Chapter 19 : Love

73 7 0
                                    

Chapter 19 : Love

[ Jake's POV ]

"Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. May girlfriend ako si Trixie at ang alam ko, hindi ko gusto ang mga babaeng katulad ni Sabrina pero simula nung nagbago siya, nung naging kaclose ko siya parang gumaan ang luob ko sa kanya.

"At ngayon habang pinapanuod ko sila ng James na yun, iba ang naramdaman ko, as in ibang-iba.

"Pero sa ngayon alam ko, ayoko na munang dagdagan ang problema ko, masaya ako bilang boyfriend ni Trixie kaya dapat ko munang isantabi kung ano man itong nararamdaman ko. Hindi dapat ako nagiisip ng mga ganitong bagay. Mahal ko si Trixie at sasabihin ko sa kanya ang totoo pagdating ng tamang panahon.

"Sa ngayon, kailangan ko munang magtago sa katauhan ni Kiel na isang nerd.Nasimulan ko na, kaya tatapusin ko. Matapos naming mag-usap ni Sabrina kanina, alam ko talaga na mali yung ginawa ko at sana patawarin ako ni Trixie pag dumating ang araw na malaman niya ang totoo.

"Naalala ko, papunta nga din pala ako sa acquaintance ball, nadistract ako ng kahibangan ko at hindi ko rin malimutan na napagkamalan akong tatay ni Sabrina ng James na yun.

Tsskk!

***********

[ Sabrina's POV]

"Nakarating na kami ni James sa acquaintance ball. Grabe! Hindi man lang pumasok sa isip ko na ganun pala siya kagentleman.

"Pagdating palang namin, natanaw na kaagad kami nina Miles kasama ang boyfriend niya at si Julia kasama ang isang lalaking, ewan ko kung sino yun, para kasing hindi yun yung boyfriend niya. Sabagay bakit ko pa ba isisingit dito yung mga buhay pagibig nila. Sanay na akong papalit-palit sila ng jowa. Sa katunayan nga nakailan na sila ako zero pa lang.

"Now ko lang narealise, kahit pala naging bad ako nuon, may sides din na naging mabuti ako, never pa talaga akong nagkajowa as in, kaya inggit nga ako kay Trixie kasi siya meron na samantalang ako wala pa at ang pinakamasakit dun, kung sino pa yung gusto ko, siya ang boyfriend niya.

"Ngayon ko pinagsisihan na tama sina Julia, todo deny pa ako, yan tuloy, yung crush ko pagaari na ng iba.

"Sabagay, bakit kailangan ko pang magsisi kung alam ko naman na masaya sina Jake. At isa pa gugulo lang ang lahat, ayoko ng masira yung pagkakaibigan namin ni Trixie.

"Ui bhest, kayong dalawa ha? tanung ni Miles. Ako at si James ang tinutukoy niya.

"Oh! Bhest, kami lang talagang dalawa, hindi naman kami tatlo eh, haha pagbibiro ko sa kanya.

"Nagtawanan kami, pagkatapos kong magbiro.

"At sino naman yang bago mong kasama Juls? Bulong ko kay Julia, hindi niya ako sinagot, tumawa lang siya. Parang gets ko yung tawang yun, two timer din itong mga bhest ko na'to. Wala eh! Magaganda kami eh! Nakss!jowk lang baka sabihin niyo, mayabang na naman ako. I've already changed.

"Wala ba kayong something, something ha? Tanung nila saming dalawa ni James. Napatingin ako kay James, nakangiti lang siya.

"Bhest, wala kaming something, date ko lang siya ngayon, paliwanag ko.

"Weh, di nga?sabi ni Julia. James, kung type mo si Sabrina, bilisan mo na kung ayaw mong maunahan ng iba, dagdag pa niya.

"Loko talaga si Julia, haha nakita ko si James tatawa-tawa lang. Nakakatuwa talaga siya, hindi rin siya napipikon katulad ni Jake, kahit asarin mo hindi nagagalit o kung galit man hindi niya pinapakita.

My CRUSH is a NERD " BOOK 1"[KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon