Kabanata 6

8.3K 270 24
                                    

Kabanata 6

Denyse

Napahilamos na lamang ako ng palad nang hindi na naman mapindot nang maayos ang ilang key sa laptop na gamit ko. Nabili lang namin 'to sa kumare ni Mama bago ako nag-college, at kahit na ilang beses ko nang naipaayos, buwan-buwan na lang yata may bago na namang problema.

I sighed. Nang hindi ako nakatiis ay pinanggigilan ko na ang letter K sa keyboard ngunit wala ring nangyari.

Sa inis ko ay nagulo ko ang naka-messy bun kong buhok, ngunit nang mahagip ng paningin ko si Keios na kalalabas lamang ng kanyang kwarto ay umayos ako ng upo sa sofa. He's wearing his plain white shirt and a gray sweat pants. Ang tuktok na buhok ay magulo na rin.

"Why are you still up?" he asked. Inaantok pa ang mga mata at ang boses ay bahagyang namamaos.

Sumandal ako sa back rest ng couch at muling bumuntonghininga. "Tinatapos ko 'yong research paper ko kaso ayaw mapindot ng isang key." I tried it again. "Bwisit."

Keios walked the length towards me, his manly aftershave smell caressed my nostrils as soon as he got next to me.

"Let me see," aniya.

I gave him my cheap laptop. Nang mapansin niyang may itim na linya sa bandang gilid ng screen ay nagsalubong ang kanyang mga kilay. Pati ang scotch tape sa edges ay hindi nakatakas sa kanyang paningin.

"How is this still working?" he asked. "It looks like a phaseout unit."

Sumimangot ako. "Mang-aasar ka pa, eh."

Tumingin siya sa akin. "I'm not. Just stating a fact. Anong key ang hindi gumagana?"

"K."

He clicked his tongue and pressed the key. Nang hindi gumana ay bumuntonghininga siya. "You can use my macbook instead if you really wanna finish your paper tonight."

Humikab ako sandali, ang mga mata ay nagluha pa dala ng antok. "Hindi ako marunong gumamit ng macbook."

Sandali niya akong pinasadahan ng tingin. "You look really exhausted and sleepy. What's the topic you have to write about?"

Ipinaliwanag ko ang topic ng research paper ko. Mayamaya ay pumasok siya sandali sa kanyang kwarto para kunin ang macbook niya't isang unan. I thought he'd use the pillow, ngunit mayamaya ay pumwesto siya sa dulong bahagi ng couch saka inilagay ang unan sa kanyang tabi.

"You can lie down while I write your paper. Kung may tanong ako, gigisingin na lang kita."

Napakurap ako sa kanyang sinabi. "Ikaw ang gagawa?"

He nodded before he patted the pillow. "This is clean. Niyayakap ko lang naman 'to."

My heart pounced against my will when I realized that he was serious. Nang siguro ay nadama niya ang kagustuhan kong tumanggi ay muling bumaling sa akin.

"I'm not that dumb, babe. I get high scores in my write-ups. Sleep."

I sighed. "I didn't say you're dumb. Nakakahiya lang na matutulog ako tapos ikaw ang gagawa ng paper ko."

He smirked. "Eleven pa klase ko. Ikaw seven thirty."

"Bakit alam na alam mo schedule ko, ha?"

"Nanliligaw nga, 'di ba? Syempre dapat alam ang schedule para makabakod nang maayos," katwiran niyang nagpakabog na naman sa aking dibdib.

"Ang binabakuran, 'yong girlfriend na."

"Who said you won't be?" Hinawakan na niya ako sa batok at maingat na hinatak para mahiga sa unan. "Just rest. Hindi ako maingay mag-type, don't worry."

I sighed. Tumagilid na lamang ako't pasimpleng sininghot ang mabangong punda ng gray niyang unan. Nahiya pa akong matulog kaagad kaya sinilip ko pa ang screen ng macbook. His wallpaper is a photo of the recent Spiderman movie where the three actors who played the role were put in a single film.

"Andrew is the best Spiderman. You can't change my mind," I said.

Keios smirked. "Guess we're on the same team."

I smirked. Hinaplos naman niya ang aking buhok bago siya nagbukas ng browser para i-research ang topic ko. He even created a separate Word file for all the resources he found, and when he started writing my paper, I suddenly felt dumb for not being able to write such an appealing opening paragraph.

Keios used one hand to type while his other hand caressed my hair. Dahil sa paghaplos niya sa aking buhok ay unti-unti akong nakaramdam ng antok. Ni hindi ko na namalayang nakatulog na ako habang ginagawa niya ang research paper ko, at nang nagising ako ay sumisilip na ang araw.

I blinked my sleepy eyes, only to see Keios sleeping on a sitting position. Nakapatong pa rin ang macbook sa kandungan niya habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa aking braso.

I carefully checked his macbook and realized that it's almost similar to my laptop. Mukha lang intimidating dahil may ibang features na wala sa laptop ko.

Gumalaw ako nang bahagya para tingnan ang ginawa niya, ngunit nang nakita ko ang file name ng paper ko sa kanyang macbook, pakiramdam ko ay nag-party bigla ang mga bubuyog sa aking tiyan.

File name: Baby

I chewed my bottom lip. Para namang tanga 'tong si Keios, imbes na hindi ako kikiligin!

I sighed, ngunit dahil napalakas ang pagbuntonghininga ko ay naalimpungatan siya.

"What time is it?" he asked in his bedroom voice.

Bumangon ako at tiningnan ang oras sa aking phone. "Six."

Keios yawned for a moment. "Ligo ka na. Iiinit ko ang pizza. Ihahatid kita bago ako babalik at iidlip."

Umiling ako. "Malapit lang. Kaya ko nang lakarin."

"It's your uniform day. Naka-skirt ka."

My forehead wrinkled. "Keios, lagpas tuhod ang skirt ng nursing uniform ko at maliwanag na sa labas mamaya."

He sighed as he stared at me. "I am literally making up excuses to take you to school, Denyse. Please just let me drive you to uni."

My heart pounced. "H—Hindi mo kailangang gawin."

"Hindi nga, pero gusto ko. Nanliligaw nga, 'di ba?"

Ngumuso ako nang bahagya. "Hindi naman ganyan 'yong ibang kilala kong nanliligaw."

Keios smirked. "Then maybe they're not doing it right, or they're just not ready to go all-in."

I sighed. "What do you even know about courting someone? You're a playboy."

He clicked his tongue before he accessed his YouTube account, and when I saw the only playlist on his account, my heart nearly broke my ribs.

Keios made a playlist about how to make a girl say yes. . .

Napalunok na lamang ako habang nagwawala ang dibdib.

Mukhang seryoso nga talaga ang loko.

DUCANI LEGACY SERIES #6: KEIOS (Exclusively Available In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon