labi.
“Mabuti naman kung ganon, magpakabait ka diyan at gawin mo ang mga pinapagawa sayo.”mahinang usal niya’t parang mangiyak-iyak pa ang boses.
“Ma! Ayan ka na naman e’ syempre pagbubutihan ko para po ito sa inyo at syempre sa mga kapatid ko para naman makapagtapos sila nang pag-aaral.”may ngiti pa din sa labing kausap si Mama.
“Pasensya anak kung hindi ka namin nabigyan nang financial para makapagtapos kahit sa elementary lang sana.”aniya sa akin.
“Ma, ok na iyon wag ka na nga magdrama diyan at baka multuhin ako ni papa dito dahil pinapaiyak ko ang nag-iisang Reyna nang aming tahanan.”mahinang siyang natawa kaya nakitawa na din ako.
“Ikaw talaga Maria mana ka diyan sa Tatay mong bolero.”asik niya sa akin.
“Multohin ka sana niya diyan Ma.”saad ko sa kanya.
“Si ate ba iyan Ma?”rinig kong tanong nang kapatid kong si Maxiel na pangalawa sa aming magkakapatid.
“Oo kausap ko siya, halika dito at kausapin mo ate mo.”mahinang usal naman ni Mama.
Ilang sandali pang mga katahimikan nang magsalita ito.“Hello ate!”masayang aniya sa boses ni.
“Maxiel! kamusta ka na diyan? Kayo ni Mama at ni Faith?”tanong ko.
“Heto at naghahanap din po kami nang makakatulong din sa atin ate.”mahinhin ang boses nito.
“Maxiel naman, sabi ko naman sa iyong pag-aaral niyo atupagin niyo diba? Si ate na bahala diyan para hindi kayo mapagod.”ani ko.
“Gusto ka namin tulongan ate, at saka kasama ko naman si Faith.”mahinang usal niya.
“Asan na ba si Faith, at nang maka-usap ko nga.”bakas sa boses ko ang pagiging seryoso.
“Ate napa-aga ang tulog dahil ata sa pagod.”kahit hindi ko kita ay alam kong nagkakamot na naman siya sa kanyang patok.
“Yan na nga ba ang sinasabi ko e.”suway ko sa kanya.
“Pasensya na ate.”hiyang ani sa boses nito.
“Basta sabihan o kaya tawagan niyo lang ako kapag may problema diyan sa bahay. Pakisabi na din kay Mama na miss ko na siya at kayo din ni Faith.”sabi ko.
“Rinig kita dito, Maria!”sigaw ni Mama sa kabilang linya kaya napatawa kaming dalawa ni Maxiel.
“Opo ate salamat sa lahat, miss ka din namin. Ring mo naman sinabi ni Mama.”aniya.
“Pakabait kayo diyan.”mahinang sabi ko.“ Sige na at nang makapagpahinga na tayong lahat.”pagtutuloy ko nang makaramdam na ako nang antok.
“Sige ate bye!”paalam ni Maxiel.
“Bye anak, ingat!”sigaw din ni Mama.
Pinatay ko na din pagkatapos ang tawag nang may tatlong kumatok sa pintuan ko kasabay noon ay ang pagbukas nito at iyon ay si Tiya Meling na may hawak na...
gatas?
“Para po saan iyan Tiya?”tanong ko nang mailapag niya iyon sa lamesa.
“Syempre para sayo iyan iha, alangan naman sakin.”pabalang niyang sagot.
“Tiya naman.”ungot ko sa kanya.
“Oh mag-iinarte ka pa diyan.”sabay kurot sa tagiliran ko.“Hala’t inomin mo na at nang mahugasan ko na yan doon at makapagpahing ka na din.”at ngiti niya sa akin.
“Salamat sa lahat Tiya, at natawagan ko na pala sina Mama kanina.”kinuha ko na iyong gatas at ininom agad iyon.
Katamtaman lang nito ang init kaya hindi ito nakakapasong inomin lahat.
“Wala iyon tayo na nga lang magpapamilya dito.”hinaplos ng mga kamay niya ang pisngi ko.“Basta magpakabait at saka wag kang gagawa nang katarantaduhan, naiintindihan mo ba ako Maria?”tinignan niya ako sa mata na may seryoso mukha.
“Tiya naman hindi naman po palaging katarantaduhan ginagawa ko e’.”mahinang usal ko.“Slight lang no.”dagdag ko pa kaya nakurot na naman ako sa tagiliran.
“Maria!”inis na saway ni Tiya.
“Opo hindi na po.”magalang na tinignan ko siya na may ngiti sa labi.
“Oh siya at humiga ka na diyan at matulog. Maaga pa tayong gumising bukas.”tumayo na siya kaya naman humiga na ako.
Lumapit siya at inayos ang kumot hanggang sa dibdib ko at ngumiti siya’t kinuha na ang baso na nasa lamesa kung saan nilagay ko iyon.
“Tulog na, Maria.”tuluyan na siyang nakalabas sa pintuan ko nang sabihin niya iyon.
Dahil na din siguro sa pagod sa biyahe kanina at saka sa lambot nitong kamang hinihigahan ko ay hinila na din ako nang antok kaagad.
rqueenious
YOU ARE READING
VIOUS SIBLINGS SERIES #1: My Innocent Maid (UNDER REVISION)
RomanceIn a bustling metropolitan city, successful businessman Sage Miguel Vious prides himself on his achievements and the luxurious life he has built, In his twenty-five years of life. However, beneath the polished exterior lies a man burdened by lonelin...