CHAPTER 18

127 6 0
                                    


VIVIEN'S POV

"Good Morning!" Masayang bati ko kila mommy bago sila hagkan sa kanilang mga pisngi. "Mukhang maganda ang gising ng bunso namin ah" Saad ni Daddy habang naka-ngiti sakin. "Ofcourse, hihihihihi.. May date sila mamaya ni Kreimond eh" Sabi naman ni Mommy dahilan para uminiy ang mga pisngi ko. "Hmmnn.. Kaya pala" Sabad naman ni Kuya.

Ngumuso nalang ako at nag-simulang kumain. Habang nasa hapag kami ay naguusap sila Kuya at ang parents namin about sa Upcoming Company Party na gaganapin sa isa sa mga Hotel namin. "Kung isabay nalang din natin kaya natin yon sa Party?" Suggest ni Mommy dahilan para mapabuntong hininga si Daddy at Kuya. "Mom napag-usapan na po natin ito" Kuya said while placing the cup at the table. "Hayaan na muna natin, Honey. Masyado pang maaga para diyan" Sabi naman ni Daddy dahilan para maguluhan ako.

'Ano kaya ang pinag-uusapan nila?' Takang tanong ko sa isipan ko habang nakamasid parin sa kanila. After naming mag-breakfast ay saktong pag dating ni Kreimond para sunduin ako. Nagpaalam na kaming dalawa sa parents ko at inakay niya ako papasok sa sasakyan niya.

Pagka-suot ko ng seatbelt ko ay agad niyang pinausad ang sasakyan niya. Habang nagmamaneho siya ay hahawak hawak niya ang kamay ko pero aalisin niya lang ito kung magkakambyo siya. Noong una ay nahihiya pa ako at namumula ang mukha ko pero nakasanayan ko na ito at napapangiti sa gesture niyang ito.

Pag-karating namin sa School ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto at binitbit ang bag ko. Nag-pasalamat ako sakanya at inayos ang palda ko. Since matagal-tagal naring nag-start ang klase pinag-uniform na kami.

'Omo.. Bagay na bagay talaga silang dalawa'

'Sinabi mo pa talented na, matalino pa silang pareho'

Napatingin ako kay Kreimond ng marinig ko ang mga bulong-bulongan nila. Nakangiti lang siya at mukhang nasisiyahan siya sa naririnig niya. Napansin niya ata ang pagtingin ko sakanya dahilan para mapalingon siya sakin. "Hmnn?" Takang ungot niya habang nakatingin sakin. Umiling nalang ako at tumingin sa dinaraanan namin.

Pagka-hatid niya sa First class ko ay inabot niya sakin ang bag ko at hinagkan ako sa aking noo. "Break a Leg" Aniya habang naka-ngiti sakin. Tumango ako sakanya at ngumiti pabalik. Pinapasok na muna niya ako sa loob ng room bago siya tuluyang umalis. Nakita ko sila Ericka at Michelle na nakangisi sakin dahilan para kumunot ang noo ko. Agad akong lumapit sa kanila at pinaggitnaan ang dalawa kong kaibigan.

Binata ako ng mga kaklase ko ng maka-upo na ako kaya agad ko rin silang binati pabalik ng may ngiti sa mga labi. Halos lahat na ata sa kanila ay kilala na ako bilang anak ng Dalawang Business Tycoons at Kapatid ng susunod na CEO ng Thorne Inc at iba pang business ng family namin habang ang iba naman ay nakilala ako dahil sa contest.

Pag dating ng Prof namin ay agad kaming nagsi-ayos at nakinig sa kanya. Patuloy lang ang pagdaloy ng oras hanggang sa namalayan na naming Lunch Break na pala. Agad akong hinila ng dalawa pagka-sukbit ko ng bag ko at nagpa-tiuna na sila papunta sa cafeteria.

Habang naglalakad kami ay naka-salubong namin ang grupo ng mga SSG sa pangunguna ni Kreimond. Mukhang busy siya kaya hindi niya kami napansin, until the Vice President saw me and then he poke Kreimond's arm to catch his attention. Nang lumingon si Kreimond sa kanya ay agad itong tinuro ang direksyon namin dahilan para lingunin niya kami.

Sumilay ang isang tipid na ngiti sa kanyang mga labi bago lumapit sa gawi namin at tumayo sa harapan ko. "Lunch?" Tipid na tanong niya sakin bago ipulupot ang kanyang braso sa aking beywang. Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Sabay na kayo samin, Ms. Thorne" Anyaya ni Dymon samin kaya sumang-ayon na ang iba. "We would be happy if you join us" Dagdag naman ni Kean.

Tumunghay ako kay Kreimond bago sumang-ayon sa kagustuhan nila. Ngumiti siya ng Malapad at inakay ako papunta sa Cafeteria habang naka-sunod samin sila Ericka. Nang makarating kami sa loob ay agad akong pinag-hila ni Kreimond ng upuan at tinanong kung ano ang nais kong tanghalian. "Rice with chicken pillet and a Strawberry Milk shake" sagot ko sa kanya.

Tumilima siya at pumila kasama ang ibang officers kaya ang natira nalang sa lamesang kinalalagyan namin ay kaming tatlo kasama si Shiella. "So, pinsan mo pala si Drake?" Saad ni Shiella dahilan para mapalingon ako sa gawi niya. "Yes" Tugon ko sa kanya ng naka-ngiti.

Ngumiti siya pabalik at tinunghay ang mga kasama namin. "What a small coincident, You'll be my cousin-in-law" Dagdag niya dahilan para mabilaukan ako sa sarili kong laway. Napa-ubo ako dahilan para haplusin ni Ericka ang likod ko.

"What did you say?" Takang tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng bahagya at inabot ang kamay niya sakin. "I'll be your Cousin-In-law, soon. Means i'm Drake's fiancee" Sagot naman niya. Magsasalita pa sana ako kaso dumating na sila Kreimond dala ang mga lunch namin.

Tahimik akong kumain habang sila ay abala sa paguusap. Mukhang ramdam ni Kreimond ang pagiging tahimik ko dahilan para bumaling siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sakin habang hinahaplos ang kamay ko. Tumango ako sa kanya bilang tugon at pinag-patuloy ang pagkain.

After we had lunch. Hinatid kami ni Kreimond sa susunod na klase namin pero bago siya umalis ay pinaalala niya sakin ang date namin mamaya. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya bago tuluyang pumasok sa room.

Kahit na nasa loob ako ng klase ay lutang parin ang isip ko dahil sa narinig ko kanina. 'We're close pero bakit hindi sinabi sakin ni Kuya na meroon na siyang Fiancee?' I asked through myself while i'm spancing out. Bumalik lang ang diwa ko ng inalog ako Ericka at sinabing tapos na ang klase namin.

Niligpit ko na ang mga gamit ko at parang zombie na naglakad papunta sa Office ng mga SSG hanggang sa may naka bangga ako. "Ano ba yan, tatanga-tanga!!" Bulyaw ng isang babae dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Sorry" I apologized to her. "Stupida" Aniya bago banggain ang balikat ko at tuluyan siyang umalis. I take a deep sigh bago tuluyan ulit maglakad.

THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSIONWhere stories live. Discover now