**
Buong magdamag yata akong di nakatulog kakaisip kung totoo ba yung narinig ko. It bothers me a lot honestly kasi what if sila talaga yung nakatira doon? What if makita niya ako dito? What if mangkabanggaan kami? Ulol, as if namang lumalabas ako.I just dance my thoughts away at dahil diyan nakagawa ako ng bagong choreography na fit for hip hop. Yun nga lang para akong sabog at zombie dahil sa puyat. 2 hours or 3 lang yata ang tulog ko kaya sobrang lutang akong nag breakfast.
"Good morning, Ma." bati ko kay Mama no'ng bumaba siya sa hagdan.
Nag-una na kaming mag almusal ni Lola dahil maaga din siyang nagigising. Di ko nga siya natulungan sa pagluto dahil sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat.
"Ano'ng good sa morning kung puro dabog at kalabog ang naririnig ko buong gabi." reklamo ni Mama. Nginitian ko nalang siya dahil alam ko namang nakakatulog siya sa mga kalabog ko dahil sa pagsasayaw. She always encounter it kaya nasanay na rin siya.
"Nako! Ikaw bata ka! Maaga ka talagang mamatay sa mga pinanggagawa mo. Abuso kaayo ka sa imong lawas, bata pa naman kaayo ka! Susmaryosep, sa una dili man me ana tawon uyy." litanya ng Lola ko using her native language. Tubong Cebuano kasi siya at lumaki sa Mindanao. Napadpad dito sa Manila para magtrabaho at dito na rin siya nag-asawa. Sa kanilang dalawa ni Mama ko nga natutunang mag Bisaya dahil minsan nagcoconverse sila using Bisaya.
I just eat my cereal at hindi na pinakinggan ang litanya ni Lola. I know that she will keep on talking hanggang sa makontento siya. Baka nga maglilitanya pa yan mamaya kahit na nakaalis na ako.
Mom is talking on her phone, work-related. Kumain nalang ako para kahit papano mabawasan lang man ang sakit sa ulo ko. After eating, umakyat na ako sa kwarto ko at nagprepare na para sa pagpasok. I wore a faded tubular jeans and pair it with white cardigan and white Fila disruptor. Kinuha ko na rin ang black korean bag ko at pinasok ang mga ginawa kong homework. After I finished preparing I look at the new house through my window.
The uneasiness that I felt yesterday is still here pero bakit ba ako kinakabahan? That's the freaking question.
Bumaba na ako at nagpaalam na kina Mama at Lola. She handed me my allowance and told me na susunduin niya ako mamaya dahil kukunin na daw namin yung uniform na pinatahi ko. I just nodded at her at lumabas na dahil lalakarin ko pa ang village gate.
YOU ARE READING
Cruel Summer
General FictionDancing became the second life of Jamaica Joe. She will never calm down, not until she dances. It was perfect; she has friends and is a part of a dance team that she leads. It was one summer when she met a guy who dances flawlessly. She couldn't hel...