"Gusto mo rin bang buhatin kita?"
Umirap ako at tinulak na ang pinto pasarado. Habang nakatalikod sa 'kin si Jayson ay palihim ko namang kinapa ang mukha ko. Baka kasi may panis na laway, mabuti naman at wala.
"Ano 'yang mga 'yan, dito ka na rin titira?" tinuro ko ang mga dala niya. "Wala ka bang bahay?"
"Gusto mo?" hinarap niya ako at tinaasan ng kilay.
"Tanga, ayokong maging babysitter mo." inirapan ko siya. Tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig.
Ngingisi-ngisi siyang naglakad palapit sa direksyon ko at kinuha ang kaldero.
"Anong gagawin mo d'yan?" tanong ko nang makita kong binuksan niya ang sako ng bigas at nilagyan ang kaldero.
"Lalabhan."
Nilapitan ko siya at pabirong sinabunotan. Ako na ang nagbukas sa dala niyang cartoon at tama nga ako na puro groceries ito. Mga canned goods, noodles, snacks, mayroon ring mga neccesities at etc.
"Wow, ang aga naman nagbigay ng ayuda ang sugar daddy ko." nakangisi kong saad pagkatapos kong makita ang laman ng cartoon.
Nakangisi rin akong nilingon ni Jayson pagkatapos niyang isalang sa stove ang kaldero.
"Wow, ang gwapo naman ng sugar daddy mo."
Napasimangot ako. Nakalimutan ko yatang may lahi ng hanging amihan itong kaibigan ko.
Hinayaan ko na lang si Jayson ang nag-aasikaso sa kusina. Nagtungo ako sa cabinet ko at kumuha ng masusuot na damit pang-duty. Sunod naman akong pumasok sa banyo para maglinis ng katawan.
Pagkatapos kong punasan ang katawan ng tuwalya ginawa kong pambalot sa buhok ko ang ginamit na tuwalya.
I am sporting my ussual attire tuwing papasok sa trabaho. Puff sleeves blouse na kulay krema at pencil skirt.
Lumabas ako sa banyo at nagtungo sa kama at doon umupo para mag-lotion.
"Ang ingay mo, Jayson, baka uulan ngayon sira ang payong ko," sita ko sa kanya dahil naririndi ako sa pagkanta niya na biglang nag-sudden falcetto.
Lumingon siya sa gawi ko at ngumisi. "May kotse ako."
Nang matapos ako sa paglagay ng light make up sa mukha ay naka-tsinelas lang akong dumulog sa lamesa nang marinig ko ang pagtawag ni Jayson sa 'kin para kumain.
Nilalapag pa lang ni Jayson ang nilutong ulam sa mesa ay naaamoy ko na agad ang amoy ng ham. Akala ko pa naman makakahigop na ako ng sabaw kasi andito 'tong mayamang 'to.
"Hindi ka nagluto ng sinigang?" tanong ko dahil nagc-crave ako sa sinigang.
"Mamayang gabi na, umuwi ka nang maaga." Siya na ang naglagay ng kanin sa plato ko. Dinamihan pa. "Nakalimutan kong bumili ng gulay pang sigang."
Alam ni Jayson mahilig ako sa sinigang na baboy. Sinanay niya kasi ako simula noong nabuntis ako halos araw-araw na siyang nasa bahay namin para asikasuhin ako at paglutoan ng sinigang.
Kaya sanay na akong pag-silbihan ng lalaking 'to.
"Anong oras out mo mamaya?" tanong ni Jayson nang maihinto niya ang sasakyan sa harap ng Crawford's Corp. building.
"Hindi ko alam, baka mag-o-OT ako." tinanggal ko ang seatbelt ko. "Bakit?"
"'Wag ka nang mag-overtime, susunduin kita mamaya." nilahad niya sa 'kin ang kamay niya. Kinunotan ko naman siya ng noo dahil hindi ko alam kung anong hinihingi niya. "Akin na ang susi ng apartment mo."
BINABASA MO ANG
Seductive Whispers: Embracing Desire | ✓
Romance[COMPLETED] [UNDER EDITING] Disclaimer: This story is UNEDITED. All chapters are in their first draft. Thank you! WARNING: Matured Content | R16 | SPG Myrtle Aquino a girl who's willing to give everything and sacrifice her self just to give her fami...