Chapter 22: Selos

54 5 0
                                    

Chapter 22 : Selos

[ Sabrina's POV ]

.....Continuation

"Nasa labas pa rin kami ng venue, wala na kaming guess kung anong nangyayari sa luob ng party. Ang alam ko lang sa ngayon gusto akong ipakilala ni Trixie kay Kiel na alam kong si Jake lang naman yun.

"Nagkatinginan lang kaming dalawa, at alam kong parehas kaming in a shocking mode. We're both in front of a person, na siyang dahilan kung bakit may lie sa pagitan namin ngayon.

"Ako ba ang dapat unang magpakilala o siya? Tumingin ako sa kanya nakairap ang mga mata ko, pilit kong pinapahiwatig sa kanya na, magsalita ka, ngunit parang hindi niya ako naintindihan kaya ako na lang ang unang magsasalita.

"Hi, I'm Sabrina, pagsisimula ko, inihayag ko ang kamay ko para makipagshakehands, para hindi kami mahalata ni Trixie.Nakakainis naman 'tong si Jake nagisip muna bago iabot yung kamay niya.

"I'm Kiel, sagot niya tapos sabay lunok. Kanina ko pa siya tinititigan kaya alam kong napalunok siya. Ako lang siguro nakapansin nun.

"Nang magabot kami ng mga kamay, naalala ko yung una naming pagkikita ni Jake sa airport. Yung hinawakan ko ng subrang higpit ang kamay niya kaya nasaktan siya. Naalala ko yung mga days na pinapahirapan ko siya, sinisipa ng walang dahilan, hindi pinapansin. Ngayon ko naisip na dahil dun napalapit lalo ang luob ko sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit nagbago ako at siya din ang dahilan kaya friends na ulit kami ni Trixie. Kaya ito yung bayad ko sa kanya sa mga kabutihang ginawa niya sa'kin.

"Inalis ko na yung kamay ko.

"Ilang minuto lang ang lumipas, biglang tumahimik ang paligid. Walang isa man lang sa amin ang gustong magsalita.

"Sabrina, James and.....anong ginagawa niyo dito sa labas? Nasa luob yung party wala dito sa labas.

"Nagulat na lang ako ng biglang dumating at magsalita sina Julia.

"Hah? Wala nagpapahangin lang kami, pagsisinungaling ko. Napansin ko, napatingin sakin sina Trixie at Jake.

"Okay! Tara pasok na tayo sa luob.Pumunta pa kayo dito kung hindi naman kayo nageenjoy? Sabi nila sa'min.

"Okay sige, mauna na kayo, susunod na kami, sagot ko.

"Okay! Tipid nilang sagot, pagkatapos nun pumasok na nga sila sa luob.

"Tara na James sa luob,inakit ko na si James na kanina pa hindi nagsasalita simula nung dumating sina Jake.
'Kayo ba, Trixie and J......?

"Wait! Gosh! Muntik na yun ah, Jake dapat ang sasabihin ko. Thanks god hindi natuloy.

"Kiel, Sabrina. Kiel ang pangalan niya, agaw sagot ni Trixie. Buti na lang, si Trixie na ang nagcorrect. Napatingin ako kay Jake, napakunot ang noo niya.

"Sabay-sabay na tayo pumasok sa luob, pagaakit ko sa kanilang tatlo.

"Sigurado ka bang okay lang na sumama kami ni Kiel sa inyo, pagtatanong ni Trixie.

"Ha? Oo siyempre okay lang sa'kin, sagot ko.

"Eh yung mga friends mo, sina Julia at Miles baka ayaw nila sa'min,sabi ni Trixie.

"Wag kang mag-alala akong bahala sa kanila, mababait din naman yung mga yun, sabi ko.

*************

[ Jake's POV ]

"Mababait daw? Hindi nga kami pinansin eh, ni hindi nga kami kilala, nasambit ko sa sarili ko.

My CRUSH is a NERD " BOOK 1"[KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon