"MY HAUNTED MEMORIES " Innocence & Guilt Sequel Story PART 3

18 0 0
                                    

 

***SEQUEL OF STORY: BRYAN'S STORY***

 

Si  Bryan:

Nakakabatang kapatid ni Joseph, at may pag tingin kay Sophie.

Dahil sa pinatalsik ng ama ni Sophie sa kumpanya ang ama niya sa paratang Corruption at ikinamatay nito ang labis na sama ng loob... kaya lihim na napuno ang galit sa kanyang puso sa ama ni Sophie.

Kaya nagawa niyang patayin gamit ng isang uri ng lason at

Ibinintang ang sisi kay Gino.. na siya namang kinaayawan niya, dahil sa paborito ito ng ama ni Sophie, pati mas pinapaboran pa ng kuya niya (dahil din sa matinding selos).

 

Matapos niya naisakatuparan ang plano niya sa pag patay sa ama ni Sophie at naidiin kay Gino ang bintang , nakaramdam muli siya ng matinding selos, matapos niyang malaman na nagging sila ng kuya niya at si Sophie. Kaya nagawa niya rin ang planuhing ipapatay si Joseph sa pamamagitan ng aksidente na napagtagumpayan niya rin.

 

** nasa dinaraanan ko kase ikaw, kaya sorry kuya...at isa pa lagi nalang ako pangalawa, sa wakas mapapansin din nila ako, pati lalo na si Sophie, wag kang mag alala ako na mag aalaga sakanya kuya...** ani niya.** isasama ko sa libing mo ang sekreto ko!**

 

Nagging madali nalang ang lahat kay Bryan lalo na ng mawala ang alaala ni Sophie. Kaya kinuha niya na ang pagkakataong iyun.

 

***

Pero nang malaman ni Bryan na nakalaya na si Gino... gumawa siya ng paraan upang madiin muli sa isang krimen... ang pagpatay sa kanyang mga tauhan na ang totoo ay planado niya kasama ang pananakit sasarili na masabing nakipaglaban siya kay Gino, pero bago iyun.

 

Nag pakita pa sakanya si Gino,sa isang parking lot ng isang condominium .

Napahinto ang pag sakay niya sa kotse niya ng marinig niya ang isang familiar na boses sa kanyang likuran.

"Tigilan mo nayan Bryan..." ani ni Gino."sumuko ka na, at sabihin mo ang totoo!"

"kamusta Gino? Long time no see?, kung makapag salita ka para kang kuya ko... oh baka naman gusto mo pa sumunod sakanya?" ani ni Bryan na bahagya ngumiti.

"pagsisihan mo ang lahat ng ginawa mo!"

Sabay lumingon sa likod si Bryan. "kasalanan mo rin, masyado ka nakikisawsaw, kaya anung nangyare nakulong ka hahaha, alam mo magpapakasal na nga kami ni Sophie,tinatamasa ko na nga ang matamis na tagumpay!, pero bago ko makumpleto, kailangan muna tangalin ang peste!!!" sabay hinagad agad ni Bryan si Gino ng isang kapirasong tubo.

 

At agad pinigil ni Gino, pero sabay nun ay sinuntok siya sa mukha... kaya nawalan ng balance at napabaksak si Gino. Tsaka himapas ng tubo sa ulo si Gino at nagsimulang dumugo.

Balak na sanang tapusin at patayin si Gino pero ... nabigla siya tulala  nang Makita niya ang multo ng kuya niya sa katauhan ni Gino na inaagnas ...

"HINDE MAARI PA-PATAY KA NA !!!"

nabitawan niya ang tubo at patakbo lumayo, agad sumakay sa kotse at humarurot paalis sa sobrang takot niya .

 

***

 unting unti na nalalaman ang mga lihim ng kanyang kasalanan,at kasama ng multo ng kunsensya... pinalano niya na patayin nalang si Sophie matapos makipaghiwalay sakanya, dahil hindi niya ito matanggap.

 

Ngunit sa huli ay nabigo at namatay si Bryan matapos mapatay siya ni Sophie.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Haunted MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon