"Good day, Miss Aquino! Ang dahilan po ng pagsugod ng mother mo rito sa hospital ay dahil sa over fatigue. So, I suggest na pagpahingain niyo muna siya for the mean time." the doctor smiled gently.
"Salamat po, Doc," sagot ko, pinipilit ang isang maliit na ngiti.
After makausap ang doctor ay pinayagan na rin si mama na makauwi nang siya ay magising. Si Mr. Crawford ay nasa tabi ng driver at kaming tatlo ng kapatid ko at si mama ay nasa likod. Naunang umuwi sina Rhea kasama si Aling Cita sakay ng taxi dahil naiwan sa Manila ang kotse ni Jayson.
Kuryosong nakatingin ang kapatid kong si Margaret kay Zachary na tahimik na nakaupo sa driver's seat.
Hindi ito nakapagpigil. Kinalabit niya ako at mahinang bumulong, "Ate, sino yan?" nginuso niya ang lalaking nasa unahan namin.
"Amo ko," maikli kong sagot at nagkunwareng tumitingin sa labas ng bintana.
"Ang pogi! Pwede pa bang mag-apply sa pinagtrabahuan mo, 'te?" humagikhik si Margaret kaya sinamaan ko siya ng tingin, kaya napilitang tumigil.
Tumigil din naman siya pero nanatili pa rin sa kaniya ang pagiging kuryoso kay Zachary. Sinulyapan ko si mama na tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Hindi ko kayang sisirin, masiyadong malalim.
Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya ay nilingon niya ako. Nginitian ko siya at tinanong kung kumusta ang pakiramdam niya.
"Maayos lang po ba ang pakiramdam mo, Ma?" tanong ko kay mama nang nakangiti.
Tipid niya akong nginitian at tumango. "Okay lang ako."
Hindi pa kami nakapag-usap ni mama simula nong dumating kami. Alam kong kuryoso rin siya kung sino ang kasama ko pero pinipigilan lang ang sarili na magtanong.
"Liko lang po sa may kanto, Kuya..." si Margaret na kinakausap ang driver ng sinasakyan naming SUV. "Oopss! Dito na po. Tabi lang po, Kuys."
Pinagbuksan kami ng driver at si Zachary naman ang umalalay kay mama sa pagbaba. Panghuli akong bumaba at nagulat ako nang maglahad si Zachary ng kamay sa 'kin. Lumunok ako bago tinanggap ang kamay niya. This is not the first time that we hold hands, but my heart is overreacting.
Pagkababa ko sa sasakyan ay dali-dali kong binawi ang kamay ko bago niya pa maramdaman ang panginginig nito. Tipid ko siyang nginitian bago tumingin sa bahay namin na walang pinagbago simula noong umalis ako at pumunta ng Manila para magtrabaho.
Nauna na sina Mama at Margaret sa bahay kaya inaya ko na si Mr. Crawford na pumasok.Hindi ko alam kung anong oras siya babalik sa Manila dahil naman siyang naibanggit sa akin.
"Is this your house?" tanong ni Zachary. Nilibot niya ng tingin ang buong sala.
"Pasensya na, hindi masosyal ang bahay namin..." tinuro ko ang simpleng sofa namin na nasa sala para makaupo siya. "Upo ka muna."
Nang makaupo na si Zachary, nagpaalam akong aakyat lang sa kwarto namin ni Hazel. Naabutan ko ang anak ko na natutulog katabi ang kaniyang Ninang Rhea. Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ang mukha ng anak.
I removed some strands of hair on her face and stared at her. I noticed some of her features are resembled from someone— her father. My heart ached, but I smiled, grateful for the precious gift that was my daughter. I kissed her on her forehear and get out of the room. Pababa na ako sa hagdan nang may tumawag sakin.
BINABASA MO ANG
Seductive Whispers: Embracing Desire | ✓
Romance[COMPLETED] [UNDER EDITING] Disclaimer: This story is UNEDITED. All chapters are in their first draft. Thank you! WARNING: Matured Content | R16 | SPG Myrtle Aquino a girl who's willing to give everything and sacrifice her self just to give her fami...