Muntikan ko nang mabitiwan ang bitbit na papeles sa gulat ng aking nadatnan. Nakaupo si Zachary sa swivel chair habang nakakandong naman sa kaniya si Miss Stewart. Magkalapit ang kanilang mukha nang lingunin nila ako.
Nanlaki ang mata ko at parang sinaksak ng karayom ang puso ko dahil sa naabutan. Dali-dali akong umatras at lumabas sa opisina. Ibinalik ko sa aking table ang mga papeles at patakbong nagtungo sa banyo.
Sa banyo, huminga ako ng malalim at napahawak sa dibdib. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko akalaing aabutan ko si Mr. Crawford sa ganoong sitwasyon. Pumayapa ako saglit at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Pilit kong pinakalma ang sarili ko bago bumalik sa mesa.
Nagdesisyon akong kunin ang wallet ko at bumaba sa lobby. Kailangan ko nang mag-focus sa trabaho at huwag hayaang maapektuhan ng nangyari kanina. Pagdating ko sa lobby, nakita kong tumayo si Carlo mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.
"Are you alright?" tanong niya, halatang may pag-aalala sa tono ng boses niya.
Marahil halata pa rin sa itsura ko ang pagkagulat.
Pilit akong ngumiti at saka siya sinagot. "Yes, I'm fine. Just a bit tired,"
Sinuri niya ako ng tingin at tumango. "Remember, dinner later," paalala niya sabay talikod at bumalik sa inuupoan niya.
Napatigil ako saglit. Tama nga, may dinner kami mamaya. Kailangan kong magpahinga at maghanda. Matapos ang ilang minuto, umakyat na ako ulit sa taas.
Pumunta ako sa ladies' room para mag-freshen up. Inayos ko ang buhok ko at nilagyan ng kaunting make-up ang mukha ko. Pagkatapos, bumaba na ako sa lobby kung saan naghihintay si Carlo.
"Ready?" tanong niya pagdating ko.
"Yes, let's go," sagot ko at sabay kaming lumabas ng building.
Sumakay kami sa sasakyan niya at nagpunta sa isang maliit na restaurant na malapit lang din sa opisina. Simple lang ang lugar, ngunit cozy at tahimik. Perfect para sa dinner na ito.
Habang naghihintay ng order, nagkatinginan kami ni Carlo. Nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan namin, pero pinili kong mag-focus sa magandang bagay na nangyari ngayon.
"Thank you ulit, Carlo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kung hindi ka dumating nung gabing iyon," pagbasag ko sa katahimikan.
"Walang anuman," sagot niya, may ngiti sa labi.
In fairness mas lalo siyang guma-guwapo kapag ngumingiti. Hindi ko napigilang mapangiti. Pagkatapos naming kumain, inihatid ako ni Carlo pauwi sa apartment.
He didn't let me pay for our dinner. Akala ko kaya niya ako niyaya ng dinner para magpalibre, pero ako pa ang nalibre. I forgot that he's also filthy rich, compared to me who's working her ass off to earn.
Sumilip ako sa bintana ng sasakyan niya nang makababa na ako para makapagpasalamat. "Thank you for tonight."
"Anytime. Ingat ka palagi," sagot niya.
Nakangiti akong pumasok sa apartment at nagtuloy sa kama ko. Hindi ko akalaing magiging magaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng araw na ito.
Maaga rin akong nakatulog sa gabing iyon.
Kinakabukasan, ay pumasok ako sa opisina nang maganda ang mood. Hindi dahil maaga akong natulog, ngunit dahil sa isang tao.
BINABASA MO ANG
Seductive Whispers: Embracing Desire | ✓
Romance[COMPLETED] [UNDER EDITING] Disclaimer: This story is UNEDITED. All chapters are in their first draft. Thank you! WARNING: Matured Content | R16 | SPG Myrtle Aquino a girl who's willing to give everything and sacrifice her self just to give her fami...