Step 24

11 1 0
                                    

**

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

**

Tahimik lang akong naghihintay sa opening ceremony. Nandito kami sa Camp ground ngayon nakaupo sa malaking kahoy na ginawang upuan.

Si Matt at Phone ay busy sa pag-uusap nila ng kung anong topic habang si Haze naman tahimik lang sa tabi ko malalim ang iniisip.

And I know where that silence came from.

Gusto ko sana siyang kausapin. Pero I know to myself na hayaan nalang muna siya. Kasi kahit ako, kailangan ko ring isipin kung paano ko makakausap si Rush na hindi siya galit sa akin.

"Welcome, campers,"

Nagsihiyawan ang lahat at halatang excited sa mangyayari. Tumuwid ako ng upo at binalingan si Haze na nasa harap na nakatingin ngayon.

"I know, I know. Alam kong excited kayong lahat. Kaya wag na nating patagalin pa. Welcome to Artifice Bivouac,"

Mas lalong sumigaw ang mga tao dito at nagpalakpakan pa. May ibang tumayo na sa kanilang upuan at tumatalon pa.

"To commemorate our first day, let's celebrate it with the lighting of bonfire,"

Halos mabingi na ako sa sigaw at hiyawan ng mga campers. Isali mo na din ang high pitch na sigaw ni Phone sa tabi ko.

I was cursing them for shouting out loud. But I don't have a reasom to be mad over this. I am in a summer camp so expected na talaga na may mga ganitong pasabog na ikakatuwa ng lahat.

Nanood nalang ako sa harap at namangha din nang may pasabog sila para masilaban ang nakatayong kahoy sa gitna. Nagtayuan na ang lahat dala siguro sa nangyayari. Pero dahil kinulang ako sa height, di ko na lubos makita ang kaganapan sa harap. Sinubukan kong magtip-toe para makakita pero useless lang dahil ang tangkad ng tao sa harap ko.

"Hop on,"

Huli ko na narealize nang patalikod na lumuhod si Haze sa harap ko.

"Ha? Wag na! Nakakahiya," I reasoned out but he just glared at me.

Ramdam ko ang pamumula ko sa mukha dahil sa gusto niyang mangyari. He wants me ro climb on his back.

"Mabigat ako, Haze," alibi ko ulit.

"Come on. Hop on,"

Aangal sana ako pero tinulak ako ni Phone. Kaya halos lumusob ako sa likod ni Haze. Tinapunan ko ng masamang tingin si Phone pero nagkunwari siyang parang walang ginawa kahit rinig ko naman ang hagikhik niya.

Cruel SummerWhere stories live. Discover now