"Surprise, mommy!"
Nakaaawang ang aking labi at hindi makapaniwalang pinagmamasdan ang anak kong masayang nakatingala sa 'kin. Paanong napapunta niya dito ang pamilya ko. Did he already introduced himself to my daughter? But he was with me since yesterday.
Nag-squat ako para maglevel ang mukha naming dalawa ni Hazel. I smiled to her and caressed her face. "Hello, baby. Paano kayo nakapunta rito?"
"Sumakay po kami sa helicopter ni Mr. Pogi." she giggled after saying the last two words and pointed her finger on Zachary.
"Mr. Pogi," I said softly, a hint of amusement in my voice. "So, you decided to take my family on a helicopter ride?"
Zachary smiled, his eyes twinkling with mischief. "I thought it would be fun. And clearly, Hazel enjoyed it."
Hazel nodded vigorously. "Opo, Mommy! Ang taas-taas namin, tapos kita ko yung buong city!"
I couldn't help but laugh at her enthusiasm. "Talaga, baby? Ang galing naman. But next time, let's make sure to tell Mommy, okay?"
"Okay, Mommy," Hazel said, her small hand reaching out to touch my face gently. "Promise."
Mr. Pogi? Ibig sabihin hindi niya pa alam na ama niya ang itinuro niya. Suminghap ako at hinalikan sa noo ang aking anak. "Bakit pala hindi mo tinawagan si Mommy para masundo ko kayo, hm?"
Ngumuso siya at parang nag-iisip sa kaniyang isasagot. "Sabi po kasi ni Mr. Pogi 'wag daw po kami mag-call sayo kasi may surprise po siya!" humagikhik siya at tumingin sa lalaking nasa likuran ko.
"Well, that's not a surprise anymore because you already told your mommy," sabat ni Zachary at nag-squat rin sa tabi ko. Sinulyapan niya ako at tinitigan si Hazel na may ngiti sa mga labi.
Kung may ibang tao ang aakyat dito sa rooftop at makita kami, ay aakalain nitong isa kaming pamilya. Isang mag-asawa na kinakausap ang kanilang anak. How I wish I can give my daughter a complete family. Pero hanggang wish lamang iyon. Ayokong makasira ng relasyon, err hindi naman sa hindi ko pa nasira ang kanilang relasyon sa ilang beses na may nangyari sa amin.
Nakangiti kong pinapanuod at nakikinig sa pagiging madaldal ng anak ko habang kausap si Zachary. Wala pa siyang kaide-ideya na ang lalaking kaharap niya ay ang tatay niya. Ang lalaking tinatawag na Mr. Pogi ay ang lalaking pinagmumulan niya.
Naroon lang ako sa tabi nila nanatiling nakangiti at nakikinig sa kanilang pag-uusap. Napuno ng saya ang aking puso habang pinapakinggan ang bawat halakhak nilang dalawa.
Bumuntong hininga ako. Napansin ito ni Zachary kaya nilingon niya ako habang nagdadaldal pa rin si Hazel sa harap namin. Nagtatanong ang tingin niya sa 'kin kaya maliit ko siyang nginitian. Hinaplos ko sa buhok ang aking anak at nagpaalam sa kanilang dalawa na pupuntahan sina mama.
Nakaupo sila sa isang lamesa na malapit sa pool, at kinakausap sina Jayson. Nagmano ako kay mama nang makalapit ako sa kanila. Mabilis naman akong umupo sa tabi ni Margaret nang senyasan niya ako.
"Alam mo, ate, noong unang kita ko kay Kuyang Pogi akala ko nagmamalik-mata lang ako e. Pero nung nakita ko siya ulit nagduda na ako na papa siya—" nabitin ang iba niya pang sasabihin nang hinampas siya ni mama sa braso. "Mama naman e!"
Sinamaan lang siya ni mama ng tingin bago bumaling sa akin. "Pumunta siya sa bahay kagabi kasi may gusto raw siyang sabihin..." Noong una nagulohan pa ako kung sino ang tinutukoy niya. Pero nang tinuro niya gamit ang nguso si Zachary, na kausap pa rin si Hazel, ay doon ko pa lamang naunawaan. "Isusurprise ka raw kaya pumayag na kaming sumama rito."
BINABASA MO ANG
Seductive Whispers: Embracing Desire | ✓
Romance[COMPLETED] [UNDER EDITING] Disclaimer: This story is UNEDITED. All chapters are in their first draft. Thank you! WARNING: Matured Content | R16 | SPG Myrtle Aquino a girl who's willing to give everything and sacrifice her self just to give her fami...