Chapter 16 : New classmate, new friend
[ Sabrina's POV]
"Andito na kami sa room namin, kami as in kami, apat kasi kami. Kaya nga kami eh, sasabihin ko pa bang kami kung magisa lang ako. Sino nga pala kami? Alam niyo na si Miles, si Julia, ako at itong nakabangga ko sa hallway, si Jaime, Aiii mali! James pala. Haha. Bago lang kasi kaya isinama ko na lang siya baka kung san pa mapunta, hindi pa naman ata sanay dito sa Manila.
"Nakaupo na kami sa kanya-kanya naming upuan ng biglang pumasok si Ma'am Dinah, professor namin siya.
"Good morning class, bati niya.
"Agad naman nagsisagot ang lahat, okay naman mga classmate namin, mababait, talagang behave, lalo na dun sa afternoon teacher namin, ang pinakaterror sa lahat, walang maimik ang mga studyante, buti pa nga itong si Ma'am Dinah, mabait, kalmado lang.
"Okay class, bago ako magsimula ng lessons niyo ngayon, nais ko munang ipakilala sa inyo ang bago niyong classmate, si Mr. Sandoval, pahayag niya habang nakatingin kay James. Paniguradong siya yun, wala namang ibang Sandoval dito sa class maliban sa kanya.
"Tumayo siya at nagpakilala, mukhang matalino siya ah! At tama nga akala ko, matalino nga siya, scholar pala siya. Galing siya sa Davao, wow probinsyano nga ang loko, haha parang FPJ lang ah? Si Coco Martin yun, hindi si James Reid. Haha wait lang nalayo na tayo, personal na usapan'to napunta sa TV, si Miss A talaga oh?
(Miss A : hahah ^___^)
"Matapos niyang magpakilala,bumalik na siya sa upuan niya at sinimulan na ni prof ang discussion.
Lunch Time
"Naglalunch na kami ngayon sa cafeteria, nagreready ng lakas ng luob, next subject na kasi namin si terror teacher.
"Habang naglalunch, nakita ko si Jaime, parang sounds eh ganito (hi-me) kumbaga hello sa'kin, GETS?
"Hahah okay, alam ko corny tama na nga, paupuin ko na lang itong si James kung saan kami nakaupo, mukang naliligaw eh! Hindi alam kung saan uupo.
"Reminds ko lang muna, James talaga ang pangalan niya, trip ko lang yung Jaime.
"James dito ka na maupo, sigaw ko kay James, sabay kuhit sa'kin nina Miles, nagpapahiwatig ng pangaasar na naman. Hay naku! Mga ito talaga, hindi pa nga tapos yung pangaasar nila sa'kin about kay Jake, si James naman ang binalingan nila.
"Siniko ko na lang sina Miles para hindi kami mahalata na nagaasaran lang. Gets na yun ng mga friends ko.
"Okay sige! Salamat, sagot naman niya sa'kin. Naupo na siya at nagsimula ng kumain. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya habang kumakain.
Grabe! Kahawig niya talaga si James Reid? Ako lang kaya nakakapansin nito? Bulong ko sa sarili ko.
"James, alam mo ba type ka nitong si Sabrina, pangaasar ni Miles.
"Hah? Ako? type ko si James, hello kamimeet ko lang din dito kanina. Anu yun love at first sight? Hindi uso yun.
"Loko ka talaga Miles, sabi ko.
'Wag kang maniwala dyan James, mga mahilig lang yan sa asaran kaya ganyan, dugtong na sabi ko kay James. Napatawa siya pagkasabi ko nun."Hahahah, sumabay naman pagtawa itong mga friends kong mahilig mangasar.
********
[ Jake's POV ]
"Katatapos lang ng morning classes namin, kasama ko si Trixie ngayon. Ayysst! Hindi niya alam na ako pa rin'to si Jake.
"Hindi Jake ang pangalan ko pag andito sa school, Kiel ang pangalan ko bilang nerd.
"Andito na kami ngayon sa cafeteria, maglalunch at sa di kalayuan nakita ko sina Sabrina. Naalala niyo ba sabi ko pag nagbago siya hindi na sungit ang itatawag ko sa kanya. Kaya ngayong palagi na siyang nakangiti, Sabrina na ulit ang tawag ko sa kanya.
"Nakita ko nagtatawanan sila at kung gaano sila kasaya, bigla akong nalungkot, bakit kaya?
"Napansin ko din na may kasama pala silang ibang tao sa table na yun. Sino naman kaya yung lalaking yun.?
Tanung ng isip ko at parang gustong dalhin ng paa ko ang sarili ko kung saan sila nakapwesto,pinipigilan lang ako ng isip ko dahil wala ito sa napagusapan namin ni Sabrina lalot kasama ko pa ngayon si Trixie."Mahirap ipaliwanag pero alam kong darating ang tamang panahon, masasabi ko din ang lahat kay Trixie.
"Papalapit na kami ni Trixie kung saan nakaupo sina Sabrina. Narinig ko na lang.....
"Bhest, diba si Trixie yun? Talagang nakahanap siya ng partner niya dito ha? Sabi nina Miles at Julia kay Sabrina, medyo mahina man yung pagkakasabi nila pero dinig na dinig ko.
"Tiningnan ko ang sarili ko, nakalimutan ko, nakadisguise nga pala ako kaya nila nasabi yun, ang talas din talaga ng dila ng mga 'to, basta may masabi lang, hindi na nagiisip kong may nasasaktan sila o wala.?
***********
[ Sabrina's POV ]
"Habang nagtatawanan kami, nakita ng dalawang mata ko, paparating sina Jake at Trixie. Sila na talaga ang palaging magkasama, feel na feel ni nerd ah? Haha sarrriiee, kabilugan ata ng buwan ngayon kaya praning na naman ako.
"Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo noh, Kiel ang pangalan ni Jake pag andito sa school.
"Bhest diba si Trixie yun? Talagang nakahanap siya ng partner niya dito ha? Sabay na tanung nina Miles and Julia.Natatandaan pa pala nila si Trixie, akala ko kasi nakalimutan na nila yun. Last year pa kasi yung nagbonding kami sa Boracay.
"Mukang narinig pa ata ni Jake yung sinabi nitong dalawa, tumitig siya sa sarili niya, ineexpect ko na, nakalimutan niyang isa syang nerd ngayon kaya siya tumingin sa sarili niya.
"Nagpatuloy sa paglalakad sina Jake a.k.a Kiel da nerd! Pwede bagay diba? Pero Jake na lang, nasanay na akong yun ang tinatawag sa kanya, eh...sa yun naman talaga ang pangalan niya, masama naman kung tatawagin ko siyang ugok ulit.
"Ayyst! Tama na nga pangalan lang yun, poproblemahin ko pa ba?At isa pa wala namang nakakaalam na si Jake at itong nerd na andito eh iisa lang pala.
"Naisip ko lang, anu kayang magiging reaksyon ni Trixie pag nalaman niyang si Jake na boyfriend niya at si da nerd na kaibigan niya eh only one lang. Mabait si Trixie pero pagdating sa lie. I don't think so?
"Bahala na sila, problema nila 'to, hindi sa'kin, pinagbigyan ko lang si Jake sa gusto niya.
"Guys, tara na may pasok pa tayo, tapos na ba kayo kumain? Tanung ko sa kanila.Iniba ko na yung usapan.
"Sumabay ka na sa'min James, iisa lang naman classes natin, sabi ko kay James."Okay! Sige tara na.
"Umalis na kami sa cafeteria, kasabay namin si James, nagkarun kami ng bagong friends and classmates. Hindi naman siguro ito bakla, sayang ang kagwapuhan niya pag naging bakla siya, haha pogay ang mangyayari.
"Tama na nga ang chismis, papasok na kami kay miss terror teacher namin, daig pang pinanganak ng dekada'70.
"Tsk!
End of Chapter 16
BINABASA MO ANG
My CRUSH is a NERD " BOOK 1"[KATHNIEL]
FanfictieKathryn Bernardo as--Sabrina Madrigal Daniel Padilla as-- Jake Cruz Panu kaya kung ang isang maganda, mayaman, sexy at habulin ng mga lalaki na katulad ni Sabrina...........magkagusto sa isang weird, booklover, baduy, apat ang mata. .wearing goofy e...