Kabanata 4

9K 252 13
                                    

Kabanata 4

Denyse

Inis na inis kong ihinilamos ang mga palad ko sa aking mukha habang naka-loud speaker ang cellphone kong minana ko pa kay ate.

Nagtatatalak na naman si Mama dahil tinawagan sila ng university matapos tatlong araw na hindi pumasok ang kapatid ko. Si ate lang naman ang malapit nang ma-drop, pero pati ako ay pinagagalitan ngayon.

"Hindi nagpapakapagod ang tatay ninyong lumaot para lang magbulakbol kayo r'yan sa Maynila!"

I groaned. "Ma, bakit naman pati ako? Nagtitino naman po ako rito pero bakit pati ako damay?"

"Ay, huwag mo akong sinasagot-sagot, Denyse! Hindi porke't nakakapag-aral kayo sa magandang eskwelahan ay may karapatan ka nang sagutin ako!"

I sighed and scratched my head. Hindi ko naman siya sinasagot, eh. Tinatanong ko lang naman kung bakit pati ako damay sa galit nila kay ate Danny.

Ako na lang ang nag-adjust. Tinanggap ko na lamang ang lahat ng masasakit na salita ni Mama, at nang naputol ang tawag ay pabagsak akong nahiga sa double-deck na kama. Ang hirap mag-emote kapag may roommates kaya isinara ko ang kurtina ng kama ko saka ko hinayaan ang sarili kong lumuha nang tahimik.

Si ate Danny naman kasi, paulit-ulit na ngang bumalik ng first year sa kakapalit mg kurso, hindi pa rin magtitino. Pati ako na nananahimik, napagagalitan kahit halos hindi na nga ako natutulog makatapos lang ng nursing.

"Dennyse, ligo ka na! Bakante na ang banyo!" sigaw ni Shaina.

Suminghot ako at bumangon na. Saka na ako magtotodo ng emote kapag nurse na ako sa ibang bansa. Kapag may pera na akong pwedeng ipunas sa luha ko.

I grabbed my toiletries and went to the bathroom. Nang makaligo ay isinuot ko ang uniform ko saka kami sabay ni Shaina na lumabas ng unit namin, pero bago pa kami nakaalis ay naharang na kami ng landlady.

"Oh, anong petsa na. Baka gusto na ninyong magbayad, hmm? Mapuputulan na tayo ng kuryente," ani Tita Rogelia.

Hinawakan ako ni Shaina sa braso saka siya bahagyang lumapit para pabulong na magtanong, "may pambayad ka na?"

I bit my lower lip. Dapat ay mayroon na kaso binili ko ng mga librong requirements sa isang major subject namin. Kung hindi ko sana pinahiram si ate Danny noong nakaraan, hindi ako na-short.

"Wala pa. Hinihintay ko pa sahod ko."

Shaina sighed. "Ako rin."

Tumikhim ako at bumaling kay Tita Rogelia. "Pwede po bang next week na lang? Wala pa po kasi kaming allowance. Wala pa rin kaming sahod."

"Hay, naku! Pati ang deposit ninyo na-consume na! Kung hindi pa kayo makakabayad sa Friday, ibibigay ko na ro'n sa dalawang estudyanteng nag-inquire ang kama ninyo. Puro kayo rason. Ayaw ko nang sumakit ang ulo ko sa tuwing maniningil na lang!"

Inirapan niya kami bago siya padabog na pumasok sa kanilang bahay. Nang sumara ang pinto ay nagkatinginan kami ni Shaina bago halos sabay na napabuntonghininga.

Nagtungo kami ng university na bagsak ang mga balikat. Nang sumapit ang vacant namin ay tumambay na lang kami sa lounge kasama si Zaskia. Keios spotted me five minutes later. Lumapit kaagad at inokupa ang bakanteng silya sa aking tabi.

Sa ilang buwan na ganito si Keios ay medyo nananawa na rin akong magpalayas tutal hindi rin ako sinusunod. Buti na lang at hindi na ako ninanakawan ng halik ngayon magmula nang tuhuran ko sa pagitan ng mga hita.

Uupo na lamang siya sa aking tabi at hindi manggugulo o kaya ay manonood ng practice namin ng cheerdance. Kapag nasa coffee shop naman ako ay tatambay lamang din siya roon kasama ang mga kaibigan niya.

DUCANI LEGACY SERIES #6: KEIOS (Exclusively Available In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon