Chapter 28

816 11 3
                                    

Nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka dahil ibang floor number ang pinindot niya.

"Ibang floor yata ang napindot mo." sinubukan kong pindutin ulit ang tamang floor ngunit hinawakan niya ang kamay ko.

Maliit niya akong nginitian at pinagsiklop ang aming mga daliri. Sinubokan kong tanggalin ang magkasiklop naming kamay, ngunit mas lalo niya itong hinigpitan sa paghawak. What's wrong with him?

Huminga ako ng malalim at sinamaan siya ng tingin. Mas lalong lumaki ang ngisi niya nang makita ang klase ng tingin ko sa kaniya. Hinawakan niya ang aking baba at pinatingala, dumungaw siya at pinagdampi ang labi ng dalawa.

"I prepared something for you," he whispered between my lips.

Iniwas ko ang aking mukha nang sinubokan niya ulit akong halikan. Narinig ko ang mahina niyang halakhak dahil sa ginawa ko. Pinaghiwalay niya ang aming kamay at hinawakan niya ako sa aking bewang. While waiting for the elevator to stop, he's drawing circles on my waist, which makes a tingling feelings on my insides.

Hinatid kami ng elevator sa roof top ng building at namangha ako nang makita kung ano ang naroon.

Naroon lahat ng katrabaho ko. Umawang ang labi ko sa nakita sa paligid, may infinity pool sa gilid, at mayroon ring mga maliliit na mesa na nagsisilbing lagayan ng mga pagkain para sa mga naroon. There’s also a bar, where different kinds of drinks are being displayed, on the other side of the roof top. At mas pinaganda pa ng mga maberdeng mga halaman ang ambiance ng paligid.

I wandered my eyes around to see who are here, and I almost jump out of happiness when I saw my bestfriend, Rhea, sitting on the pool side. Katabi niya naman ay si Jayson na 'di ko malaman kung nakangisi ba o natatae. Parehas silang kumaway sa 'kin kaya kumaway rin ako pabalik.

Paano napunta itong mga 'to dito?

Inisa-isa ko pa ang lahat ng naroon at nakita ko ang grupo nina Daisy na nagtatawanan sa isa sa mga table, kasama si Carlo.

Tumingala ako kay Zachary na ngayon ay nakahawak pa rin sa bewang ko at nakatingin din pala sakin.

I cleared my throat. "Pwede ba akong lumapit kina Rhea?" paalam ko. Hindi naman sa kailangan ko ng permisyon niya, nakahawak kasi siya sa akin kaya kailangan ko siyang tanungin.

Tumaas ang kaniyang isang kilay at tinapunan ng tingin ang pool kung nasaan sina Rhea at Jayson. Gumalaw ang kaniyang panga at sinamaan ako ng tingin. Humigpit ang hawak niya sa 'kin habang naglalakad kami palapit sa dalawa.

"Omg, besh, congrats!" malakas na tili ni Rhea nang makalapit kami sa kanila. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sinalubong ako ng yakap. "Marami-rami na ang utang mo sa 'kin," bulong niya bago humiwalay.

"Congrats, ganda!" umambang yayakap din sa 'kin si Jayson, ngunit napatigil siya nang tumikhim ang katabi ko. Nginisihan niya na lang ako at kininditan bago siya bumaling kay Zachary at itinaas ang kaniyang hawak na baso.

"Congrats para saan?" nagtataka kong tanong sa kanila. I don't get it! Napromote ba ako sa trabaho nang 'di ko nalalaman?

Suminghap si Rhea at sinipat ng tingin si Zachary, at bumaling ulit sa 'kin. "You have no idea?"

Humigpit ang pagkakahawak ni Zachary sa bewang ko kaya tiningala ko siya. He's throwing a serious look to Rhea, while gripping my waist. Kumunot ang noo ko dahil nagugulohan na ako sa mga pangyayari.

"Hindi naman ako magtatanong kung may idea ako 'di ba?" pambabara ko kay Rhea. Obviously, I won't ask if I knew what is this all about.

Tumango siya na parang may umilaw na bulb sa ulo niya. "Ah! Okay, it's a surprise! You can ask your boss about it." humagikhik siya at tinalikuran ako nang walang paalam.

Napamaang ako at bumaling kay Jayson na tahimik lang na nakatayo. What do you mean surprise?

Bubuksan ko na sana ang bibig ko para magtanong, nang umiling siya at tumalikod na rin. "Nuh-uh."

Nagsalubong ang kilay ko sa inis. Huminga ako ng malalim at tiningnang ng masama si Zachary na nakahawak pa rin sa bewang ko.

"What's going on?"

Tumaas ang sulok ng labi niya at tinitigan lang ako. Confident naman ako na walang dumi sa aking mukha, kaya pilit kong ipinagsawalang bahala ang pagtitig niya sa akin. It's not my birthday nor my promotion day!

Inalis niya ang pagkakahawak niya sa bewang ko at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri. Nginisihan niya ako at hinawakan ang aking baba.

"This is a celebration, alright." saglit niyang pinagdampi ang labi namin, bago ako binitawan sa baba.

Mabilis namang nagreact ang puso ko dahil sa halik na iyon. Traydor na puso! Suprise? Celebration? For what? I don't get it! Hindi naman siguro ako manhid.

"Zachary!" naiinis kong tawag sa kaniya nang talikuran niya ako.

Maangas siyang naglakad palapit sa kumpolan nina Carlo. Nagfist bump silang dalawa at binati naman siya ng mga kapwa ko empleyado na naroon. Tumingin ako sa pool at padabog na naglakad patungo roon. Sa sobrang irita ko ay mahina kong sinabunotan ang dalawang kaibigan nang makalapit ako.

Parehas silang malakas na napaaray at sabay ding tumingin sa akin ng masama. Para 'yan sa pagsesekreto ng kung anong nangyayari dito. Hindi rin ako nagpatalo at sinamaan rin sila ng tingin.

Sinipa ko ang paa ni Jayson at nagsquat ako sa tabi nila. Paulit-ulit ko silang tinanong patungkol sa ganap dito sa roof top, pero parehas din silang ayaw magsalita at puro pambabara lamang ang isinagot sa akin.

Nanggagalaiti ako sa sobrang irita, inis, galit at iba pa. Huminga ako ng malalim at tumayo sa pagkaka-squat. Nagtatawanan sina Carlo nang lumapit ako at padabog na hinila sa kamay si Zachary paalis sa kumpolan nila.

Tiningnan niya ako ng may pagtataka pero may ngisi naman sa kaniyang labi.

"Ano ba! Nakakainis na kayong lahat! Ano bang nangyayari dito?" malakas kong saad dahil sa sobrang pagkairita.

He didn't flinch. Hindi man lang siya nagulat o nagalit nang sigawan ko siya, parang inasahan niya na ganon. What the hell is wrong with this people! Engagement anniversary ba 'to nila ng fiancee niya?

"Calm down." natatawa niyang ani at hinawakan ang siko ko. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa gamit ang kaniyang bakanteng kamay.

He typed something on his phone, and put it back to his pocket. He looked at me with unreadable emotions in his eyes.

"Mamaya pa dapat 'to. But seems like my baby is impatient, huh?"

My heart raced at what he said. Baby niya mukha niya! Hindi ko siya inimik, inirapan ko siya at binaling sa ibang bagay ang atensyon.

Ilang minuto ang itinayo namin doon ng walang imikan. Narinig ko ang pagtunog ng elevator na katabi lang kung saan kami nakatayong dalawa. Bumukas ito at iniluwal ang tatlong tao na parehas na may nakaplaster na tuwa sa mukha.

©: ayzarae

______________
WRITER'S NOTE:

share your thoughts po sa comment section kung mayroon man hehe!

Seductive Whispers: Embracing Desire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon