Kabanata 10

11.8K 296 29
                                    

Kabanata 10

Denyse

Paulit-ulit kong ni-recite ang bawat medical terms na kailangan kong i-memorize para sa exam habang naglalakad kami ni Keios patungo sa classroom ko ng first subject. Hindi niya ako inabala, ngunit nang makarating sa classroom ay hinawakan niya ang aking batok at pinatakan ako ng halik sa tuktok ng aking sintido.

"Good luck sa exam. I'll see you later," aniya bago naglakad pabalik sa parking lot.

Natulala ako at bigla yatang nakalimutan ang mini-memorize ko. Nang lumiko si Keios sa sumunod na pasilyo ay napabuga ako ng hangin.

"Ano ba 'yan!" I scratched my temple. "Ngayon pa kasi magnanakaw ng kiss, eh."

I sighed before I finally went inside. Naroroon na sina Zaskia at Shaina, pareho ring mukhang zombie dahil naglamay sa pagre-review kagabi.

Sumenyas kami sa isa't isa na wala na munang magdadaldalan. Nag-earphones na lamang din ako at nakinig ng subliminals na makakatulong para makapag-memorize ako nang maayos. Turo iyon ni Keios sa akin, at kung tatalab, ipagluluto ko talaga iyon ng masarap!

We spent the next fifteen minutes reviewing our notes, and when the examination started, I realized that the subliminal was effective.

"Ang hirap ng last five items," ani Zaskia nang natapos namin ang pinakahuling test. Naglalakad kami patungo sa lounge na pagod na ang mga utak.

Shaina sighed. "Feeling ko napiga masyado ang braincells ko."

"Ako rin." I yawned. "Sana naman mataas ang grades na makuha ko this time."

We all went inside the lounge and saw Keios, Sario, and Azul waiting at our usual table. Nang nagsipag-ayos ng upo ang tatlo ay napakunot ako ng noo saka ko binalingan ang mga kaibigan ko.

Why do I feel like these two are not telling me something I should know about?

"Kumusta exams mo?" may lambing na tanong ni Keios nang maipaghila ako ng upuan.

He even dragged my chair closer to his so he could rest his arm on the backrest of my chair. Hindi naman ako umangal nang masahehin niya ang likod ng aking ulo na tila alam niyang sumakit ang utak ko sa exam.

"Nakakapagod," sagot ko bago hinubad ang bag ko. "Ikaw? Marami kang nasagutan?"

Keios smiled with lips pursed before he nodded. "Ganito yata kapag inspired."

Umirap ako nang mangantyaw ang mga kaibigan namin. Ngumisi naman siya at kinuha ang kamay ko para hilutin.

"Sama kayo, ah? Baka magtampo si Evan," ani Azul.

"Anong meron?" I asked while unconsciously leaning towards Keios. Somehow, his friends became my friends, too, kaya kapag magkakasama kami ay hindi na ako gaanong naiilang makipag-usap.

"Birthday niya sa Sunday kaso may plans family niya kaya ngayon na lang tayo magsi-celebrate. Pampa-relax na rin tutal katatapos ng midterms. Chill na inuman lang naman sa kanila," sagot ni Azul.

Bumaling ako kay Keios. "Hindi ako umiinom, eh."

"It's okay." He pushed a few strands of my hair towards the back of my ear. "Sama ka na lang para hindi ako lapitan ng ibang chikababes."

Umirap ako. "Kahit wala ako ro'n, Keios kung ayaw mong mag-cheat, hindi ka magchi-cheat."

"Cheat?" Makahulugang ngumisi si Azul. "Kayo na pala?"

Natauhan ako bigla. "No—"

"Kami na yata." Ngumisi si Keios saka tumingin sa akin. "Tayo na kasi."

I narrowed my gaze on him. "Nagsasawa ka na yatang manligaw, eh."

DUCANI LEGACY SERIES #6: KEIOS (Exclusively Available In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon