**
"Ikaw yung kaibigan ni Persephone, diba?"
Napahinto ako sa pag-inom ng tubig nang biglang may kumausap sa akin. I smile and look at him to answer him.
"Oo, bakit?"
He looked me straight in the eye. "Totoo bang may boyfriend na siya?" tanong niya.
I pressed my lips together and considered what to say. I know Phone warned us not to tell us that she has a boyfriend for his sake, but how did people come up with this?
"Ah, wala. She's single." I lied.
"But people here say that she's with Matt?" tanong ulit ng lalaki.
Napanganga ako at halos mabilaukan dahil sa sinabi niya. Really? Si Matt pa talaga?
"Sino nagsabi niyan?"
"Matt himself," sagot niya. Then it clicked to me that Matt said yesterday that someone asked him if Phone was his girlfriend tapos sinagot niya na oo. I can't believe na kumakalat na pala ito ngayon.
"Ah, yes. They are," sabi ko kahit na nagdadalawang isip pa ako kung tama ba tong ginagawa ko.
But it will be to Phone's advantage. She's actually concealing Nico's identity, dahil sa parents niya. I don't know the whole details, pero ang alam ko lang ay gusto siyang i-arrange ng parents niya sa mayaman din, arrange marriage, to be precise.
Tumango nalang siya at naglakad palayo. Uminom nalang ako ulit ng tubig dahil uhaw pa ako galing sa training.
"Sino yun?"
Halos mabuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Haze. Nabilaukan tuloy ako at napaubo. I swear, water came out of my nose dahil sa nangyari.
"Nakakagulat ka naman!" I half-shouted.
He chuckled and walked in front of me. "I've been looking for you," sabi niya.
Tingnan ko siya at inoffer sa kanya ang tubig na hawak ko. "Tapos na klase mo?" tanong ko.
Kinuha niya ang baso at uminom din siya dun. I pressed my lips together when I noticed na sa same spot din siya uminom. Tumango siya at ibinalik sa akin ang baso na wala nang laman.
"So practice tayo mamaya?" tanong ko. Nag-uumpisa na kasi kaming mag practice para sa final night. 9 days na kaming nandito sa camp, kaya todo kayod ang mga campers dito para magpa-impress kami naman ni Haze todo practice at nagbra-brainstorm ng choreography.
"Yes. Do you have suggestions?"
Tumango ako at hinubad ang cropped jacket na suot ko kanina sa waacking class. Kanina pa ako pinapawisan dahil sa klase at dahil nasa labas na ako ngayon, hinubad ko na. Naka tank top nalang ako ngayon at high waist leggings.
YOU ARE READING
Cruel Summer
General FictionDancing became the second life of Jamaica Joe. She will never calm down, not until she dances. It was perfect; she has friends and is a part of a dance team that she leads. It was one summer when she met a guy who dances flawlessly. She couldn't hel...