CHAPTER 4
“NICE view, right?”may ngisi sa mga labi niyang asar nang makita niya akong matagal ang titig sa kanyang mababatong tiyan.
Tumikhim naman ako at umiwas ng tingin para hindi niya makita ang pamumula nang dalawang pisngi ko
para naman akong naiinitan sa mga titig niya sa akin.
“Hi”napabaling ako agad sa tabi ni Sir Samuel.
Matangkad, moreno at may mababatong tiyan din siya pero hindi gaya ni Sir Samuel na mas madami. Tumaas ang tingin ko sa kanya, may mga mapupula siyang labi, matangos ang ilong at ang kanyang berdeng mga mata.
berdeng mata! ang ganda naman iyon!
“Magandang umaga, Sir.”bati ko sa kanya.
“Hi, sir Lorgan.”masigla namang bati ni Misty.
“Hey, Misty babe!”sabay lapit niya.
b—babe? ano yun?
Makikita sa mukha ko ang koryosidad, kaya naman lumapit sa akin si Misty para makalayo kay Sir Lorgan.
“Wag mo na iyon pansinin Madel, basta nakita mo naman na hindi ako nagtaksil sa asawa ko.”sabay kapit niya sa braso ko na—akala mo naman may pake-alam si Sir Shawn sa kanya.
Hindi ko na lang siya pinansin at binalingan si Sir Samuel na alam kong kanina pa siya nakatingin sa akin.
“May kelangan po ba kayong ipahandang pagkain sa amin, Sir?”magalang na tanong ko sa kanya.
“Kumuha na sila Roger, Faith at saka Glaito, Ms. Beauti—”si Sir Logan ang sumagot sa tanong ko kaya sa kanya ako napabaling.
“Madeline na lang, sir.”putol ko sa kanya.
“hmm, nice name..”ingles din niya sa akin.
“Hindi ko po kayo maintindihan sir, pasensya.”nahihiyang yumoko ako sa kanya.
“Ohh, I’m sor—i mean pasensya na rin.”aniya sa akin.
Tumango ako,“Sige po sir, tawagin niyo na lang po kami kapag may kelangan pa kayo.”ani ko.
Binalingan ko naman si Misty,“Tara na.”sabay hila sa braso niya.
Nakita pa naming palabas ang mga tatlong kaibigan ni Sir Samuel na may mga kawak na inuom at kakainin nila.
HINDI na namin namalayan ang oras kung hanggang oras sila Sir Samuel sa swing pol. Ilang ulit din kaming pabalik-balik para bigyan sila ng makakain nila.
Yung sinabi kanina ni sir Lorgan na Faith ay naglalampungan sila ni Sir Samuel sa gilid, sinawalang bahala ko na lang iyon at nilapag sa lamesa doon sa labas kanina iyong mga sinabi nilang pagkain.
“Magandang gabi ma’am, sir.”bati ko ng pinagbuksan ko ang mama at papa nila Sir Samuel.
“Magandang gabi din sayo iha.”saad sakin ni Ma’am Sandra.“Naka-uwi na ba mga anak ko?”dugtong niyang tanong sa akin.
“Si Sir Samuel po kanina pa sa swing pol kasama mga kaibigan niya Ma’am, tapos si Sir Shawn naman po hindi daw siya uuwi dito. Si Ma’am Mage po naman ay kadadating lang kanina.”mahabang linta ko sa kanya.
Tumango siya sa akin,“Pakisabi kay Aling Meling na ipaghanda na kami.”yun lang huling sinabi niya bago siya pumanhik pataas.
Nauna na kanina si Sir Lucas, at hindi na hinintay ang asawa dahil kausap pa ako, pero bago iyon ay binati muna niya ako.
Nagsimula na akong tumalikod at papanhik na din sana sa kusina ng biglang nakasalubong ko si Sir Samuel, basa pa din ang buhok nakashorts pa din siya at nakikita pa din hanggang ngayon ang mababatong dibdib niya.
Umiwas ako sabay sabing,“Naka-uwi na po pala mga magulang niyo sir.”saad ko.
“I see”ingles niya.
ayy sea daw? nakakita ba siya? ng alin!
“A—ah..yes po..”utal ko na lang na sagot sa kanya.
Buti na lang at pinaliwanag sa akin ni Misty kung ano ang ‘yes’at saka ‘no’kanina ang ibig pa lang sabihin nun ay ‘oo at hindi’ lang pala iyon. Sinabi niya din sa akin na sa tagal niya daw dito sa mansyon ng mga Vious ay natutunan na daw siya ang salitang ingles pero kunti lang daw.
Nakapagtapos din naman daw siya ng college at nursing daw ang kinuhang korso. At saka buti na lang at pinaliwanag niya sa akin kung ano iyong nurse na iyon. Tatanongin ko pa sana siya kung bakit mas piniki niyang mag-apply bilang katulong ang kaso napagalitan kami kanina ni Tiya Meling na kakapasok sa kusina at sinita kami na baka daw may kelangan pa sila Sir sa labas kaya’t hindi niya nasagot ang tanong ko.
Mamaya na lang kapag‘di na kami masisita ni Tiya! Tama sobrang galing ko talaga!
“Can you get me some towel?”napabalikwasa ako sa pag-iisip dahil sa nangyare kanina ng magsalita si Sir Samuel na hanggang ngayon pala ay nasa harapan ko.
“Ano po ‘yun, sir?”tanong ko ulit sa kanya.
“Tuwalya, pakikuhanan ako.”singkit ang boses na may pagkabulol niyang tagalog.
Dumeretso na ako sa cr nila sa baba dahil alam kong madami din naman silang mga tuwalya bawat Cr malapit lang sa kusina.
“Tiya makihanda na daw pagkain nila Sir Lucas at Ma’am Sandra!”sigaw ko sabay takbo palabas ng cr na hawak-hawak ang tuwalyang pinakuha ni Sir sa akin.
“Maria, wag kang tumakbo!”rinig ko pang sigaw sa akin ni Tiya Meling kayat napahagikgik naman ako.
Humingangmalalim at binigay sa kanya ng nasa tapat na ako,“Heto na po sir.”pilit na ngiti ang binigay ko at nagtaas-baba pa ang dibdib ko dahil sa bilis na pagtakbo kanila.
“May kelangan pa ba kayo sir?”aniya ko.
Tinitignan niya lang ako at hindi nagsasalita kaya bubuksan ko sana ulit ang bibig ko nang may bumulopot sa kanyang mga braso kaya’t napaatras ako’t napabaling doon sa kamay ni Faith.
Ang babaeng kanina pa kasama ni Sir Samuel mula ng nagsimula silang maligo sa swing pol.
rqueenious
YOU ARE READING
VIOUS SIBLINGS SERIES #1: My Innocent Maid (UNDER REVISION)
RomanceIn a bustling metropolitan city, successful businessman Sage Miguel Vious prides himself on his achievements and the luxurious life he has built, In his twenty-five years of life. However, beneath the polished exterior lies a man burdened by lonelin...