Chapter 23 : Nurse in the house(Sabrina)

56 7 1
                                    


Chapter 23 : Nurse in the house(Sabrina)

[ Sabrina's POV ]

"Jake bilisan mo na,sasabay ka ba sa'kin papuntang school,sigaw ko sa harap ng pinto ng kwarto niya habang kumakatok.

"Nasa kwarto pa ba siya?Bakit walang sumasagot?tanong ko sa sarili ko. Binuksan ko yung pinto para masigurado ko kung wala nga siya sa luob,madalas kasi pag ginigising ko siya,sinasagot niya ako eh.Simula kasi nung nagstart na yung school classes namin hindi na siya nagjajogging everyday,tuwing weekends na lang.

"Pagpasok ko sa luob,naabutan ko siyang nakahilata pa rin sa kama niya.

"Jake,sabay tapik sa katawan niya na nakatago sa ilalim ng kumot,balot na balot kasi siya.May pasok ka ba ngayon?Malelate na kasi ako,sasabay ka ba sakin?tanung ko.

"Nag-antay ako ng sagot niya ngunit wala akong nadinig. Hinawakan ko yung ulo niya na tanging nakalabas at kitang-kita dahil nga nakabalot yung katawan niya sa kumot,nakakapanibago ata siya, nagulat na lang ako ng malaman kong ang init init niya, may sakit ata siya.

"Jake,okay ka lang ba?ang init init mo,may sakit ka ba,bakit hindi ka man lang nagsasabi?sunud sunod na tanong ko.

"Hindi talaga siya nagsasalita,siguro masama talaga ang pakiramdam niya.Anong gagawin ko ngayon?May pasok pa naman ako, ano ba yan?tarantang sabi ko sa sarili ko.Wala pa naman dito si Dad,nasa office na.

"Yaya,Yaya,sigaw ko baka kasi nasa baba lang si yaya.

"Ilang minuto din ako nagsisisigaw pero wala din si yaya.

"Ayst,naman oh!nakalimutan ko nagpaalam nga pala kahapon si yaya na magdeday-off daw siya ngayon kasi birthday nung apo niya.

"Mag-isa lang pala kami dito sa bahay ngayon, hindi ko naman siya pwedeng iwanan ng ganito na lang sa bahay.Ipagpapaliban ko na lang muna yung class ko baka kung mapano pa itong si Jake pag iniwanan ko siya.

"Teka ano bang gagawin ko?Nag-isip ako kung anong pwede kong gawin para bumaba yung lagnat niya.

"Jake,wait lang kukuha lang ako ng mainit na tubig at tuwalya,pupunasan kita,sabi ko sa kanya na hindi ko alam kung narinig niya ako o hindi.

"Bumaba ako sa kusina at nagprepare ako ng mainit na tubig.

"Pagkatapos kong maghanda ng maligamgam na tubig at tuwalya,bumalik na ako sa kwarto niya.

"Pinunasan ko siya,at habang ginagawa ko yun hindi ko maiwasang hindi tumingin sa katawan niyang hindi kamatchohang tingnan pero ang hot pa rin.

"Ano ba naman tong pinag-iisip ko may sakit na nga yung tao pinagpapantasyahan pa.

"Pagkatapos ko siyang punasan,sinuutan ko na lang siya ng malinis niyang t-shirt.Bumaba muna ako sa kusina,biglang pumasok sa isip ko na makakabuti sa may sakit ang may hinihigop na mainit na sabaw kaya naisipan kong magluto ng soup para sa kanya. Sa totoo lang first time kong magluluto kaya bahala na si Batman ngayon.

"Natapos ko ng lutuin yung soap,tinikman ko muna baka kasi kung ano na lang lasa nito,mapahiya lang ako kay Jake pag natikman niya ito.

"Medyo kulang sa alat pero hayaan ko na lang,mas maigi na yung kulang kaysa sobrang alat. Unfairness ha,not bad para sa first timer na katulad ko.

"Ayy noh ba yan,kinakausap ko na pati sarili ko,naghahallucinate na din ata ako.

"Umakyat na ako sa kwarto ni Jake,tinulungan ko siyang makabangon sa kama niya para makain niya itong soup na ginawa ko para sa kanya.

My CRUSH is a NERD " BOOK 1"[KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon