Chapter 10 : Boracay Trip Part 4 Scene 2
[ Sabrina's POV]
"Jake, sigaw ko sa pangalan niya. Kung hindi lang talaga nagsumamo at nakiusap itong mga crazy kong friends na isama siya sa party mamaya, wala naman akong balak akitin siya.
(Miss A : Echoozzz, wag pakipot, hehe^___^ )
"Lumingon naman siya pagkatapos ko siyang tawagin.Bakit ganun? Parang tumigil ata ang oras nung lumingon at tumingin siya sa'kin.
"Ang weird ha? Hindi na rin kumikibo ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, parang nanigas.
"Emmeerrggeedd!
"Ane be nemen?
"Okay! Seryoso na...crazy din ako tulad ng mga kaibigan ko, alam ko yun.
"Bakit?tanung niya sa'kin. Isang salita, isang tanong lang ang lumabas sa bibig niya pero bakit pakiramdam ko ang haba ng sinabi niya, hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"I'm speechless, bakit ko nga ba siya tinawag?
"Come'on Sabrina, asan na yung matapang na kakambal mo, tinatanung ka lang kung bakit, hindi ka man lang makasagot. Anyare sa'yo. Bulong ng isip ko sa sarili ko.
"Ah..eh! Anu kasi...merong bonfire party mamaya, baka gusto mong sumama? Sa wakas nasabi ko din.
"Ah, yun ba? Oo alam ko na yun, sinabi sa'kin ni Trixie kahapon.
"Bigla akong namula pagkasabi niyang yun.
"Ah, eh di magkasama kayo mamaya? Hindi ko alam kung bakit ko natanong yun pero yun ang binulong ng isip ko.
"Oo bakit?
"Wala lang, natanong ko lang at isa pa sina Miles at Julia lang ang nagsabi sa'kin na isama ka, kasama mo na pala si Trixie, paliwanag ko sa kanya.
"Ganun ba! Nangako na din ako kay Trixie na sasamahan ko siya eh, pasensya na.
"Ikaw na Jake, may pangako ka pa dyang nalalaman ha, sabagay libre naman ang mangako, wag lang mapapako.
"Okay lang yun, oh sige na, balik na ako kina Julia, see you na lang mamaya, iisang lugar naman yun kaya sigurado akong makikita namin kayo dun, pagpapaalam ko sa kanya.
"Iniwanan ko na si Jake, bumalik na ako kung saan ko iniwanan sina Miles at Julia.
"So anu bhest? Pumayag ba si Jake?
"Grabe naman mga 'to, yun talaga agad ang tanong? Sabagay ano pa bang dapat kong iexpect, natural yun ang itatanong nila."Oo pupunta siya, pero....
"Pero iba ang kasama niya, ganun ba?
"Grabe, nahulaan nila ah?
"Oo, may kasama na siya, sagot ko sa kanila."Sino? Yung babaeng kasama niya nung isang araw, yung mukhang manang?, panlalait nina Juls, si Trixie ang tinutukoy nila.
"Haha, sa dinami-daming pwedeng idescribe, manang pa talaga.
"Oo yun na nga, kayo talaga.
BINABASA MO ANG
My CRUSH is a NERD " BOOK 1"[KATHNIEL]
FanficKathryn Bernardo as--Sabrina Madrigal Daniel Padilla as-- Jake Cruz Panu kaya kung ang isang maganda, mayaman, sexy at habulin ng mga lalaki na katulad ni Sabrina...........magkagusto sa isang weird, booklover, baduy, apat ang mata. .wearing goofy e...