Chapter 21 : Decisions

64 8 1
                                    

Chapter 21 : Decisions

[ Sabrina's POV ]

"Sabrina, will you be my girlfriend?

"Nagulat talaga ako sa sinabi niya, naisip ko lang, totoo ba ito?

"What? Tell me again? Ulit ko, para kasing nabingi ako sa pagkakasabi niyang yun, yun ba yung nais niyang sabihin kanina.?

"Sanay na ako na may nagsasabi sa'kin ng ganito pero kakaiba yung feeling ngayon. Nakikita ko kasi na parang sincere siya sa sinasabi niya hindi katulad nung iba na dinadaan sa materyal na bagay makapagsabi lang, yung iba magbibigay muna ng chocolate or flowers.

"Di'ba makikita naman kung sincere ang isang tao na mahalin ka kung ipinaparamdam hindi dinadaan sa gifts.

"Ang tanong ngayon, anong isasagot ko sa kanya, tatanggapin ko ba? Si Jake ang gusto ko na sana nagsasabi sa'kin ng ganito ngayon pero obsessed siguro ako kung aasa pa ako kay Jake, mahal niya si Trixie at alam kong mahal din ni Jake si Trixie, mahal nila ang isat isa.

"Oh god! Help me please. Hindi ko rin naman inexpect na mahuhulog ang puso ko kay Jake. Sa totoo lang andito na ako sa point na 'the more you hate, the more you love, parang ganito yung nangyari sakin.

"Ayyst! Deep sighed na lang ako, problemado lang, kayo naman.

**********

[ James POV ]

"Hindi ko na pinatagal pa, sinabi ko na yung dapat kanina ko pa sinabi, wala naman sigurong masama kung binilisan ko na. Gusto ko sana manliligaw muna, parang old tradition pero nilakasan ko na yung luob ko kaya deneretso ko na.

"Tumingin ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya at........

"Sabrina will you be my girlfriend? Pagkatanong kong yun parang nagulat siya. Kung nababasa ko lang kung anong nasa isip niya ngayon?

"Simula nung dumating ako sa school na ito, siya ang kauna-unahang babaeng nakilala ko at simula nun nasabi ko sa sarili ko na " sana siya na" .

"Oo, assuming nga siguro ako na magisip ng ganun pero wala eh, tinamaan talaga ako sa kanya.

"What? Tell me again?tanong niya, hindi ko alam kung hindi niya lang talaga naintindihan o nabigla siya sa pagkakasabi ko.

"I said, will you be my girlfriend, ulit ko sa kanya. Hindi ako mageexpect na sasagutin niya ako ngayon ang mahalaga nasabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko.

"Matagal siyang nag-isip bago makasagot, alam ko naman na baka hindi niya ako gusto pero kinapalan ko na talaga ang mukha ko na magtapat sa kanya, kahit hindi ako sigurado, kahit mapahiya ako sa harap niya, wala akong pakialam basta gusto ko siya, mahal ko siya.

"Ilang minuto din akong nagantay ng sagot niya.

"Ah, James! Actually I don't know what to answer.Can you give me time to think about it, I'm sorry for now, sagot niya.

"Alam ko naman na hindi niya ako sasagutin ngayon, parang basted ako pero at least, I'm still have chance, pagiisipan pa niya diba?

"Okay lang Sabrina, I understand. I'm sorry, sagot ko sa kanya.

"Ano ka ba James? Bakit ka nagsosorry, dapat nga ako eh?

"Kasi nalaman mo yung totoo na may gusto ako sa'yo.

"Okay lang yun,don't worry friends pa din tayo, walang magbabago dun.

"Siguro friends lang talaga ang tingin sakin ni Sabrina pero magaantay pa rin ako sa kanya.

***********

[ Jake's POV ]

"Nalate ako ng dating sa party, nagkakasayahan na ang lahat nung dumating ako. Halos hindi ko na makilala yung ibang andito sa party. Tingin ko outsiders yung ibang mga studyante dito, ewan ko lang din, dahil sa isa akong nerd pagdating sa school, wala akong ibang friend kundi si Trixie kaya wala akong ibang kilala.Bukod kay Trixie eh sina Sabrina lang ang kilala ko dito.

"Alam niyo na buong storya kaya wag na nating pahabain to.^___^

"Naupo na lang ako sa isang bakanteng lamesa ng biglang may lumapit sakin, si Trixie pala.

"Hi Kiel! Bati niya sa'kin.

"Oh, hi! Kanina ka pa dito? Tanong ko, ang sabi kasi niya nung nung huling pag-uusap namin, hindi siya aattend ng party.Pero okay na rin na pumunta siya....Ngayon ko lang narealize na mahirap palang makipag-usap sa isang taong may koneksyon sa'yo pero hindi niya alam ang totoo.

"Oo kanina pa, kausap ko lang yung bestfriend ko kanina, sagot niya.

"Bestfriend? Si Sabrina siguro yung tinutukoy niya. Tinotoo nga pala niya yung sinabi niyang makikipag-usap siya kay Trixie.

"May bestfriend ka pala? Tinanong ko na din, kunyari wala akong alam.

"Oo meron, kapitbahay ko lang siya.

"Ah, okay! Tipid na sagot ko.

"Kung gusto mo sumama ka sakin, ipapakilala kita sa kanya, suggestions niya.

"Hah? Wag na baka pagtawanan lang ako nun, pagkukunwari ko.

"Hindi, mabait yun saka nasabi ko sa kanya na may similarities kayo nung boyfriend ko.Kilala yun ni Sabrina kasi nakatira yun dati sa kanila.

"Damn! Hindi ako makakibo sa kinauupuan ko. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Kung alam mo lang Trixie, ako yung tinutukoy mo. Now lalo ko lang naiisip na mali talaga ang magpanggap at magsinungaling sa'yo, sana mapatawad mo pa ako, bulong ko sa sarili ko.

"Ha? May boyfriend ka pala, hindi mo sinasabi sa'kin, pagsisinungaling ko.

"Oo kaso wala siya dito eh, nasa States.

"Ganun! Bakit?

"Oo, long story eh! Saka ko na lang ikukuwento sa'yo. Tara ipapakilala kita sa bestfriend ko.

"Sumama na lang ako sa kanya kaysa pagusapan pa namin yung mga bagay na alam ko na, mas lalo lang akong masasaktan.

"Hinanap namin yung sinasabi niyang bestfriend kahit alam kong si Sabrina yun. Lumabas kami ng party venue at naabutan namin sina Sabrina at itong si kumag na napagkamalan akong daddy ni Sabrina.

"At ang nakakasakit sa matang tingnan eh ang makitang nakahawak siya sa kamay ni Sabrina.

"Alam kong wala akong karapatang magalit ngayon lalot kasama ko pa si Trixie ngayon kaya nanahimik na lang ako.

"Sabrina,tinawagan siya ni Trixie.

************

[ Sabrina's POV ]

"Kanina pa kami nag-uusap ni James pero ngayon ko lang napansin na nakahawak pa din pala si James sa kamay ko.

"Lalo akong nagulat ng may tumawag sa pangalan ko, paglingon ko nakita ko si Trixie at kasama si.....

"Alam niyo na si nerdong Kiel/Jake.

"Oh Trixie, buti alam mong andito ako.?

"Hinanap ka namin, hindi ka namin nakita sa loob kaya naisipan naming baka andito ka sa labas, at hindi kami nagkamali, sagot niya.

"Inalis ko na yung pagkakahawak ni James sakin. Napatingin ako kay Jake, parang nakasimangot.

"Anong problema niya, hindi maipinta ang mukha kasama naman niya yung girlfriend niya.?

"Ganun ba! Bakit? May problema ba? Tanong ko.

"Ah wala, ipapakilala ko lang sana sa'yo si Kiel, sagot niya.

"Bigla kaming nagkatinginan ni Jake/Kiel. Alam namin ang totoo, parehas kaming nagsisinungaling kay Trixie.

.......to be continue.....

End of Chapter 21

My CRUSH is a NERD " BOOK 1"[KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon