CHAPTER 15

127 4 0
                                    



KREIMOND'S POV

Patuloy lang sa paglipas ang mga araw kasabay noon ang pagtatapos ng Foundation day sa MU. Vivien won at the singing contest because she have a great voice kaya marami naring ang humahanga sa kanya dahilan para uminit ang ulo.

Pinagpapatuloy ko parin ang panliligaw sa kanya. Hatid-sundo, A date with her, giving her chocolates and flowers, bringing her at my favorite places and etc. Ilang linggo narin noong nag-simula akong ligawan siya at pansin kong mas lalo kaming napapalapit sa isa't-isa tulad ngayon na magkasama kami sa office ko.

Kasalukuyang magkatabi kami sa mahabang sofa habang binabasa ang notes na binigay samin ng mga prof. "Krei, may gagawin kaba this friday?" Vivien askes to me. Lumingon ako sa kanya at nag-isip kung may schedule ako sa friday. "Wala" Sagot ko sa kanya bago ilagay sa likod ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa pisngi niya. "Birthday kasi ni Uncle David sa friday at sabi ni Mommy i-invite daw kita" Saad naman niya. Tumango ako sa kanya at inakbayan siya.

Pinag-patuloy ko lang ang pagbabasa ko hanggang sa tumunog na ang Bell hudyat na tapos na mga klase. Tinulungan ako ni Vivien sa pagaayos ng gamit ko at inabot ko naman ang bag niya pagkatapos kong isukbit ang back pack ko. Inakay ko na siya palabas ng Opisina at agad na nagpaalam samin ang mga kasamahan ko.

Pinulupot ko ang libre kong braso sa bewang ni Vivien at nilapit pa siya sakin. Natawa ako ng mahina dahil sa pag-igta niya. Nilingon ko siya at nakitang kong namumula ang mukha niya dahilan para lalo akong natawa. Sinuway naman niya ako at naunang maglakad sakin. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa Parking Lot, agad ko naman siyang pinag-buksang pinto at inabot sa kanya ang bag niya.

Pagkasara ko ng pinto ay umikot ako sa driver seat at sumakay dito. Binuhay ko ang makina at agad na pinausad ito paalis sa MU. "May balak kabang daanan bago tayo umuwi?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho. "Hmmnn.. Wala ikaw ba?" Aniya habang busy sa kanyang cellphone. "Wala rin" Maikling sagot ko.

Patuloy parin ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating na kami sa Mansyon ng mga Thorne. Tinigil ko ang sasakyan sa tapat ng main door at bumaba para pag-buksan si Vivien. Nag-pasalamat siya ng maalalayan ko siyang makababa. Sinara ko ang ang pinto at inakay siya papasok sa kabahayan nila. Sumalubong samin ang mga pinsan niyang lalaki ng makapasok kami sa mansyon.

"Why are you here mga kuya?" Tanong ni Vivien sa mga pinsan niya. "Napadalaw lang kami, Baby pinsan" Sagot ni Drake at lumingon sa gawi ko. Tumango ako sakanya ganoon din sa iba pa niyang kasama. "Salamat sa paghatid sa pinsan namin, Kreimond" Usal ni King habang tinatapik ng mahina ang balikat ko. "Walang anuman, It's my duty to sure that she's safe" I said to him.

Napa-ngiti naman ang pinsan niya sa sinabi ko at pinaalalahanan sa darating na kaarawan ni Tito David. Imbitado din daw sila Mommy kaya  dapat daw sumama ako sa kanila. This past few weeks ay nakasundo ko ang mga pinsan na Lalaki ni Vivien at inaaya ako sa ibang lakad nila.

Nanatili pa kami dito sa sala hanggang sa makauwi sila Tita Sabrina. Pinag-dinner na ako ni Tita sa bahay nila bago tuluyang umuwi sa amin. Tinawagan ko muna si Mommy at nagpaalam na matatagalan ako sa pag uwi at dito ako mag didinner sa mansyon ng mga Thorne.

Habang nasa hapag kami ay napag-usapan namin ang about sa business. Maganang nagkwekwento si Tito Vincent about sa unang business nila ni Dad na hanggang ngayon ay nakatatag parin. Naka-ngiti lamang ako habang nagkwekwento ang ginong sakin. Paminsan-minsan ay tinatanong niya ako at maagap ko naman siyang sinasagot.

Matapos maghapunan ay hinatid ako sa labas ng Pamilyang Thorne hanggang sa makasakay ako sa sasakyan ko. Nagpaalam akong muli sa kanila bago ito pinasibad paalis.

Pagka-uwi ko ay sumalubong sakin si Mommy at hinagkan ko siya sakanyang pisngi. "Kamusta naman ang panliligaw mo?" Tanong ni Mommy sakin at inakay ako paupo. "Going smooth mom" Sagot ko sakanya at sumadal sa kinauupuan namin. Ngumiti siya sakin at hinagkan ako sa pisngi ko. "That's good to hear ,anak" Aniya at hinaplos ang buhok ko.

Nanatili pa kami ng ilang sandali sa sala bago napag-pasyahang umakyat na. Hinatid ko muna siya sa kanilang kwarto bago pumanhik sa sarili kong silid. Agad akong nag-ayos at humiga sa kama ko para makapag-pahinga. Tumitig muna ako sa kawalan bago tuluyang makatulog.

THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSIONWhere stories live. Discover now