Simula

18.4K 358 53
                                    

Simula

Keios

Kapag ba nakalimot ang isip, alam pa rin ng puso kung kanino dapat tumibok?

It's always been the hottest debate in my psychology class, but I was too sleepy to pay attention to the topic.

Humikab ako at itinakip na lang ang booklet sa aking mukha. Professor Marquez wouldn't give me a five flat anyway. He finds me charming, kaya kahit pumapasok akong matindi ang hangover ay wala naman siyang pakialam.

Binato ako ni Agrain ng nilukot na papel. Iritado ko siyang binalingan at pinakitaan ng gitna kong daliri, ngunit pasimple niyang itinaas ang cellphone niya na parang sinasabing tignan ko rin ang akin.

I sighed and pulled my phone out to read his chat.

Agrain: Bili tayo ng kare-kare sa tindera sa labas. I like the girl selling it.

I sighed. Mambababae na lang ang putanginang 'to kakaladkarin pa ko?

He must've noticed that I wasn't in the mood so he sent me another message. This time, a slight smirk found its way to my lips.

Agrain: Sagot ko alak mamayang gabi.

I pressed the reply button and sent him a chat.

Me: K.

Agrain smirked. Bumalik naman ako sa pag-idlip hanggang sa natapos ang klase. We let all of the students leave first before Agrain went to me.

"Absent na naman sina Azul at Evan," aniya. Siguro ay tinakbo na naman ni Azul ang kotse niya kaya niya hinahanap.

"Nasa Zambales na naman mga 'yon panigurado. Malakas ang alon ngayon." Isinukbit ko ang isang strap ng bag sa balikat ko saka ko bahagyang binasa ng dulo ng dila ang ibaba kong labi. "Anong kotse natangay?"

"'Yong pula."

Umismid ako. "Well, good luck with that."

Agrain shook his head before we left the classroom. Naabutan namin sa hallway iyong mabait na batang janitor na palagi kaming binabati ng mga kuya ko. Gaya ngayon, malayo pa lang ako ay matamis na ang ngisi sa akin.

Bakla ba 'to?

I have nothing against other genders, but I have no interest in them unless they got a coochie between their legs that they want to offer to me.

"Kumusta 'yong project mo, Keios?" tanong ni kuya Kanor nang hintuan namin ni Agrain.

I jerked my head. "Thank you sa tulong. Lilibre na lang kita mamaya."

Umiling-iling siya. "Hindi na. Masaya na kong makatulong."

A tender smile crossed my lips. Nang magyaya na si Agrain ay tinapik ko na lamang siya sa balikat bago kami naglakad palabas ng university. Agrain even fixed his collar as we got closer to the stall, but when the girl selling food spotted us, I noticed that she only paid attention to me.

Ngumisi si Agrain. "Hi, Lila. Marami na bang bumili?"

I smirked and shook my head. Tanginang diskarte 'yan?

The girl named Lila rolled her eyes at Agrain. "Wala pa masyado. Kita naman, 'di ba?" Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Kuya, bili ka? Bibigyan kita ng libreng kanin. Luto ni Mama 'yan."

Gusto ko sanang tumanggi, kaya lang ay masyadong masarap tignan 'yong kare-kare. Saktong hindi rin ako nag-almusal kanina dahil nag-away kami ni Kreige pagkatapos niyang magasgasan ang kotse ko.

Isa pa, nainis na naman ako kay Daddy dahil hindi na naman daw makakapunta sa laro ko no'ng sinabihan siya ni Klinn. Palagi namang gano'n kaya dapat hindi na ako nagulat, pero minsan nakakasama pa rin ng loob na parang wala siyang suporta sa hilig ko.

Kung sabagay, binasag niya nga 'yong trophy niya noon. Dapat sapat na sa'kin 'yong dahilan para hindi na umasang susuportahan niya ako sa paglalaro ng football.

"Magkano?" I asked.

"Sixty na lang sayo. Dalawang kanin na."

Dumampot din si Agrain. "60 dalawang kanin na?"

Umirap si Lila. "Sa kanya lang. Sayo eighty kung dalawang kanin. Magdagdag ka rin ng dos para sa kutsara."

I scoffed and shook my head. Sinamaan naman ako ni Agrain ng tingin bago siya dumukot ng isang libo para ibayad.

"There. Keep the change," he said, obviously trying to redeem himself.

I pursed my lips and pulled out a thousand. I gave it to Lila and refused to accept my change. Ngumiti naman siya sa akin at sa akin lang din nagpasalamat kaya pikon na pikon si Agrain nang pabalik kami ng university.

"Ikaw yata ang kursunada." He clicked his tongue. "Ilakad mo na lang ako. Bahala na ako sa alak mo at pagpapaalam kay Ninong Khalil."

"She's like what? Sixteen? Seventeen. That's fucking grooming. Aren't you disgusted with yourself?"

"Dude, I'm seventeen, too. Napaaga lang ako ng pag-aaral."

"Yeah. In two months, you'll turn eighteen. Pwede ka nang kasuhan ng tatay no'n—"

Natigil ang sinasabi ko nang matanaw ang naka-nursing uniform na babaeng kasalubong namin. She was hugging her thick medical books while her hair was on a messy bun. Binulungan pa siya ng kasama kaya pareho silang humagikgik. Aksidente pa siyang napatingin sa akin, at nang makita kong pinaglapat niya ang mga labi niya saka siya umiwas ng tingin, hindi ko napigilan ang ngumisi.

I didn't hesitate to smile at her, but the cute girl rolled her eyes at me and murmured to her friend as they passed by me.

"Hindi naman pala gano'n kapogi."

Napawi ang kurba sa mga labi ko at ang mga kilay ko ay nagsalubong. Nang makita ni Agrain na sinusundan ko ng tingin ang babae ay inakbayan niya ako habang malaki ang ngisi.

"Kaklase ko 'yan sa Bio. Ilakad kita, ilakad mo rin ako ro'n kay Lila."

I kept my gaze on the cute nursing student while offering Agrain a fist bump. "Deal. Now tell me who that is."

"That's Denyse. Ang daming nagsasabing tomboy 'yan at girlfriend niya 'yang si Zaskia. Kung totoo man, sayang. Pareho pa namang chics."

Napakunot ako ng noo. "She's a lesbian?"

"Sabi." He smirked. "Mukhang... masusubok ka ngayon."

Ibinalik ko ang tingin ko kay Denyse na ngayon ay nakaupo na sa ilalim ng mangga kasama ng mga kaibigan niya. Tomboy 'yon? Puta, sa ganda niyang 'yon sa babae rin siya bumibigay?

I inhaled a silent breath. "Ilakad mo ko. Akong bahala kay Lila."

"Deal." Agrain smirked. "I'll invite her to Halley's party. Kaibigan ni Hall 'yong dalawang lalakeng kasama nila Denyse. I'm sure she'd come if her friends will."

"What's her social? I'll chat her and try to invite her myself."

"Bro, kapag ikaw mismo ang nag-iimbita sa babae, ibang party ang kinapupuntahan ninyo."

Lumawak ang ngisi ko habang nakatanaw kay Denyse na inilulugay na ngayon ang buhok para ayusin.

I licked my lips and stared at her bum when she stood up. Inakbayan ko si Agrain saka ako makahulugang ngumiti.

"Mismo..."

DUCANI LEGACY SERIES #6: KEIOS (Exclusively Available In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon