Kabanata 8

8.1K 308 34
                                    

Kabanata 8

Denyse

Keios had fever because of what happened. Hindi siya nakapasok at dahil kasalanan ko iyon ay pinuntahan ko ang mga kaibigan niya para hiramin ang kanilang notes.

"Ang panget ng sulat mo, Agrain. Itong sa akin na lang ang pakuhanan mo ng picture kay Denyse," ani Evan bago ibinigay ang kanyang notes.

I opened it to compare which one is better, but the moment I saw Evan's notes, I swear my brows nearly met. Literally.

"Bakit may stick figure sa gitna?" I asked. Sinilip nama  iyon ng mga kaibigan niya't sabay-sabay na natawa.

Evan smirked. "Nakatayo si Prof habang kinukopya ko 'yong nakasulat sa board so I drew a stick figure for accuracy."

I groaned. Namura naman ng mga kaibigan niya si Evan. Nang siguro ay hindi nakatiis si Sario Anadalio na isa rin nilang tropa, inilabas na niya ang kanyang notes para ibigay sa akin.

"Thank you," I said before I opened his notes. Nahiya bigla ang sulat ko sa mala-engineer sa ayos niyang sulat. Maganda rin ang sulat ni Keios pero minsan ay tamad mag-jot down. He'd rather type everything anyway.

"Bro, nag-chat si Mariane. Nagtatanong kung anong unit ni Keios—"

Natigil ang sinasabi ni Evan nang sikuhin ni Azul. Napakunot naman ako ng noo nang naging makahulugan ang tinginan nilang magtropa na tila ayaw ipaalam sa akin ni Azul kung tungkol saan ang sinasabi ni Evan.

"You can take it home. Kukunin ko na lang bukas," ani Sario bago nagpaalam nang pupunta sa office ng student council kaya naagaw ang atensyon ko.

Instead of asking why they suddenly became awkward, I thanked all of Keios' friends before I went to the café to ask for an emergency leave. Dahil hindi ko naman nagagamit ang day-off ko at nasa mood si Sir ay pinayagan akong huwag munang pumasok.

"Bye, Sha!" I waved at Shaina then pushed the glass door. Ngunit nang palabas na ako ay nagkasalubong kami ni ate Danny.

"Denyse, totoo bang wala ka na sa dati mong inuupahan?" she asked with no hint of worry.

Himala? Nalaman pa niya? Akala ko ay wala na talagang pakialam sa akin ang ate ko.

"Oo, nakikitira muna ako sa kaibigan ko ngayon."

"Is it for free?" she asked.

I swallowed and shook my head. "Hindi," pagsisinungaling ko. "Sige, ate nagmamadali ako."

Halatang may sasabihin pa siya ngunit mabilis na akong naglakad paalis. I don't want her to find out that I'm living with Keios right now. Baka isumbong ako kina Mama at sabihing nag-asawa na ako. Isa pa, kilala ko ang ate ko. Baka mamaya ay pilitin no'n makitira rin kay Keios.

Binilisan ko ang lakad. I stopped at a grocery store to buy something to cook for dinner. Nang matapos ay dumiretso na ako ng uwi sa condo ni Keios para tingnan ang lagay niya, ngunit nang maabutan ko siya sa laundry room at inilalagay sa hanger ang nursing uniform ko, dali-dali kong ibinaba ang mga dala ko.

"Ano bang ginagawa mo? May sakit ka pa!"

Inagaw ko ang hanger na balak niyang isabit sa rack ng damit na inilagay namin sa terrace para matuyong mabuti ang mga bagong laba.

"You only have two of these. Hindi ka nakalaba kagabi dahil binantayan mo ko," aniya.

"Madali namang maglaba. Kaya ko naman ngayon."

He grabbed my hand and made me feel his neck and forehead. "I'm feeling better now so it's not really a big deal."

I sighed. "May sinat ka pa. Maupo ka lang nga ro'n. Mamaya tumaas na naman ang lagnat mo." Itinuro ko ang couch at hindi na siya hinayaan pang makapagprotesta nang dalhin ko ang damit sa terrace. Nang maisampay ay saka ako nagbihis ng pambahay.

"Bakit ang aga mong umuwi?" he asked while I'm getting him a glass of water for his meds.

"Nagpaalam ako sa café," sagot ko bago nagtungo sa kanya para mapainom siya ng gamot. "Nasaan ang binder mo?"

"Sa kwarto."

"Kukunin ko, ha?" paalam ko.

Tumango siya at ininom na ang paracetamol. Nagpunta naman ako sa kanyang kwarto, at nang makitang maayos na ulit ang kama niya ay hindi ko napigilang mapailing. Ang lalakeng iyon talaga, kahit may sakit na ay gusto pa ring lahat ng gamit niya maayos.

Dumiretso ako sa study table niya para kunin ang binder. Nang buklatin ko iyon ay napansin kong may nakaipit na 2x2 picture ko roon, habang ang ilang pahina ay may doodle ng aking pangalan.

Denyse Maravilla-Ducani

Denyse 'Misis Ko' Maravilla

Nurse Denyse 'Baby Ni Keios' Maravilla-Ducani

I shook my head. Parang tanga talaga, nakakainis! Akala mo high school kung magkagusto!

I swallowed. Kinilig ako, bwisit!

Lumabas ako ng kwarto niya't nag-indian sit sa carpet. I opened his notes and brought out Sario's binder. Sumilip naman ang loko at tiningnan ang gagawin ko.

"What are you doing, Denyse?" he asked.

"Kinukopya notes ni Sario para hindi mo ma-miss ang lessons ngayong araw. Baka usigin ako ng kunsensya ko kung babagsak ka dahil sa nangyari." Nilingon ko siya. "Pagtyagaan mo ang sulat ko."

Keios smirked. "Ba't pagtyatyagaan, maganda naman?"

I rolled my eyes. "Wala ka sa ayos mambola. Matulog ka na lang nga ro'n—"

Natigil ang sinasabi ko nang may nag-doorbell. Tumingin ako sa kanya at nagtanong. "May ine-expect kang bisita?"

He shook his head. "Wala. Hindi rin ako nagpa-deliver."

I jerked my head and stood up. "Titignan ko kung sino."

Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok saka ako naglakad palapit sa pinto, ngunit nang makita ko ang magandang babae sa labas na halatang nagulat nang makita ako ay hindi ko napigilang mapakunot ng noo.

The girl scanned me from head to toe. Nakasuot pa siya ng HRM uniform ng kabilang university, habang ang mukha ay may kolorete.

"Uh, nandiyan ba ang amo mo?" tanong niyang nakapagpataas sa aking kilay.

"Amo?"

"Yeah. Is Keios in there? I heard he's sick so I brought him meds and some fruits. Can you tell him Mariane is here looking for him?"

I scoffed, ngunit imbes na patulan siya ay ibinukas ko nang malaki ang pinto ng condo saka ako bumaling kay Keios nang may pekeng ngiti sa mga labi.

"Senyorito Keios, may naghahanap ho sa inyo." I pursed my lips while still keeping my fake smile. "Mariane daw ho ang pangalan. . . girlfriend mo, Sir?"

Keios sighed, his face turned serious as if he didn't like my humor. Bigla tuloy akong nagsisi, ngunit nang marinig ko ang naging sagot niya, muntik na yatang mabasag ang ribcage ko sa sobrang kilig.

"Pakisabi hindi ako tatanggap ng bisita." He slouched on the couch and opened the TV. "Ayokong nagseselos magiging girlfriend ko. . . "

DUCANI LEGACY SERIES #6: KEIOS (Exclusively Available In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon