Kabanata 3
Keios
"I already transferred your allowance for this week. Dinagdagan ko na ng one hundred twenty thousand just in case you need something for your training attires," Daddy said when he saw me leaving to go to school.
I jerked my head before I gripped the strap of my duffle bag. "I'm planning to move out next week. I already saved up enough so I can get a decent unit near the university."
Daddy looked at me with his sad eyes. Kung sabagay, ano ba ang bago roon? Lumaki akong iyon lang din ang emosyong nakikita ko sa mga mata niya. It was as if our Dad has been dead for a long time and he just continues his life because he still needs to take care of us.
"Hindi kita pinaaalis dito, Keios. This is your home."
"Home?" I scoffed. Mayamaya ay naiinis akong ngumisi. "Knock it off, Dad. We both know this is barely a home."
Lumamlam lalo ang mga mata ni Daddy. I immediately looked away when guilt started to claw my heart. Galit ako sa kanya at malaki ang tampo, pero kapag hindi niya ako pinagagalitan tuwing pabalang akong sumagot, nasasaktan ako.
Why can't he be like other Dads? Kung hindi niya kayang maging emotionally present sa buhay namin, bakit hindi niya ako patulan? He should punch me or shout at me, call me ungrateful or tell me he regrets having me as a son. Siguro kung gano'n, mas madaling panindigan ang galit ko para sa kanya.
I heard him sigh. "Do you. . . really wanna stay near the university?" halatang nasasaktan niyang tanong.
I swallowed the lump forming in my throat. Imbes na magsabi ng masasakit na salita, umisip na lang ako ng ibang dahilan dahil alam kong pagsisisihan ko rin kung magsasalita ako ng ikasasama ng loob niya.
"Yeah. Minsan ginagabi na kami sa training at pagod na ko masyado para mag-drive pa. Ayaw ko nang bumyahe masyado at gusto na lang magpahinga kaagad."
I saw how Daddy slightly nodded. "If. . . that's what you want then, I'll give you the money you need to get a comfortable flat."
"Hindi na kailangan. May ipon naman ako—"
"Responsibilidad ko kayo kaya ako ang magbibigay ng para sa condo."
I pursed my lips and just walked away. Nang makasakay ako ng kotse ay saka ko lang pinakawalan ang hangin sa dibdib ko.
That's the problem. He does things for us because we're his responsibility. I understand that he wanted to provide for our needs but I also want him to be a different kind of Dad.
I want him to open up sometimes and tell us why he keeps his distance. Oo, busy siya pero alam kong hindi naman iyon ang dahilan kung bakit nilalayo niya ang loob niya sa amin.
Gusto ko siyang maintindihan. Gusto kong mawala ang tampo ko, pero paano ko naman gagawin 'yon kung mananatiling tikom ang bibig niya?
I sighed and just started my car. Dumiretso na ako sa university kahit na isa't kalahating oras pa bago ang susunod kong klase. Nang makalabas ng sasakyan ay sa nursing building kaagad ang tungo ko.
"Hi, Keios!" one of the students greeted but I didn't respond. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa narating ko ang klase ni Denyse.
I went in and sat next to her. Nang makita niya ako ay tumaas kaagad ang kilay.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" mataray niyang tanong pero bago pa ako nakasagot ay pumasok na ang prof niya.
"Good morning—" Her gay professor spotted me. "Mr. Ducani, ano na naman ba ang ginagawa mo sa klase ko?"
I smirked. "Binabantayan lang si Misis, Prof. Baka madagit ng iba."
Umalingawngaw ang kantyawan ng mga kaklase ni Denyse habang nabatukan niya naman ako. I massaged the back of my head while grinning. Mayamaya ay nagnakaw ako ng halik sa kanyang pisngi bago pa ako napalayas sa klase niya.
I stood up with a proud smirk on my lips before I left the classroom. Tumambay na lang ako sa lounge at nagpalipas ng oras bago ang klase ko.
Dahil diretso ang schedule ko ngayon, hapon na nang huli kong nakita si Denyse. She's already with her cheerleading group, fixing her ponytail.
Naupo ako sa bench at pinanood siyang ayusin ang buhok niya. Nang makita ako ng mga kasamahan niya ay kaagad akong itinuro.
Denyse rolled her eyes on me. Ngumisi lang naman ako at inilabas ang phone ko para kuhanan siya ng video habang sumasayaw. I know she only joined the cheer group so she can avail the twenty five percent discount, but damn, my girl grooves smoothly like she owns every damn song they're using!
I licked my lower lip and grinned. "Atta, girl. . . " I watched her move her hips when the song became a bit sensual. Mayamaya ay may ilang kalalakihang biglang sumigaw.
"Denyse! Gilingan mo rin ako!"
Parang nagpanting ang tainga ko. My new Iphone flew towards the guy's face, and the next thing I knew, I was already on a terrible fight with him and his three other friends.
Nakarating kay Kreige ang tungkol sa gulo. Palagi kaming nagbabangayang dalawa ngunit walang pagdadalawang-isip siyang nagtungo sa lugar kung saan nagaganap ang hindi maawat na away namin ng apat na lalake.
When Kreige saw me getting beaten up, parang nagdilim ang atensyon siya. I also spotted kuya Kanor. May hinambalos si kuya Kanor ng mop sa likod habang tinadyakan naman ni Kreige ang sumuntok sa akin.
The school guards came to stop the fight. Lumapit naman si Denyse at tinulungan akong makatayo, ngunit nang makatindig ako ay bigla akong sinikmuraan saka matalim na tumitig sa akin.
"Paano kung napuruhan ka?! Nag-iisip ka ba talaga, Keios?!"
I looked at her like I was bewitched, at kahit anong singhal niya ay nakatulala lamang ako habang may munting kurba sa mga labi.
"You called me by my name again. . . "
Her brows furrowed even more. "What?"
My lips stretched a little wider. "You called me Keios. . . "
She sighed and rolled her eyes on me. "Ano naman? Ang intindihin mo nga 'yang sarili mo, Keios nang—"
Natigil ang sinasabi niya nang kabigin ko't hinalikan. Her eyes widened in surprise, and when she got back to her senses, Denyse hit me between my thighs really. . . really fucking hard.
Bumagsak ako sa damuhan at namilipit sa sakit. Namumula naman ang mukhang naglakad si Denyse pabalik sa grupo nila habang nakangising lumuhod si Kreige sa aking harap.
"Halik pa, gago." He laughed.
My jaw clenched. "Tangina mo."
My brother smirked in a cocky way before kuya Kanor helped me get up.
"Sa susunod, huwag tibo ang kursunadahin mo," ani Kreige.
I drew in a sharp breath. "Hindi 'yan tibo. Hard to get lang."
"Hard to get pala, eh. Eh, 'di tantanan mo na nang hindi ako napapaaway dahil sayo."
"Tantanan si Denyse?" I smirked. "No fucking way." Tinitigan ko si Denyse. "Akin 'yan. . . "
"Magsasawa ka ring maghabol diyan, tanga," ani Kreige.
My lips curled a little more. "Watch me. . . "
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES #6: KEIOS (Exclusively Available In The VIP Group)
RomansaDue to their own conflicts when it comes to their chosen careers, Keios and Denyse separated. One felt empty despite proving himself to his father, the other ended up in a toxic marriage with a mentally unstable husband. When a lethal accident bring...