Chapter 24 : Friends for love[ Jake's POV ]
Time check : 6 : 30 am
"Ayy,thanks god,medyo okay na yung pakiramdam ko ngayon.Salamat at one day lang yung trangkaso na yun.Kung hindi siguro dahil kay Sabrina,malamang baka natuluyan ako kahapon,subrang sama talaga ng timpla ko kahapon.
"Kailangan kong pumasok ngayon sa school kasi sayang naman ang isang araw na lessons,tama na yung one day absent lang.
"Hindi ko lubos akalain na umabsent si Sabrina kahapon para lang bantayan at alagaan ako.Hindi ko akalain na ganun siya kabuting tao.
"Bakit ganun,sobrang nahihirapan ako sa nararamdaman ko,hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.?
"Bumangon na ako at naghanda ng sarili ko,baka mag-antay ulit si Sabrina sa'kin.
"Ilang minuto lang ang lumipas pagkatapos kong ihanda ang sarili ko,tinitigan ko ang sarili ko sa salamin,hanggang kelan ko kaya kakayanin na itago ang sarili ko sa katauhang hindi naman talaga ako,biglang pumasok sa isip ko,ni minsan hindi ko pa nagawang magsinungaling.Si Sabrina dinadamay ko pa sa katangahan ko.Kung hindi lang ako nagpapanggap bilang nerd at nagtatago kay Trixie,marami sigurong mas magagandang bagay ang nangyayari.Tingin ko kailangan ko nang ipagtapat yung totoo para hindi na lumaki ang gulo,baka kung saan pa abutin ang kalokohan kong ito.Mas mabuti na sigurong ako mismo ang magtatapat kay Trixie ng totoo,ayokong malaman niya yun sa ibang tao.Mabuti na lang kahit hindi kami magkasundo ni Sabrina nuon,pumayag siya sa gusto ko at hanggang ngayon,pinagtatakpan pa rin niya ako.
"Maya-maya pa may nadinig akong kumakatok sa pinto.
**knock knock**
"Sigurado akong si Sabrina yun,siya lang naman mahilig kumatok sa pinto ng kwarto ko eh.
"Pasok,maiksing sabi ko.
"Narinig kong binuksan niya yung pinto.Hindi nga ako nagkamali,si Sabrina nga,wala naman talagang iba,si yaya hindi naman yun nakatok hanggat alam niyang andito pa ako sa kwarto.
"Nakabihis ka na pala,kumusta na pakiramdam mo?pagkakita niya sakin,agad siyang nagtanong.
"Okay na ako ngayon,magaling yung nurse ko kahapon eh,pagbibirong sabi ko sa kanya.
"Okay,mabuti naman kung ganon.
"Ano bang oras ng first class mo?dagdag niya."Ha,at eight,tipid kong sagot.
"Ah,parehas pala tayo,tara na sa baba,magbebreakfast muna tayo,andito pa siguro si Daddy,mamaya pa daw yung meeting appointment niya eh,sinabi sakin ni yaya,paliwanag niya.
"Okay sige!mauna ka na,susunod na ako,sagot ko.
"Okay!pagkasabi niyang yun bumaba na siya galing sa kwarto ko.
**********
[ Sabrina's POV ]
"Pinuntahan ko muna si Jake sa kwarto niya bago ako bumaba,baka kasi masama pa rin ang pakiramdam niya buti na lang at okay na siya.
"Bumaba na ako papuntang kusina ng malaman kong okay na ang pakiramdam niya.
"Hindi ako nagkamali,naabutan ko si Dad na nakaupo sa dining table.
"Hi Dad,goodmorning,bati ko sa kanya.
"Goodmorning pumpkin,sagot niya.
"Eto na naman si Daddy,hanggang kelan kaya niya ako tatawaging pumpkin.
BINABASA MO ANG
My CRUSH is a NERD " BOOK 1"[KATHNIEL]
FanfictionKathryn Bernardo as--Sabrina Madrigal Daniel Padilla as-- Jake Cruz Panu kaya kung ang isang maganda, mayaman, sexy at habulin ng mga lalaki na katulad ni Sabrina...........magkagusto sa isang weird, booklover, baduy, apat ang mata. .wearing goofy e...