CHAPTER 2

188 9 0
                                    



VIVIEN'S POV

"Baby wake up" Panggigising sakin ni Mommy habang hinahaplos ang buhok ko. I groan lowly before i open my eyes. Umupo ako sa kama ko at niyakap si Mommy. "Good Morning baby" Mommy greeted to then she kissed my cheek. Ngumiti ako at hinalikan din siya sa pisngi. "Good Morning also, Mmy" I greeted back. "Get up and prepare, nakahanda narin ang breakfast natin and by the way si Kuya Clark mo daw ang maghahatid sayo ngayon" Mommy said while fixing my bed.

Pumasok ako sa loob ng banyo at nagsimulang maligo. Habang nasa tapat ako ng shower ay pumasok sa isip ko ang mukha ni President. 'Mukhang masungit naman siya' Saad ko sa isipan ko. I shook my head para mawala na siya sa utak ko. 'Gosh nababaliw na ata ako'.

Tinapos ko nalang ang paliligo at nag-ayos. Nang matapos na ako ay agad kong kinuha ang bag ko at dumiretsyo sa Dinning Area. Nakita ko sila Mommy na naghahanda na para kumain. "Good Morning Daddy and Kuya" Bati ko sa kanila bago umupo. Agad akong pinagsilbihan ng mga kasambahay namin ng makaupo na ako. "Good morning sweetie" Daddy greeted back to me. "Ako ang maghahatid sayo ngayon, Ien" Sabi ni Kuya Clark habang nasimsim sa kape niya. Tumango ako sakanya at nagsimulang kumain.

"Balita ko anak daw ni Czyden ang SSG President ngayon sa MU" Saad ni Daddy. "Yes, Second Year college palang siya ay nasa kanya na ang position. Mana sa ama niya" Masayang turan ni mommy. "So naka kita na pala siya ni Vivien?" Tanong ni Kuya bago bumaling sakin.

Lumingon muna ako sa kanila saka tumango. "So how does he look baby?" Tanong ni mommy na para ba siyang kinikilig. "He look handsome naman po" Sagot ko kay mommy dahilan para tumili siya. "Crush mo na ba siya baby?" Mommy asked to me dahilan para masamid ako.

Dali-dali akong inabutan ng tubig kuya at agad ko itong ininom. "Honey!" Bulyaw ni Daddy. "What? nagtatanong lang naman ako ah?" Naka-ngusong saad ni Mommy. Napailing nalang kami ni Kuya.

After we ate our breakfast, hinatid na ako ni Kuya Sa MU. Habang nasa byahe kami nagpapaalala siya na lahat daw ng lalaki ay maloko kaya dapat daw ay umiwas ako sa kanila. "So pati pala ikaw maloko?" Natatawang tanong ko sa kanya dahilan para samaan niya ako ng tingin. Tinigil ni Kuya Clark ang sasakyan niya sa tapat ng MU gate at pinag buksan ako ng pinto. He kissed my cheek before he leaves.

Dumiretsyo na ako sa building namin at habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang ilang kakilala ko at mga anak ng business partners nila Mommy at Daddy.

Pumasok na ako sa una kong klase at agad kong nakita ang dalawa kong kaibigan. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Ericka. "Good Morning girls" Bati ko sa kanila. "Good morning, V" they greeted back while their eyes are locked on the screen. "Ano iyan?" Tanong ko sa kanila at nakisilip sa phone ni Ericka. "Girl hinanap namin yung Insta ng papable Pres natin" Sagot ni Ericka dahilan para mapa irap ako sa kanya. "Alam ninyo ba ang pangalan niya?" Pagtatanong kong muli at nila bas ang laptop ko.

Lumingon sila sakin at sabay silang tumango. "Pangalan palang yummy na" Malanding turan ni  Ericka at agad na nag-agree si Michelle. "Pero parang wala siyang social media, hinanap na namin kahit saan pero wala talaga" Naka-simangot na saad naman ni Michelle. "Baka anti-social at sabi nila Mommy anak daw siya ni Tito Czyden" Sambit ko bago mag focus sa laptop ko. "What?!" Gulantang na tanong nila. Inalog-alog ako ni Ericka dahilan para mahilo ako.

"Stop it ericka! nahihilo ako!" Saway ko sakanya para tumigil siya. Sumimangot nalang siya at dumukdok sa desk niya. Nakita kong kumunot ang noo ni Michelle at lumingon sa paligid namin. "Bakit ang tahimik?" Tanong nito. Tumingin ako sa sa mga ka blockmates ko at sinilip kung saan sila naka tingin.

Nakita kong naglalakad si President sa tapat ng room namin at para ba itong may hinahanap. Nang tumama ang paningin niya sa akin ay agad na umangat ang gilid ng labi niya. "O. my .gosh, Totoo ba ito?" Manghang tanong ni Ericka habang nakatitig kay President. Tumalikod na ito samin at naglakad na paalis. "Kyahhhhhhhhhh!!!!" Tilian ng mga ka blockmates kong mga babae. "Nahulog ata panty ko dzai!!!" Tili ni Ericka.

Napa-iling nalang ako at nag-fucos sa laptop ko. Dumating na ang Prof at nagsimula ng magdiscuss. Since bagong pasukan palang daw ay sinabi na niya ang system for grading at kung ano ang mga dapat naming ipasa sa kanya. Matama lang akong nakikinig at hindi na namalayan na patapos na pala ang klase.

Dumiretsyo kami sa Second class namin at laking gulat ko ng makita ko si President na
nakaupo sa dulo. "Bakit kaya nandito si Pres?" Tanong ng isa sa mga blockmates ko. "Nako baka may lumabag sa rules" Kinakabahang saad ng isa. Bumuntong hininga nalang ako at naglakad na papasok. Naka-sunod lang sakin ang mga kaibigan ko hanggang sa makaupo na kami.

Sumunod narin ang iba at kanya-kanya na sila sa pag-upo. Ang iba pa nga ay nakuha pa ng litrato ni President at since nasa bandang likod ko siya at yumuko ako. Dumating na ang Prof namin at pati siya ay nagulat kasi nakita niya si President.

"Mr. Lawrence why are you here?" Prof Asked to him. "Sit In" Maikling sagot niya. "You're a Third Year students, dapat sa Third Year ka din nakiki sit in" Prof said. "I'm the SSG President and i can do whatever i want" Malamig na turan niya dahilan para mapatahimik si Prof. Hindi nalang muling umimik si Prof at nag Proceed sa discussion niya.

After an hour natapos narin ang class namin at inaya ako nila Mich papunta sa cafeteria. Inayos ko muna ang gamit ko at hindi pinansin ang mga blockmates kong nakatitig parin sa President na nasa likod ko. Hinila ko na sila Ericka palabas ng room.

"Shit.. Ang gwapo ni Pres!" Tili ni Ericka habang hinahampas ako. Napa-ngiwi nalang aka habang naiwas sa kanya. "Tapos yung boses niya pa nakakalaglag panty!" Dagdag pa nito. Napa-buntong hininga nalang ako at muling naglakad.

Nang makarating kami sa Cafeteria ay agad kaming pumila at nag-order ng foods namin. Nang makuha na namin ay agad kaming naghanap ng vacant na table. Umupo kami malapit sa glass wall at nag-simulang kumain.

Mabilis lang na nagdaan nag oras at namalayan na lamang namin na uwian na pala. Nakita ko ang sasakyan ni Kuya Clark at agad akong lumapit sakanya then i kiss him on his cheek. Pinag-buksan niya ako ng pinto at agad siyang nag drive pauwi.

THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSIONWhere stories live. Discover now