Chapter 14 : Jake is a NERD

92 10 10
                                    


MY CRUSH IS A NERD

Chapter 14 : JAKE is a NERD

[ Sabrina's POV ]

"So yun nga andito kami ngayon sa school nagpapanggap, pretending hindi kami magkakilala pagdating sa school kahit ilang beses ko siyang nakakasalubong sa hallway. At para sa kaalaman niyo, hindi ko alam na parehas pala sila ni Trixie ng coarse, palagi ko silang nakikitang magkasama. Hindi ko lang alam kung alam ni Trixie na si Jake at yung fake nerd na kasama niya palagi eh iisa lang.

"Bakit nga ba ako pumayag sa deal na yun. Kung kailan nagbabago na ako saka pa niya naisipang magkunwari.?Siya din naman nagsabi sa'kin na wag akong maging masungit pagkatapos ito yung gusto niyang mangyari, napabilis ata usapan naming yun, hindi ako nakapagisip ng maayos.

"Kakausapin ko na lang siya mamaya paguwi namin sa bahay.

"Medyo nasasanay na akong maging kalmado lang pero bakit ganun naiinis ako pag nakikita ko silang magkasama ni Trixie.Yun ba yung dahilan niya kung bakit mas pinili niyang maging nerd.

"Nonsense naman ata kung yun nga ang dahilan niya. Bahala na nga, kakausapin ko talaga siya mamaya, kahit wala naman akong karapatan magtanung sa kanya ng ganun pero...

"Hello, kasama ako sa pakana niyang ito, so may karapatan din ako.

"Bhest lutang na naman yang isip mo? tanung ni Juls sa'kin.

"Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko, ngayon ko pa lang naalala na kasama ko nga pala etong mga friends ko. Kung hindi pa ako kinausap ni Julia ngayon, malamang kung saan-saan na ako nadala ng imahinasyon ko.

"Sorry naman, may pakpak talaga minsan ang utak ko, lumilipad.

"Ah...lutang ka dyan? pagtangging sagot ko sa kanya kahit ang totoo nakalutang talaga, kaiisip nitong pagpapanggap namin ni Jake.

"Suz bhest, namimiss mo lang si Jake anu? tanung naman ni Miles.

"Haiistt! Eto na naman mga friends kong ususera, dinaig pa ang mga chismosa eh.

"Ang alam kasi nila bumalik na si Jake sa United States, ang hindi nila alam, andito lang din sa school pagala-gala nagtatago sa salamin na parang tutubi.

"Uo nga bhest tama si Juls, namimiss mo si Jake. Bakit mo kasi pinaalis, hindi man lang ako nakapag-goodbyekiss kay papa Jake, pagbibirong sabi ni Miles tapos sabay silang nagtawanan ni Julia.

"Kayo talaga? May hangover na naman kayo anu, kaya bangag na naman kayo?tanung ko sa kanila.

"Anung hangover, hindi noh? Tumatanggi ka pa kasi eh halata naman sa'yo, it's obvious may gusto ka kay Jake, pagkakaila nilang dalawa at may pahabol pang pangungulit.

"Wala naman sigurong masama kung aaminin ko na sa kanila, may point naman sila, crush ko talaga si Jake. Ayan pinagkakalat ko na pero wag kayong maingay dyan, ayokong malaman ito ni Jake, naku!

"Oo na may gusto ako sa kanya. Inamin ko na kahit yung crush na sinasabi ko eh isang nerd na ngayon. Kagustuhan niya ang umalis, hindi ko siya pinaalis ok! Dagdag na paliwanag ko sa kanila.

"Oh my god, pahirap ng pahirap ang pagpapanggap na'to. Oo hindi ako naging mabuti sa iba nuon even to Jake, but I never lied na katulad nito.

"Oh di inamin mo na ngayon, kung kelan wala na siya, pangaasar nilang dalawa.

"Oo na, tama na kayo basta ako hanggang crush lang yun, kaya wala akong pakialam kung lumayo pa siya o hindi, paliwanag ko.

"Sus! Hanggang crush lang daw? Baka naman isang araw sumunod ka pa sa kanya sa States, pangaasar ulit nila.

"Wag nga kayo, promise crush lang talaga. Tuloy-tuloy ang pagsasalita ko, hindi ko napansin na saktong dadaan sa harap ko sa Jake, este etong crush kong nerd/"fake nerd".
Inemphasize ko talaga, eh sa fake naman talaga.

"Pffftt! Nadinig kaya niya yung sinabi ko.?Halos 2 centimetre lng ang agwat ng mukha ko sa tenga niya. Sana naman hindi niya narinig, baka isipin pa niya na siya yun.

"Oo siya talaga yun pero ayokong ipaalam sa kanya noh?

"Sarriiee! puro crush na lang nababanggit ko ngayon.... kaya nga "My crush is a Nerd ang title ng storyang ito eh! make sense diba? Alangan namang ang boyfriend kong nerd, maybe sa Book 2 ng storya ko, posible, abangan niyo nga pala.

(Miss A : Zuuppp Sabrina, nagpopromote ka na jan, di pa tapos 'tong Book 1 mo oh? )

"Hahaha"

"Ayaw mo pa nun Miss A, inuunahan na kita, tutal life ko naman 'to diba? Anyway mahal kita Miss A,haha^__^ back to reality na.

"Wish ko lang talaga hindi niya nadinig at katulad nang napag-usapan namin, dumaan lang siya na parang hangin, walang batian, walang pansinan. Napatingin na lang ako sa kanya....ah eh nila pala, kasama na naman kasi niya si Trixie at ano pa bang magbabago dun eh classmate nga sila diba?

"Unfairness ha, subrang galing niya magdisguise, hindi talaga siya makilala nina Miles and Julia.

"Sabagay sino bang makakapansin sa gwapong katulad ni Jake tapos magtatransform sa isang nerd na minsan magulo ang buhok, minsan naman daig pang nahimod ng kalabaw ang buhok at talagang hipid na hipid, kumikinang pa sa daming nilagay na wax at gel.

"Hindi sa nilalait ko sila ni Trixie pero bagay na bagay silang magkasama. We'll si Trixie matagal ng nerd, inborn na ata sa kanya yun.

"Speaking of Trixie, gusto ko siyang makausap at humingi ng tawad sa kanya. Kailangan ko lang ng tamang panahon para dun basta ang alam ko sa ngayon maraming bagay ang dapat naming pag-usapan.

"Una sa lahat, hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag, inunahan ako ng pride ko at dahil dun nasira ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Pangalawa, I choose to be bitch than to be her bestfriend. Yes, Miles and Julia was more than a bitch either but they are my friends too, they are not the same like others but being bestfriend with Trixie is more than that.

"Saka ko na lang iisipin ang lahat ng ito, pag handa na akong kausapin siya, hindi pa ito yung tamang panahon ,sa ngayon problema ko pa itong pagpapanggap namin ni Jake.
At habang andito kami sa school, ganun din katagal ang pagpapanggap naming dalawa.

"Ayysstt!

"Mga bhest tara na, may pasok pa tayo sa next subject natin, terror pa naman professor natin dun, baka mailagay tayo sa detension, pasigaw na sabi ni Julia. Lumipad na naman yung isip ko kaya nakalimutan ko din na may pasok pa kami ngayon.

"At ang hindi kapani-paniwala, ngayon lang naging concern itong mga friends ko pagdating sa classes, dati kasi palaging magdiditch itong mga 'to at syempre kasama ako dun. Totoo palang pagdating sa college parang nageemerge yung pagiisip natin, nagiging matured kumabaga and focused.

"Wow mga bhest, kayo na talaga? Seryoso? Pagbibiro ko kahit ang totoo natutuwa ako na nagiiba na din ang ugali nila.

"Aba syempre naman bhest, college to noh, hindi high school.? Sagot ni Miles.

"Uo nga bhest, may gusto din kaming marating someday kahit papano para may maipagmalaki din kami, sabat ni Juls.

"Okay! Mabuti na yan mga bhest. Tara na, baka malate pa tayo, lagot tayo kay prof.

"Hahaha, sabay-sabay naming tawanan pagkatapos naglakad na kami papunta sa room.

**********

A/N : Pasensya na may pinagkakaabalahan lang si Miss A kaya natagalan ang update.

Siyanga pala, dun sa nakakaalam nung isa kong story na You don't know how much I love you. Pinalitan ko na po siya ng title "Stuck with the past"Kathniel fanfic din po yun at dahil po dun enidet ko din po yung prologue dun, so pakiremove na lang po sa library then add po ulit para walang typo error nxt tym. So yun lang po salamat.

God bless and smile lang always♥♥♥

My CRUSH is a NERD " BOOK 1"[KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon