*** SEQUEL STORY OF SOPHIE'S MEMORIES***
Noong nabubuhay pa ang ama niya...at ang kanyang kabataan niya.
Sa opisina sa kuwarto ng ama niya, nakita niya na nagaayos ng mga dokyumento at papeles ang ama niya na busy.
"Sophie anak!,... mamaya ako makikipag laro saiyo ha?masyado busy si daddy! Im sorry."
"daddy I love you!"
" I love you too My Dear Sophie!"
Inutusan ng ama niya na pabantay sa yaya si Sophie na ito muna makipaglaro sakanya. At habang nagutos naman siya na magdala ng kape ang isang yaya.
Sa mga oras na iyun dumating ang magkapatid na kaibigan ni Sophie sina Joseph at Bryan.
Agad na nagtungo si Joseph kay Sophie. Samantalang si Bryan pumunta sa kusina.
Nasilip niya si Gino na nagtitimpla ng kape ang yaya. Pero kailangan nito mag Cr, kaya iniwan niya ang kape. Nang nawala ang yaya, pasimple siya lumapit at nilagyan ng lason ang kape tsaka inihalo.
Pero nagulat siya na nasalikuran niya si Gino.
"ahh Sir Bryan nandyan ka pala po... tinatawag na kayo ni Sir Joseph."ani ni Gino"anu po bang ginagawa ninyo?"
Napabuntong hininga si Bryan, dahil buti nalang hinde nakita ni Gino ang balak niya, kaya nakaisip ng magandang plano na idiin ang sisi kay Gino.
"ahh pinagtimpla ko kase si Uncle, Gino puwede humingi ng pabor, pakidala naman ito sakanya?, at pupunta na ako kila kuya at Sophie, sumunod ka nalang pag katapos, hah! Bilisan mo!." Sabay ngiti nito at binigay ang tray kay Gino at habang tinapik ni Bryan ang balikat ni Gino, sabay umalis,
Bahagya naman napansin ni Gino ang kakaibang ngiti nito.
Pero hinde niya pinansin dahil at least sa wakas hinde nagalit sa kanya si Bryan. Kase palagi siyang pinagiinitan nang walang dahilan , lalo na sa tuwing sasali siya sa tatlo. Kaya inaantay niya na si Joseph ang mag yaya sakanya kase hinde makatanggi si Bryan kay joseph.
Kaya ng nakarating siya sa kuwarto ng ama ni Sophie kumatok siya.
"pasok lang!" ani nito at busy ito hinde niya halos tinignan si Gino.
"ahh ikaw pala... sige ilagay mo lang dyan."
Nakaramdam ng kaba bigla si Gino at kinukutuban ng masama. Kaya hinde siya umalis sa paningin ng amo niya.
Ng ininom niya ang kape.
Biglang nabitawan ng ama ni Sophie ang tasa at nabasag sa sahig. Habang nakahawak ang ito sa leeg niya na parang pasakal. Nag simula nagkalat ang lahat ng papeles, at natumba sa mula sa kinauupuan ang amo niya natulala sa sobrang takot si Gino at hinde makasigaw, hinde niya alam ang gagawin,
Lumuluha sa takot si Gino... nawalang kamalay malay sa nangyayari, nakikita niya na nagsisimulang magkulay lila ang buong mukha ng amo at ugat ugat habang pagapang siya papunta sa pinto.
matapos nakarinig ng ingay mula sa labas ang yaya. Binuksan niya ang pinto at nakita ang naghihingalong amo at ang malala nasaksihan pa ito ni Sophie habang inaabot siya. Sumigaw siya.
BINABASA MO ANG
My Haunted Memories
Mystery / ThrillerTAGALOG This is the story of a lovely girl...and her forgotten memories, after waking up from a tragic accident, and as she trying to figure out... about her darker past, by from her dreams, will she able to make it what lies within... or will it...