VIVIEN'S POV
"Ghourl, are you okay?" Ericka asked while placing the cups on our table. "Yes, napuyat lang ako" Sagot ko sakanya at sumimim sa kape ko. "Bakit ka naman napuyat, Vien?" Tanong naman ni Michelle sakin. "It's nothing" Sagot ko sa kanya.
Nakibit-balikat nalang sila at sumimsim din sa kanilang mga kape. Napabuntong-hininga nalang ako at winaksi ang nangyari kagabi sa bahay ng mga Lawrece. Nandito kami ngayon sa Mall dahil kapag walang pasok ay nagbobonding kaming tatlo.
"So kamusta naman ang dinner ninyo with Lawrence?" Tanong ni Ericka. Bumaling ako sakanya at binaba ang tasang hawak ko. "Ayos naman, pero pinaguusapan nila ay about sa business kaya hindi ako maka-relate" Sagot ko sakanya. "Hindi man lang kayo nag-usap ni President?" Tanong naman ni Michelle.
Umiling ako sa kanya at inubos ang kape ko. "Tahimik siya, so paano ko siya makakausap?" Usal ko sa kanila at tumayo sa pagkakaupo ko at agad naman na sumunod sakin ang dalawa palabas sa Starbucks. Habang naglalakad kami papunta sa Chanel store ay nakita ko si Kreimond kasama ang Mommy niya. Iiwas na sana ako ng tingin ng mapatingin sa gawi ko si Tita Kreina. "Vivien!" Tawag sakin ni Tita Kreina.
Tumigil kami sa paglalakad at hinintay sila Tita na makalapit samin. Nakipagbeso-beso samin si Tita Kreina habang si Kreimond ay nakatingin lang sakin.
"Magsho-shopping ba kayo mga Ijah?" Tita asked while clinging her arms around mine.
"Yes, Tita" Sagot naman ni Ericka. "Kami rin ni Kreimond eh. Sabay-sabay na tayo din after maglulunch tayo sa Restaurant namin, okay lang ba?" Saad ni Tita. Sumang-ayon nalang kami at nagpahila ako kay Tita papasok sa Chanel Store.
Naka-sunod lang samin sila Ericka at michelle habang si Kreimond ay nasa gilid ng Mommy niya. Binitawan naman ako ni Tita para makapili. Inikot ko ang paningin ko hanggang sa dumapo ito kay Kreimond na nakatitig sakin. Agad na uminit ang pisngi ko at umiwas ako ng tingin. Hinanap ko sila Ericka at lumapit ako sa kanila.
Naki-pili ako ng damit pero wala akong nagustuhan kaya pumunta nalang ako sa lingerie section. Nagtingin-tingin ako hanggang sa mahigip ng paningin ko at itim na lingerie. Agad ko itong kinuha at tiningnan.
"Wear it, Vivien. I think that lingerie was made for you" Saad ni Kreimond sa likuran ko. Napatalon ako sa gulat ng bigla nalang siyang sumulpot sa likod.
Binalik ko ang lingerie sa pinagkuhaan ko at humarap sa kanya. "N-no, umnnn.. Chineck ko lang naman kung m-maganda" Nauutal na sambit ko sakanya habang nakayuko. Nakita kong umangat ang kamay niya at dinala ito sa chin ko para iangat ang mukha ko. "Don't be shy. I imagine you wearing that thing, damn you look so hot" Usal niya dahilan para uminit na naman ang pisngi ko.
'Is he flirting with me?!' Pasigaw na tanong ko sa isipan ko.
Kinuha niya ang hawak ko kanina at pumili pa ng ibang design ng lingeries. Limang lingeries na ang hawak niya at hinila ako palapit sa counter. Shock parin ako sa nangyari at hindi ko na namalayan na inabot niya na pala sakin ang mga Paper bags. Napabalik nalang ako sa wisyo ko ng yumukod siya at bumulong sakin. "Wear it kapag-kasama mo ako" Bulong niya sakin at hinalikan ako sa pisngi ko.
Hanggang sa mag-lunch kami ay tahimik lang ako. Pasulyap-sulyap sakin ang dalawa kong kaibigan at para ba silang nagaalala sakin dahil sa ang tahimik ko. "Ijah ayos kalang ba?" Tanong ni Tita Kreina at hinawakan ang kamay ko. "Opo tita" Sagot ko sa ginang at ngumiti ako ng tipid. Sumulyap ako kay Kreimond at nakita kong nakatingin din siya sakin.
"Mom, i think she's tired" Saad naman ni Kreimond. "Baka nga po, Tita. Napuyat po kasi itong kaibigan namin eh" Sabad naman ni Ericka. "Ganoon ba? After nating mag-luch ihahatid ka na namin ni Kreimond sa inyo" Usal ni Tita Kreina. Aangal sana ako sa umagree na itong dalawa. Maiiwan daw sila muna dito sa Mall.
Ginayak ako ni Tita papunta sa parking lot hanggang sa makasakay ako sa loob ng passenger seat. Nilagay naman ni Kreimond ang mga pinamili sa compartment ng sasakyan niya bago sumakay. Binuhay niya ang makina at pinaandar ito. "Ijah, balita ko magaling ka daw kumanta" Saad ni Tita Kreina mula sa Backseat. "Nako hindi po tita" Tanggi ko sa ginang. "Pinarinig nga sakin ng Mommy mo ang mga recording mo sa phone niya" Masayang usal ni Tita.
"You have a great voice ijah. Sana sumali kasa contest and i remember sumali din noon ang Mommy at Daddy mo" Dagdag niya pa. Agad akong lumingon sa gawi ng ginang ng marining ko ang tungkol sa pagsali ng Parents ko. "Talaga po?" Curious na tanong ko. "Yes, pero hindi sumipot ang Daddy mo sa Finals kasi kasama niya doon ang Mommy mo. Ayon pala he loves your mommy na pala" Natatawang kwento ni Tita dahilan para matawa din ako.
Nagkwento pa sakin si Tita about sa love-story ng parents ko at paano nakilala ni Tita Kreina si Tito Czyden ay dahil pala sa Daddy ko. Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng Mansion namin. Bumusina si Kreimond at agad na nagscan ang scanner sa kotsye ni Kreimond. Bumukas na ang gate at pinasok niya ang sasakyang niya. Tumigil lang ito ng nasa tapat na kami ng bahay namin.
Agad na naging atentibo ang mga guards at pinagbuksa kami ng pintuan. Bumaba naman ako kaagad at ganoon din sila Tita Kreina. Pumunta si Kreimond sa likuran ng sasakyan niya at binuksa ang kanyang compartment at nilabas ang mga paper bags pagkatapos ay inabot naman niya ito sakin.
"Pasok po kayo, Tita" Pag-anyaya ko sa kanila. "Nandiyan ba ang Mommy mo?" Tanong ni Tita Kreina habang sinasabayan ako sa paglalakad habang si Kreimond naman ay pinark ang sasakyan niya. "Opo, parehas po sila ni Daddy" Sagot ko sa ginang.
Nang makapasok kami sa loob ay nakita ko sila Dad at Tito Czyden sa sala na naguusap. "Sweetheart?!" Gulat na bulalas ni Tita Kreina para mapalingon sa gawi namin sila Daddy. "Sweetheart bakit ka nandito?" Natatakang tanong ni Tito Czyden at hinagkan ang asawa niya. Humalik ako sa pisngi ni Daddy at ganoon din kay Tito Czyden. "Good Afternoon po Tito" Bati ko kay Tito Czyden. "Good Afternoon also, Ijah. Mukhang magkasama kayo ng Tita mo na mag-mall" Saad ni Tito at pinaupo ang asawa niya.
Tumabi ako sa Daddy ko at sumandal sa kanya. "Nagkataon lang na nakita namin sila ni Kreimond" Saad naman ni Tita Kreina. Pumasok sa kabahayan namin si Kreimond at tumingin sa mga magulang niya bago bumaling sa gawi namin ni Daddy. Lumapit muna siya kila Tito para magmano at bago naman kay Daddy. "Good Afternoon, Tito Vincent" Kreimond greeted to my father. "Good Afternoon, Kreimond" Dad greeted back on him.
"Besty nandito pala kayo" Bungad ni Mommy pagkalabas niya ng Kitchen. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi habang ang mag inang Lawrence naman at bomeso kay Mommy. "Tamang-tama pala ang dating ninyo. Kakatapos ko lang gumawa ng cake tara at mag meryenda tayo" Saad ni mommy at sumunod kami papasok sa Dinning Area.
We have a great meryenda together pero kailangan nading umuwi nila Tita Czyden after. Hinatid namin sila hanggang sa labas ng bahay at nagpaalam na sila. Nakita ko pa ang pagtitig ni Kreimond sakin bago sumakay sa sarili niyang sasakyan at nagdrive pa alis.
Pumanhik na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko. Pumikit ako at inalala ang nangyari sa Mall kanina. 'Anong ibig sabihin noong sinabi niya sakin?' Naguguluhang tanong ko sa isipan ko bago ko mapag-isipan na matulog muna dahil sa dinatnan ako ng antok.
YOU ARE READING
THE SUPREME STUDENT PRESIDENT POSSESSION
Novela JuvenilAng kwentong ito ay gawa lamang mula sa aking malikot na imahenasyon. Ang lahat ng nasasaad dito ay pawang kathang isip lamang.