Kabanata 9

8.3K 285 15
                                    

Kabanata 9

Keios

"Keios!" tawag ni kuya Kanor nang makita akong lumabas ng classroom.

I walked towards him and gave him a high five. "What's up?"

Nakangiti niyang hinawakan ang mop. "Malapit na laro ninyo, ah? Balita ko ang tataas ng grades mo kaya wala ka nang problema sa kundisyon ng coach ninyo."

I nodded. "Yeah."

"Inspired yata, eh. Sigurado proud si Dad—I mean, ang Daddy mo sayo."

I felt a sting in my chest. Umiwas ako ng tingin at humugot ng hininga. "Hindi rin."

I saw how kuya Kanor's smile faded as his forehead creased. "Bakit naman? Hindi ba siya manonood ng laro mo?"

Umiling ako. "Busy. Alam mo na, maraming hawak na negosyo," sagot ko kahit alam ko namang may ibang dahilan kung bakit hindi nanonood si Daddy ng laro ko.

He doesn't love us as much as he loves kuya Konnar and Mama Khallisa. I love them, too but sometimes, it hurts to know we're only second place in Daddy's heart.

Lumamlam ang mga mata ni kuya Kanor. Mayamaya ay inakbayan ako at piniga ang aking braso. "Hayaan mo na. Sigurado naman proud pa rin 'yon sayo. Hindi bale, manonood kami. Nakaipon na ako ng pambili ng tickets para sa laro."

Nakunsensya ako bigla dahil pakiramdam ko, gagastos siya ng para sa ticket dahil naaawa siya sa akin.

"Ilan ba kayong manonood?"

Kuya Kanor smiled. "Tatlo. Ako, si Mama, tapos si bunso. Supporter mo ang dalawang 'yon magmula high school football games mo."

That feels weird but isn't new to me anymore. Maraming babaeng nagkagusto sa akin magmula noong nakilala ako sa high school football. Universities, even the ones abroad, offered me a sure slot just so I'd play for their team. Tinanggihan ko lamang at gusto kong kasama ang mga kapatid ko sa iisang uni. Kung nasaan si kuya Keeno, roon kaming lahat na magkakapatid.

After all, all we have is each other. Kahit naman nag-move out ako, kasama ko pa rin sila palaging mag-lunch para hindi magtampo.

"Huwag ka nang bumili. Meet me on Friday. I'll give you tickets. May libre naman kaming mga players."

He smiled in a genuine and brotherly way. "Salamat."

"Baltazar, kailangan daw ni Dean Avanzado ng maglilinis sa opisina niya. Ikaw na lang nga!" dinig naming sabi ng isang kasamahan ni kuya Kanor na janitor.

Kuya Kanor nodded before he said goodbye. Napasunod naman ako ng tingin habang nakakunot ang noo.

Baltazar. Saan ko nga ulit narinig ang apelyidong 'yon?

"Keios!" tawag ni Azul.

Bumaling ako sa kanya. "Bakit?"

"May problema yata si Denyse. Nag-chat si Zaskia."

Kumunot ang noo ko. "Magka-chat kayo ni Zaskia?"

Azul smirked. "Tagal na."

"Gago, tapos hindi mo man lang ako nilalakad kay Denyse?"

"Ako nga hirap manligaw?" He ran his fingers onto his mid-length hair. "Uunahin pa ba natin 'to?"

I sighed. "Anong problema ni Denyse?"

Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Puntahan mo na lang. May klase pa ko."

I jerked my head then headed to the nursing building. Nang makita ko si Denyse sa classroom nila na tila problemado ay pumasok ako habang wala pa silang prof.

DUCANI LEGACY SERIES #6: KEIOS (Exclusively Available In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon