Kabanata 7
Denyse
I got a high score in my paper because of Keios. Nang ibinalita ko iyon sa kanya ay sinabi niyang dapat sabay kaming gumagawa ng requirements at assignments namin. Dahil gusto ko ring makabawi sa kanya ay pumayag ako kaya tuwing nakakauwi kami ay inilalatag namin ang homeworks at projects sa sala para roon gumawa.
"Why is Science even one of my subjects? I hate Science," reklamo ni Keios matapos ihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha.
I leaned a little to check what's making him frustrated. "Bio? I'll do your homework since you did my English."
Tumango siya at hinayaan akong iharap sa akin ang kanyang macbook. Dahil naka-indian sit kami sa carpet, bahagyang umangat ang laylayan ng pantaas ko. Keios gently pulled it down before he sniffed my hair.
"What's your shampoo?" he asked.
"Dove. Why?" I responded while my gaze was glued on the screen of his macbook.
"Ang bango," aniya bago inalis ang ponytail ko.
"What are you doing with my hair?" I asked.
Hindi naman naiirita. Siguro ay dahil sa ilang linggo na magkasama kami ay nasanay na rin ako sa kanyang presensya. Hindi ko na rin gaanong natatarayan ngayong unti-unti ko nang nakikilala.
Keios promised to behave all the time, basta hindi lang ako mag-move out. Inaadya rin ng tadhanang hindi ako makaalis dahil kung hindi iipitin ang allowance ko, may malaki namang babayaran o bibilihin sa uni.
"I watched a tutorial about how to do a nurse's bun. I always see you struggling to fix your hair so I learned it," sagot niya habang seryoso sa ginagawa.
I scoffed. "Buti hindi ka sinasabihan nina Agrain na bakla?"
Keios smirked. "Paano ako magiging bakla kung patay na patay ako sayo?"
Umirap ako kahit na nagwala na naman ang aking dibdib dahil sa kanyang sinabi.
Hindi ko na lamang kinibo. I did his homework while he tried his best to tie my hair. Mayamaya ay umalingawngaw ang aking phone. Nang makitang ang partner ko sa isang major subject namin iyon ay kaagad kong sinagot.
"Clyde?"
Napaayos ng upo ang magaling na si Keios, kaya bago pa sumumpong ang pagiging seloso ay binalingan ko na.
"He's gay."
He jerked his head and continued doing my hair. Pinakinggan ko naman ang sinasabi ni Clyde sa akin.
"Girl, ang taas ng lagnat ko. Hindi ako makakapasok bukas."
"Ha? Eh, paano 'yan wala akong partner bukas? Naku, baka ibagsak ako ni Josafat!"
"Sabi naman ni Sir Josafat, pwede kang kumuha na lang ng magiging partner mo kahit hindi na galing sa block natin."
Nahilot ko ang aking sintido. "Wala namang papayag kung hindi din sila magbe-benefit. Kaya nga tayo ang pinag-partner-partner at grades natin ang nakasangkalan."
"Sorry talaga, Denyse. Hanap ka na lang muna ng partner, ha?"
Napabuntonghininga ako. "Sige. Magpagaling ka na lang pala."
Problemado kong hinilamos ang aking mga palad sa aking mukha. Nang madama ni Keios ang frustration ko ay tinigilan niya sandali ang aking buhok.
"Why? What's wrong?" he asked while grabbing his cup of coffee.
I sighed. "'Yong partner ko bukas sa isang subject namin, hindi makakapasok. Ang laki pa naman ng percentage ng task na 'yon sa performance bracket tapos first subject pa 'yon. Hahanap pa ako ng magiging partner."
"Ako na lang," dali-dali niyang prisenta.
"Keios, eleven pa pasok mo bukas."
"I don't mind. Pwede namang pumasok nang maaga. Gano'n din naman. Ihahatid din kita. Ano bang gagawin?" tanong niya bago sumimsim sa kanyang kape.
"Kukuhanan ng dugo."
Napansin kong napatigil siya bigla sa pag-inom ng kape. Bahagya ring namutla at parang nagdalawang-isip.
"K—Kukuhanan ng dugo? You mean. . . you will insert a needle in me?"
I nodded. "Why?"
Tumikhim siya't umiling-iling. "W—Wala." He cleared his throat. "You. . . need it for your grades, you said?"
Muli akong tumango. "Oo. Mataas ang percent kaya kapag hindi namin nagawa, automatic kwatro o singko ang grado panigurado."
He drew in a sharp breath while looking so pale. "Okay." He pecked a kiss on my shoulder. "Anything for you."
Kumunot ang aking noo. "Okay ka lang ba?"
Tumango-tango siya. "Yeah." Tumikhim siya. "Let's. . . let's get some rest."
"Tapusin ko muna 'tong homework mo," sagot ko.
Keios just nodded and waited for me to finish his homework. Nang natapos ay niligpit namin ang mga gamit bago pumasok sa kanya-kanya naming kwarto.
Kinabukasan ay sabay kaming nagtungo sa uni, pero nag-aalmusal pa lamang ay pansin ko nang hindi siya napapakali. Ilang beses ko ring tinanong kung ayos lang ba siya pero puro oo lamang ang sagot.
We walked straight to my room. Ilang kaklase ko ang kaagad na nagpa-cute sa kanya ngunit nanatiling nasa akin ang tutok ng kanyang atensyon.
That's one thing I am unconsciously falling for. Tila kahit maraming nagpapapansin sa kanya ay ako lamang ang kanyang nakikita.
Keios sat on the chair, waiting for us to be called. Pansin kong nakayuko siya't magkasalikop ang mga palad na parang nagdarasal.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko nang mapansing pinagpapawisan na rin siya.
Keios lifted his head then rubbed his sweaty palms on his thighs. "Yeah. Mainit lang," dahilan niya.
I jerked my head. Nang may kaklase akong umaray ay napansin kong namutla siya lalo kaya sasabihin ko sanang pwede pa siyang mag-back out kung kinakabahan siya. Normal naman iyon dahil student nurse pa lamang ako kaya hindi na bago sa aking makakita ng kabadong magpakuha ng dugo sa mga tulad ko, ngunit nanindigan siya sa kabila ng matinding takot na nakapinta sa kanyang mukha.
Nang mabunot ang index card ko ay tinawag ko na siya. He sat on the armchair placed in front. Nang pinatong ko ang braso niya sa armrest ay napansin kong lalong tumindi ang pagpapawis ng kanyang noo. Hindi na rin maipinta ang mukha na tila ano mang oras ay biglang hihimatayin lalo na nang makita niya ang syringe.
Keios looked away and clenched his jaw. "D—Do it quickly, baby," bulong niya.
I nodded. Pumikit siya nang husto nang iturok ko na ang karayom. His dark red blood filled the syringe, and when I was done taking enough blood, Keios immediately stood up. Namumula ang mga mata at putlang-putla ang mukha.
"It's done? No more needles?" he asked. Nanginginig pa nang bahagya ang boses.
I nodded. "Oo, okay na."
"Good." Hinagod niya ang kanyang dibdib. "Alright, baby. . . Al—"
Ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla siyang natumba dahil nawalan ng malay. Nang isugod namin ng mga kaklase ko sa clinic ay kaagad na pinuntahan ng kapatid niyang si Klinn.
"What happened?" Klinn Ducani asked worriedly.
"Nawalan bigla ng malay kanina pagkatapos kong kuhanan ng dugo," nag-aalala kong sagot.
Klinn furrowed his brows. "He let you take some blood? He let you use a syringe on him?"
Nagtataka akong tumango. "Uhm, oo nag-volunteer siyang maging partner ko kasi absent ang kapareha ko. Bakit?"
Klinn scoffed and shook his head. Mayamaya ay tumingin sa aking muli saka bumuntonghininga.
"Well, Miss, if you still doubt my brother's feelings for you, I hope you know that he willingly volunteered to do that despite his extreme fear with needles. . . " He grinned then patted his brother's chest. "The things a Ducani can do when love hits. . . "
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES #6: KEIOS (Exclusively Available In The VIP Group)
RomanceDue to their own conflicts when it comes to their chosen careers, Keios and Denyse separated. One felt empty despite proving himself to his father, the other ended up in a toxic marriage with a mentally unstable husband. When a lethal accident bring...