Kabanata 2

10.2K 289 11
                                    

Kabanata 2

Denyse

"Here's your coffee, Sir. Have a nice day," I said with a fake smile. 

Nagpasalamat ang propesor na bumili ng kape sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. I kept my smile until he left the counter, and when I saw Keios entered the coffee shop with his friends, my eyes automatically rolled in annoyance. 

Nandito na naman ang bagyo.

"Hey, baby." Keios flashed his infamous smirk. "Bati na tayo."

Muling umikot ang mga mata ko. Nagkatinginan naman kami ni Shaina habang pigil niya ang kanyang ngisi. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata para tumigil nang itaas-baba niya ang mga kilay niya. 

Shaina moved a little closer towards me then whispered. "Consistent naman pala si self-appointed boylet."

My eyes narrowed at my friend. Tingnan mo ang isang ito? Alam naman niya kung gaano ako kagalit sa mga pulang bandila na gaya ni Keios, pero sa tuwing nagpapalipad sa akin si Keios ay parang kilig na kilig pa siya?

Bumuntonghininga ako't masamang tinitigan si Keios. "Kung manggugulo ka rito at magdadala na naman ng problema sa buhay ko, lumayas ka. Nabawasan ang allowance ko at muntik na akong mapauwi ng probinsya dahil sa katarantaduhan mo."

His friend, Evander, whistled. "Tarantado ka kasi, Keios, eh." Bumuhanglit ito ng tawa. 

I shook my head while staring coldly at Evander. Magkakaibigan nga ang mga ito. Pare-parehong maluwag ang mga turnilyo sa ulo. 

Evan and Arkin walked towards their usual spot. Naiwan si Keios sa harap ng counter kaya tumaas muli ang kilay ko. "Huwag kang manggulo rito. Ayaw kong masisante kapag minura kita."

Keios scratched his temple before he licked his lips sexily. His dark orbs became effortlessly seductive as he rested his palms on the counter, his body leaned forward so I felt his minty breath against my face.

"The usual," he said while staring at my lips. Mayamaya ay inilagay niya sa aking palad ang isang libo saka niya tinitigan ang mga mata ko. "Keep the change."

I heard Evan whistle. Ngumisi naman si Keios bago tuluyang lumapit sa mga kaibigan niya.

Bumuntonghininga ako't nag-punch na lamang ng order bago pa niya mahalata ang naging pamumula ng aking magkabilang pisngi. Shaina attempted to tease me but I immediately narrowed my eyes on her. Sumenyas naman siyang tila nag-zipper ng bibig bago nakangising inasikaso ang ibang order.

I prepared the orders and brought it to their table. Habang nilalapag ko ang mga kape sa mesa ay nakipag-usap na naman si Keios.

"May practice kayo mamaya?" he asked, referring to our cheer dance practice.

"Ano ngayon kung meron?" mataray ngunit mahina ang boses kong tanong.

Keios smiled. "I'll go and watch."

"No, thanks."

He smirked. "Why? Will I distract you, hmm?"

Kapal talaga ng mukha.

"No. You'll just ruin my mood."

Umalingawngaw na naman ang kantyawan ng mga kaibigan niya dahil sa aking sinabi ngunit parang wala lang kay Keios. Nang bumalik ako sa counter, napansin ko pang nananatili pa rin sa akin ang kanyang atensyon kahit noong mayroon nang mga taga-HRM department na lumapit sa kanilang grupo.

I can see him answering the girls every time they'll ask him something, but his attention remained glued on my direction as if he's guarding me. Tumutuwid din siya ng upo kapag lalake ang nagiging customer at panay ang ngiti sa akin. His bushy brows would often furrow, and his defined jaw would clench as if he's not afraid to show that he's jealous.

Their group left after an hour. Nagpaalam pa siya sa akin pero hindi ko pinansin. I spent a couple more hours in my shift before I went back to the university to take my final class for today.

Nang matapos ang klase ay didiretso na sana ako sa open hall kung saan kami may practice ng cheer dance, pero bago pa ako nakaalis ng nursing building ay naharang na ako ni ate Dannylyn, ang nakatatanda kong kapatid na na-stuck na sa first year sa kaka-shift ng kurso.

"Wala na akong allowance. Pautang muna," aniya na akala mo ay mayroong ipinatago.

"Bibili pa ako ng para sa projects ko. Kakabigay lang ng allowance, 'di ba? Kakapadala lang ni Papa, ate."

Her eyes narrowed at me. "Eh sa magastos ang course ko, eh? Bakit nangingialam ka?"

I sighed. "Hindi sa gano'n. Ang sa'kin lang, baka gusto mo naman mag-part time para hindi mo palaging hinihiram ang allowance ko. Parehas lang naman tayo ng allowance, ate. Alam mo namang magastos din ang nursing."

"Ang damot mo naman, Denyse! Kung hindi ka kasi sana nagpumilit na mag-aral na imbes na hayaan mo na muna ako para isa lang sana muna ang pinapaaral nina Papa, hindi naman kukulangin ang allowance ko!" Her eyes went sharper. "Next sem, mag-stop ka na. Punyeta ka pabigat ka sa buhay ko. Letse!"

I held my bag tighter while I purse my lips. Gusto ko siyang sagutin, pero kapag ginawa ko iyon, ako na naman ang masama dahil mas matanda siya sa akin. Hindi rin ako pwedeng magsumbong kina Papa kasi kung gagawin ko 'yon, sasabihin na naman ang sensitive ko.

It's like every damn time I want to open up about my problems to those I wish I can count on, they'll end up making me feel that the real problem is me.

Tumingala ako at pinigil ang paghapdi ng aking mga mata, pero dahil ilang araw na akong walang tulog tapos stressed pa at pressured, nahirapan akong kontrolin ang emosyon ko.

I ended up sobbing. Sa tindi ng sama ng loob ko ay hindi ko na napansin ang paglapit ng pamilyar na bulto. Naramdaman ko na lamang na mayroong humawak sa aking batok saka ako marahang kinabig, at nang makasandal ang aking noo sa kanyang hulmadong dibdib, humalimuyak sa aking ilong ang pamilyar na pabango.

I sniffed and was about to pull away when Keios locked me in his arms in a controlled way as if he wanted to shield me from people's judging eyes. Hindi na rin ako nanlaban noong dumaan sa aming gilid ang ilang mga estudyanteng malakas ang tawanan.

Dahil medyo marami-rami iyon ay nagkaroon ako ng pagkakataong tahimik na umiyak habang nakakulong sa mga braso ni Keios. Hindi rin niya hinigpitan ang yakap at ang mga kamay niya ay alalay lamang ang pagkakalapat sa aking katawan na tila ayaw niyang madama kong sinasamantala niya ang pagkakataon.

"Sige lang. Iyak lang. Akong bahala sayo," he said in a low voice when more students passed by us.

I sniffed and let my forehead rest on his chest while I cry, but when I felt how fast his heart is beating right now, I found myself chewing my lower lip as realization hit me.

The high and mighty campus heartthrob Keios Ducani is nervous right now because I am next to him. . .

DUCANI LEGACY SERIES #6: KEIOS (Exclusively Available In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon