Chapter 25

805 9 2
                                    

Matagal din bago ako nakauwi sa bahay namin, dahil sa pagpupumilit ni Zachary na walang nangyari sa kanila ng fiancée niya. Wala na rin kaming ibang pinag-usapan maliban doon. Hindi rin siya nagtanong patungkol sa anak ko.

"Anak, help mo si lola sa pagdidilig ng bulaklak." utos ko sa anak ko nang makita si mama na nagdidilig ng halaman.

Sumunod naman si Hazel at tumakbo papunta sa lola niya.

Limang araw na rin simula noong nakauwi ako at nakapagpaalam na rin ako sa boss na magl-leave ako ng isang linggo. Simula noong dinala ako ni Zachary sa condo niya ay hindi na ulit kami nagkita, siguro dahil abala siya sa trabaho niya. At ako naman ay abala rin sa pagtulong kay mama sa mga gawaing bahay, dahil may pasok si Margaret. Wala rin naman kaming dahilan para magkita ni Zachary.

"Ma, mamalengke lang po ako!" sigaw ko mula sa loob ng bahay.

Paglabas ko ay sumalubong sa 'kin ang anak ko at nagpaalam. "Bye po, My, take care po!"

"Bye bye, 'wag magpapasaway kay lola."

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bayan. Pagkarating sa palengke ay dumiretso ako sa may nakadisplay na mga gulay. Kumuha ako ng iilang klase ng preskong gulay at nagbayad bago nilagay sa dala kong bayong. Sunod ko namang ginawa ay ang lumipat sa mga prutas. Kumuha ako ng isang kilo ng apple at orange, at kalahati naman ng mangga dahil nagke-crave ako sa maasim. Siguro tama na 'to, dahil hindi naman masyadong mahilig sa ibang prutas si Hazel maliban sa apple at orange.

Bumili na rin pala ako ng isang kilong karne. Umuwi na rin ako pagkatapos mamili.

Nasa taas na si Hazel at si Mama naman ay nasa kwarto niya na nagpapahinga nang dumating ako. Nilagay ko ang lahat ng pinamili ko sa lababo para hugasan.

Nasa gitna ako ng paghihiwa ng karne, nang may narinig akong katok mula sa labas ng bahay. Wala kaming inaasahang bisita dahil nasa Manila na si Jayson at si Rhea naman ay may iba ring pinagkakaabalahan.

Pagkatapos kong maghugas ng kamay, nagtungo ako sa pinto para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

"Oh! Anong ginagawa mo rito?" bulalas ko nang makita si Zachary na seryosong nakatayo sa harap ng pinto. He's wearing a button down polo shirt that tucked in his black slacks. Naka-sapatos din siya, parang kakagaling niya lang sa trabaho.

Nilakihan ko ang siwang ng pinto para makapasok siya. "Tuloy ka..."

Patalikod na ako nang bigla niya akong hinila. Naghurumentado ang dibdib ko dahil sa mainit niyang palad na nakawahak sa 'king braso. Dinala niya ako sa may likuran ng bahay bago binitawan. Lumunok ako at tumingala sa kaniya. Nakatitig lang siya sa 'kin ng diretso gamit ang seryosong mata.

"B-bakit?" nauutal kong tanong.

I can't read him. Ano bang problema niya?

"May kailangan kang ipaliwanag sa 'kin."

"Anong kailangan kong ipaliwanag? May problema ba sa trabaho ko?" naguguluhan kong tanong sa inasta niya.

He's gripping my wrist, and stared at me with a serious look on his face. Wala naman akong iniwan na trabaho sa Manila. Tinapos ko ang lahat ng dapat na trabaho ko dahil kailangan kong maghalf day. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipapaliwanag ko.

"Really? How many damn years do you want to keep it from me, Myrtle?" galit niyang sambit.

Nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean?" tanong ko dahil totoong nagugulohan ako. Nagugulohan ako kung bakit bigla-bigla na lang siyang kumakatok dito sa bahay para sabihing may kailangan akong ipaliwanag!

"You've been working in my company, as my secretary, for fucking five months! And you did not tell me about your kid!" biglang tumaas ang boses niya at paulit-ulit na gumalaw ang kaniyang panga.

Para akong kapusin sa hangin nang maintindihan ang kaniyang ipinunta dito. He's mad because I didn't tell him about my daughter— our daughter.

"Kung hindi ko pa pinaiimbestigahan hindi ko pa malalaman! You..." napahilamos siya sa kaniyang mukha at napailing. "You're hiding her from me. Kung hindi kita kokomprontahin, I bet you'll never tell me about her, right?"

Pinapaimbestigahan niya? Kailan lang? Noong araw ba nang makita niya si Hazel?

"I'm not keeping it a secret..." mahina kong saad. Suminghap ako ng hangin at tiningnan siya sa mata. Tiningnan niya rin ako pabalik gamit ang galit niyang mata, na kahit ano mang oras ay may mas isasabog pa.

"Sasabihin ko naman sayo...I-it's just that I didn't know how to tell you." napalunok ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na parang hinahabol.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Pagdilat niya ay tiningnan niya ako ng masama. "Where is she?"

"Nasa kwarto."

Nauna siyang maglakad sa 'kin pabalik sa loob ng bahay. Tumakbo ako pasunod sa kaniya dahil ang bilis niyang maglakad. Saktong pagpasok namin sa loob ay nakita ko si Mama na nakatayo at nagtatakang nakatingin kay Zachary.

Tumigil si Zachary at tumingala sa ikalawang palapag. Iniwan ko siya at lumapit kay mama para ipaliwanag sa kaniya kung ano ang ginagawa rito ng lalaki.

Dinala ko si mama sa kusina para kausapin. Seryoso niya akong sinuyod ng tingin.

"Anong ginagawa ng lalaking yon dito?"

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kaniyang kamay. Nilingon ko si Zachary na nakatayo pa rin malapit sa may pinto at nakatingin sa direksyon namin.

"Mama, gusto niya pong makita si Hazel..."

Kumunot ang kilay ni mama at sinulyapan niya si Zachary. "Bakit mo sinabi sa kaniya ang tungkol kay Hazel? Paano kung kukunin niya sa atin ang apo ko?"

"Hindi ko sinabi sa kaniya. Pinaimbestigahan niya si Hazel kaya niya nalaman." suminghap ako. Hindi alam kung ano ang isasagot sa huling tanong ni mama. Dahil kahit ako ay hindi ko rin alam kung kukunin niya ba si Hazel sa amin. "Papakiusapan ko po siya na wag kunin sa atin si Hazel, Ma, wag kang mag-alala..."

Tiningnan niya ako sa mata ng may pagdududa. Bumuntong hininga siya at pinaalis ako. Iniwan ko siya sa may kusina para lapitan si Zachary na hindi pa rin umaalis sa kaniyang kinatatayuan.

Inaya ko siyang umakyat sa taas kung saan ang kwarto ni Hazel. Pagkapasok namin sa kwarto ay aming naabutan ang bata na mahimbing ang tulog. Pumasok ako sa loob at sumunod naman siya sa 'kin.

Lumunok siya bago umupo sa gilid ng kama. Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang kamay para haplusin ang pisngi ng bata. I can see his hand trembling while caressing his daughter's face. He looked up at me with his bloodshot eyes. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng mata ko o totoong nakita kong may tumulong luha sa kaniyang mata.

Hinalikan niya sa noo si Hazel bago tumayo at humarap sa 'kin. Hindi ako makatingin sa kaniya kaya huminga ako ng malalim at yumuko.

Gamit ang mahinang boses ay tinanong ko siya ng isang tanong na bumabagabag sa akin. "Hindi mo naman siya kukunin sa amin 'di ba ngayong kilala mo na siya?"

Gumalaw ang panga niya at tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "What do you think?"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nilampasan niya ako at naiwang nakatulala sa may pinto ng kwarto.

©: ayzarae


___________
WRITER'S NOTE

I wanna know your thoughts po, baka meron. share niyo sa comment section 🫶

Seductive Whispers: Embracing Desire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon