Chapter 13

880 7 0
                                    

Tangina, dapat pipi lang tayo, Sir. Balik ka dun sa opisina mo. Kay Daisy pa lang sa coffee room punong-puno na ako, baka aapaw na 'to ngayon.  

Kinatok niya ang mesa ko, pero nag-stay still ako sa pagbibingi-bingihan at pagiging pipi.

Tumigil rin siya sa pagkatok sa mesa at umayos ng tayo. Ang akala ko ay tatantanan niya na ako at papasok na siya sa opisina niya pero nagkamali ako dahil umikot lang siya at nakarating na siya sa likuran ko. 

"Facebook?" 

Napatigil ako sa pagma-maneho sa computer nang maramdaman ko ang pagyukod ni Mr. Zachary at kinulong ako gamit ang dalawang braso. 

Hindi na gumagalaw ang kamay ko na nakahawak sa mouse kaya hinawakan niya ito at pinagalaw. Ni-click niya ang log out tapos ay ni-power off na ang computer. 

Kinalma ko ang sarili ko. Relax self, kamay lang 'yan nag-cuddle na kayo habang natutulog noong isang gabi kaya kalmahan mo lang. 

"I thought you were doing your job, so you were ignoring me," mahinang bulong niya sa likuran ko. 

Kahit nakatalikod ako sa kanya ay ramdam ko pa rin ang maiinit niyang mga mata na nakatingin sa 'kin. Ilang beses pa akong lumunok para pakalmahin ang naghuhurumentado kong puso. 

I should not react this way. Wala akong karapatan. Walang karapatan ang puso ko na magreact ng ganito. 

"May tiningnan lang ako s-saglit," I stuttered.

Inikot niya ang swivel chair na ino-upoan ko at pinaharap sa kanya. Nakakulong ako sa dalawang braso niya na nakasandal sa lamesa ko habang nakatungo naman siya sa harapan ko. 

Mapupungay ang mata niya na naktingin ng diretso sa mga mata ko. 

"Are you upset?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko pa naunawaan ang tanong niya, pero agad rin akong umiling ng dahan-dahan nang mapagtanto na tungkol ito sa pagtaboy niya sa 'kin kanina sa 'exclusive elevator' na para sa kanya.

"Okay." hindi ako nilulubayan ng mapanuring mata niya kaya ako na ang nag-iwas ng tingin. "Mag log out ka na, may pupuntahan tayo."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung saan ang punta namin kaya napatingin ako sa kanya. Pagtingin ko sa kanya ay sinalubong ako ng labi niya. Tumaas ang isang kamay niya at hinawakan ako sa batok. Sinipsip niya ang pang-ibabang labi ko pero hindi ko nagawang pumikit dahil sa pagkabigla. 

Nang humiwalay siya sa 'kin ay ngumisi siya at tinalikuran akong nakatulala lang. Nang tuloyan na siyang makapasok sa opisina niya ay suminghap ako at napahawak sa pang ibabang labi ko na sinipsip ni Mr. Zachary. 

"Miss Aquino," isang malamig na boses ang nagpabalik sa diwa kong naglalakbay dahil sa halik.

Sa pagharap ko ay nagulat ako nang bumungad sa 'kin ang mukha ni Carlo na malamig na nakatingin sa 'kin. Napalunok ako nang maalala ang sinabi niya noong nasa club kami. Nakita niya ba ulit ang paghalik ni Mr. Zachary sa 'kin?

"C-Carlo. . . bakit?" 

"Please inform Mr. Crawford that his fiancée is waiting for him outside the building." malamig na parang yelo ang boses ni Carlo.

Cold na siya noon pa man pero parang hindi ako mapakali ngayon dahil alam kong may alam siya at nakita niya siguro ang ganap ngayon- ngayon lang.

Tumango ako. Sinuri niya pa ako gamit ang seryoso niyang mata saka ako tinalikuran at naglakad palayo sa 'kin. 

Kinalma ko ang sarili ko at lumunok bago pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Zachary.

"What is it, Myrtle?" tanong niya nang makita niya akong pumasok sa loob ng opisina niya.

Seductive Whispers: Embracing Desire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon