CHAPTER 20

6 0 0
                                    

𝐴𝑢𝑡ℎ𝑜𝑟'𝑠 𝑁𝑜𝑡𝑒: 𝑊𝑜𝑤... 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑢𝑑 𝑎ℎℎ.. 𝑁𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎 𝑎𝑛𝑔𝑎𝑠 𝑘𝑜 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 ℎ𝑎ℎ𝑎ℎ𝑎ℎ𝑎ℎ𝑎ℎ𝑎ℎ𝑎... 𝐼 ℎ𝑜𝑝𝑒 𝑠𝑎 𝑡𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑙-𝑡𝑎𝑔𝑎𝑙 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑑𝑖 𝑝𝑎𝑔 𝑢𝑢𝑝𝑑𝑎𝑡𝑒 𝑎𝑦 𝑠𝑢𝑝𝑜𝑟𝑡𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑝𝑎 𝑑𝑖𝑛 a𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑡𝑜𝑟𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜.














VIVIEN'S POINT OF VIEW







Pag sapit ng alas-otso, inaya na akong umuwi ni Kreimond. Kailangan daw niya akong maiuwi bago mag-9 ng gabi, ayon sa pangako niya kay Daddy. Kung hindi raw ay hindi na siya papayagan pa ni Daddy na makipag-date sa akin. Natawa nalang ako sa sinabi niya at nagpasalamat.

Alam kong medyo kinakabahan siya sa impluwensya ni Daddy, pero sa kabila noon, naramdaman kong sinsero si Kreimond sa kanyang mga intensyon. Agad akong sumakay sa sasakyan niya, at nang masiguro niyang maayos akong nakasakay, umikot siya at naupo sa driver seat, pinaandar ang sasakyan papunta sa amin.

"I'm happy na makasama ka ngayon, Vien." ani ni Kreimond habang iniangat niya ang kamay ko at marahang dinala ito sa labi niya upang halikan. Hindi na niya inalis ang tingin niya sa kalsada, pero dama ko ang lambing ng kanyang kilos.

"Me too, Kreimond. Thank you for this day, and I enjoyed spending time with you." tugon ko, habang may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko naitago ang saya sa aking boses. Ilang buwan na rin kaming nagkikita-kita, at bawat pagkakataon ay puno ng saya at pag-aalaga.

Ngumiti siya ng matamis, hawak pa rin ang kamay ko. Binibitawan lamang niya ito kapag kailangan niyang gamitin ang kambyo ng sasakyan. Naging tahimik ang biyahe namin pauwi, pero hindi katulad ng ibang katahimikan na may bahid ng awkwardness. Ang amin ay tahimik na puno ng pagkakaintindihan.

Sinubukan kong pagmasdan ang kanyang mga mata habang nakatuon sa pagmamaneho. Minsan, kapag nasisinagan ng mga ilaw ng mga dumaraang sasakyan, lumalabas ang malalim at mababangis na tono ng kanyang mga mata—isang pagkakahawig sa kakisigan ng kanyang karakter. Matangkad, malinis ang hiwa ng kanyang panga, at may kasamang charm na kahit sino ay mahuhulog.

"Ohh..I remember something." sabi niya bigla, nakangiti pa rin habang naka-focus sa kalsada, "I have a present for you. May nakita akong libro na tungkol sa mga travel destination dito sa bansa. Parang naisip ko lang na baka gusto mong basahin. Parang bagay sa iyo."

"Talaga?" tanong ko, sabik sa kanyang kuwento. Alam kong alam niya ang hilig ko sa paglalakbay, at ang simpleng pagkakaisip niya sa mga ganitong bagay ay nagpaparamdam sa akin ng kasiyahan. "Puwede bang mahiram muna? O baka pwede tayong mag-borrowing library?"

Tumawa siya nang mahina. "Huwag ka mag-alala, para sa iyo na iyon. Minsan, gusto ko rin makasama ka sa mga lugar na iyon."

Sa kalahating oras ng pagbiyahe, narating na rin namin ang bahay namin. Bumaba si Kreimond at agad na umikot sa tabi ko, pagbuksan ako ng pintuan. Sadyang gentle siya, isang ugaling bihirang makita sa mga lalaki ngayon. Nagpasalamat ako bago ako bumaba, at siya ang umakay sa akin papasok sa bahay.

Hindi nagtagal, sinalubong kami nina Mommy at Daddy, kasama si Kuya na nakangiting nakatayo sa likuran nila.

"Good evening po, Tita at Tito," bati ni Kreimond, may magalang na tono sa boses. "Gaya po ng promise ko, inuwi ko po si Vivien bago mag-9 pm." Naramdaman kong masigla siya, pero may halong kaba sa kanyang kilos.

Ngumiti si Daddy, tinapik ang balikat ni Kreimond. "Salamat, hijo. Na-appreciate ko ang pagiging totoo mo sa usapan natin." wika ni Daddy habang sumilay ang isang maliit na ngiti sa kanyang mga labi.

Nagpaalam si Kreimond at humarap kay Mommy. "Nag-dinner na po kami, Tita. Kailangan ko na rin pong umuwi, at nagpapasalamat ako sa inyo sa pagpayag na makasama ko si Vivien ngayong araw."

Ngumiti si Mommy. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho, hijo." sabi ni Mommy nang mahihimigan mo malasakit sa kanyang tono.

Bumalik si Kreimond sa sasakyan niya, at muling nagpaalam sa amin bago pinaandar ang sasakyan. Sinundan ko ng tingin ang kanyang pag-alis, at nang tuluyan siyang mawala sa tanawin, lumapit si Daddy at ipinatong ang braso niya sa balikat ko.

"Maganda ang pagpapalaki nila kay Kreimond. Kaya naman, pinagkakatiwalaan ko ang batang iyan—hindi katulad ng iba na nagbabalak manligaw sa iyo, Princess." sabi ni Daddy, may halong pagmamalaki at pagtitiwala sa tono ng kanyang boses.

Ngumiti ako at yumakap kay Daddy. "Salamat, Dad. Alam kong mahigpit kayo, pero natutunan ko ring pahalagahan ang mga lalaki na tunay na totoo sa akin."

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Habang kumakain kami ng dessert, naalala ko ang mga sandali kanina kasama si Kreimond. Alam kong hindi madali ang mundo ng pakikipag-date, lalo na kung ganoon kahigpit si Daddy. Ngunit si Kreimond ay tila naiiba—sa kanyang presensya, parang nagiging mas malambot ang mundo.

Habang nasa aking kwarto, sinimulan kong basahin ang librong ibinigay niya sa akin. Isa iyong travel guide na naglalaman ng iba't-ibang magagandang lugar sa bansa. Sa bawat pahina ay dama ko ang kanyang presensya, ang kanyang hangaring makasama ako sa mga paglalakbay sa hinaharap.



---



Kinabukasan, habang nag-aayos ako para sa eskwela, naalala ko ang mga salitang binitiwan ni Daddy tungkol kay Kreimond. Hindi naging madaling makuha ang kanyang tiwala, pero alam kong malaki ang respeto ni Kreimond sa aking pamilya. Habang naglalakad ako patungo sa main gate ng paaralan, naramdaman kong may tumatawag sa akin.

"Vien!" Pagtawag pansin sakin ng dalawa kong bestfriend habang natakbo sila papalapit sa akin.

"Good morning, girls." I greeted to them as  i waited for them to reach me.

Agad na kumapit ang mga bestfriend ko sa mag-kabilang balikat ko at hinila ako sa isang hindi mataong hallway.

"So, how's the date with the Mister President?" Ericka asked while wiggling her eyebrows.

"Same question with Ericka, how's the date?" Dagdag pang pagtatanong ni Michelle dahilan para mapakamot ako ng pisngi ko.

"It was okay, dinala niya ako kahapon sa rest house nila outside the city." Tugon ko sa dalawa habang nilalabas ang tissue ko upang alukin sila.

Impit na tumili ang dalawa kong kaibigan bago marahang paghahampasin ang mga braso ko.

"Ikaw na ang pinagpala, girl!" ani ni Ericka habang niyuyugyog ako habang si Michelle naman ay naka-ngiti lang habang natango.

Tinawanan ko nalang sila bago hilain silang dalawa patungo sa first class namin. Naging mapayapa naman ang Morning class ko at hindi na nagtanong pa silang dalawa tungkol pa sa naging lakad namin kahapon ni Kreimond.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSIONWhere stories live. Discover now