Chapter 2

1.3K 24 0
                                    

Papara na sana ako ng taxi nang biglang may pumarada na mustang sa harapan ko. Nang bumukas ang bintana ay saka lang nagsalita ang nasa driver seat.

"Hey, beautiful," that's Jayson, my high school friend, he was my suitor back then when we were college. Pero hindi ko sya sinagot bilang boyfriend kase ang nararamdaman ko sa kanya ay as a friend lang.

I don't want to turn our friendship into relationship. Ayokong mawala ang pagiging magka-kaibigan namin once na maging mag-jowa kami.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito Jayson, Ba't kung saan-saan ka napapadpad?" mataray kong tanong.

"Syempre sinusundo ko ang maganda kong kaibigan." then he winked at me.

Bumuntong hininga nalang ako at sumakay na sa sasakyan pagkatapos niyang pagbuksan ang passenger seat.

"Saan mo gustong kumain Ms. Beautiful?" he asked, pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib bago ko siya tiningnan at sinagot.

"Kahit saan basta masarap. Matagal na rin nung last mo 'kong nilibre," sagot ko na tinawanan lang ng kupal.

Miss ko na ring kumain ng libre.

"May alam akong resto, sigurado magugustuhan mo ang mga pagkain nila doon."

Nang makarating kami sa parking lot ng restaurant na sinasabi ni Jayson, ay nauna na siyang bumaba sa kotse at lumigid patungong passenger seat para pagbuksan ako.

"Ang gentleman naman. Boyfriend ba kita ha?" i jokingly said and giggle.

"Kung hindi sana ako na-friend zone edi boyfriend mo na sana 'tong gwapong lalaki na nasa harap mo ngayon," he answered habang pinang-gigilan ang ilong ko. He's always like that.

Hawak ang kamay na pumasok kaming dalawa ni Jayson sa restaurant, maraming tao, may nag d-date, may family bonding and many more.

Nang makapili kami ng table ay agad na tumawag ng waiter si Jayson at inorder ang mga paborito ko.

"So, kumusta ang trabaho mo sa Crawford's Corporation?" panimula ni Jayson habang hinihintay namin ang mga orders.

"So far, okay naman. Medyo may pagka-weird nga lang ang boss ko." tinawanan lang ni Jayson ang sagot ko.

"Why don't you try to be a model Myrtle? You're a beauty and sexy."

"Wala naman akong talent sa pagmo-model, Jay.."

Yan lagi ang sina-suggest nila na magmo-model daw ako since may maibubuga daw ako.

But i don't see myself as a model, at wala rin akong talent sa ganoong bagay kahit na lagi nila akong mino-motivate para pumasok sa industriya ng mga modelo.

Nang maihanda na ang order namin ay tahimik lang kaming kumakain, paminsan-minsan sinusuboan ako ni Jayson tapos siya na ang mag-i-slice ng steak para sa'kin.
Not until mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa kaharap naming table.

Ibinalik ko ang tingin ko sa pagkain ng magtama ang mga mata namin.

Ramdam ko ang titig ni Mr. Zachary sa akin habang sumusubo ako ng pagkain. Nang mag-angat ako ng sa kaniya ay nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga at ang talim ng kanyang mata na nakatingin sa table na inuokopa namin ni Jayson.

Pagkatapos kong kumain ay nag-paalam ako na mag re-restroom muna.

Pagkarating ko sa restroom ay agad akong pumasok sa isa sa mga cubicles at umihi.
Pagkatapos lumabas na ako sa loob ng cubicle at humarap sa salamin para tingnan ang ayos ng sarili ko.

Hindi pa man ako tuloyang makalabas sa pinto, nang biglang may humawak sa pala-pulsohan ko at hinila ako pabalik sa loob ng restroom. Isinandal niya ako sa kakasara lang na pinto.

Seductive Whispers: Embracing Desire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon