Bumuntong hininga ako at tumayo para iabot sa kaniya ang nakasulat niyang schedule para sa araw na ito. His brows furrowed because of my gestures and refused to get the list.
"Nilista ko na lahat diyan ng meetings mo for today."
Tinaasan niya lang ako ng kilay at sinenyasan akong sumunod sa kaniya sa loob ng kaniyang opisina. Bumuntong hininga ulit ako bago ako tumalima pasunod sa kaniya. With the list in my hand I stood in front of his table while he is sitting on his swivel chair. Nakapatong ang kaniyang siko sa mesa habang pinaglalaruan naman ng kaniyang hinlalaki ang pang-ibabang labi.
"Cancel all my meetings," maikli niyang saad na nagpalaki ng mata ko.
"What do you mean, Sir?" nagtataka kong tanong
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at napatingin sakin. "Oh, it's 'Sir' now. Not 'Z-Zach ahh!' anymore?"
Namula ang pisngi ko nang marinig ang panggagaya niya kung paano ko siya tinawag sa pangalan niya habang ginagawa namin ang bagay na iyon kagabi. Tumawa siya nang makita ang reaksiyon ko. Tinuro niya ang upoan na nasa gilid bilang senyas na umupo ako, pagkatapos ay pinatong niya ang kaniyang baba sa nakasiklop niya na kamay.
Nakangisi niya akong tinitingnan habang hinintay na makaupo ako. Nang makaupo ako ay saka naman siya tumikhim.
"Now, let's talk about what happened last night," seryoso niyang saad.
Akala ko hindi na niya bubuksan ang usapin tungkol sa nangyari. Pero ngayon na gusto niya nang pag-usapan parang umuurong ang tapang ko. I'll understand if that was just a plain sex for him. I won't hold him accountable for what happened. Basta 'wag nalang namin itong pag-usapan ngayon.
"Oras ng trabaho ngayon, Mr. Crawford, we should separate our work and personal matters—"
"And as a boss I refuse to that."
Napasinghap ako at tumahimik na lamang kahit ang totoo'y hindi ko rin alam ang isasagot kung tatanungin niya ako kung bakit ako pumayag. Paano kung tanungin niya ako kung bakit hindi ko siya pinigilan? Anong isasagot ko? Dahil masarap— I mean magaling siya?
"Alam ko naman na walang ibig sabihin ang kung ano man ang nangyari sa atin." tumingin ako sa kaniya para makita ko ang reaksiyon niya. Nakatitig nalang siya sa akin ngayon at wala nang bakas ng emosyon sa kaniyang mukha.
"At makakaasa kang hindi ko ipagsasabi kahit kanino ang tungkol dito," naalala ko si Miss Stewart, ang kaniyang fiancé. If he is worried about his fiancé then, there is nothing to worry about.
Alam ko ang lugar ko, at wala akong karapatan na pangalandakan na nakajugjugan ko si Mr. Crawford dahil ako lang din ang magmumukhang masama. Dahil isa lamang akong hamak na empleyado na nangangailangan ng trabaho para makakain, at wala naman dapat sa trabaho ko iyong nangyari.
Siguro nadala lang kaming dalawa sa tawag ng laman. Baka nagkataon lang na parehas may load pangtawag ang laman namin kahapon kaya nacontact ang isa't-isa.
"Naiintindihan kong nag-aalala ka na baka malaman ito ng fiancé mo pero..." tumigil ako saglit sa pagsasalita nang mapansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. "W-Wala kang dapat ipag-alala," tinuloy ko pa rin ang dapat kong sabihin bago pa ako makakita ng alitaptap sa taas ng ulo ko.
Umigting ulit ang kaniyang panga nang magsalita siya, "What am I to you, Miss Aquino? A fuck buddy?"
Hala! Wala akong sinabi ha!
Umiling ako.
"What happen to us last night is not just a sex for me," he emphasizes the word 'not'. Para bang gusto niyang ipasok iyon sa kukote ko. "I'm not worried about anyone. If they'll know that we made love, then let them fucking know! Let them fucking know that I own you!"
Bumilis ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang kaniyang iritadong mukha. He said we weren't just having sex, we made love. Parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko. He has a fiancé, how could he say that!
Baka side effect lang ito kaya niya nasabi ang mga katagang 'yon.
"You don't own me..." mahina kong saad.
He chuckled without humor as he stared at me, "Of course I am."
Kumunot ang noo ko at pilit iniignora ang naghuhurumentado kong puso. Padabog akong tumayo at inilapag sa table ang listahan ng kaniyang schedule, saka ako nagmartsa palabas sa kaniyang opisina. Napasandal ako sa may pinto at napahawak sa 'king dibdib. This is wrong! Damn, stop beating like an idiot! Huminga ako ng malalim, kinuha ko ang aking bag at malalaki ang hakbang na nagtungo sa powder room.
I have to calm my nerves. I faced the mirror and immediately noticed the kiss marks on my neck down to my chest. He didn't just leave me with thoughts; he also left me something to clean up.
Halos baliktarin ko na ang bag ko kakahanap ng concealer ngunit wala talaga akong mahanap. Suminghap ako ng hangin at kinuha ang cellphone para i-text nalang si Daisy kung may concealer ba siya. Ilang minuto rin bago siya nag-reply na mayroon daw kaya pinadala ko na sa kaniya dito sa loob ng powder room.
Habang naghihintay kay Daisy ay naghilamos muna ako ng mukha at inayos ang aking buhok.
"Ito na ang concealer, Madam." nakangisi niyang inabot sa akin ang hawak na concealer.
Inirapan ko lang siya at pahablot na inabot ito. Nakangisi pa rin siya habang pinapanuod akong nilalagyan ang aking leeg para itago ang mga kiss mark.
Pagkatapos kong maglagay ay ibinalik ko na sa kaniya ang gamit niya. Paalis na dapat ako nang harangan niya ako at pinabalik sa may harap ng salamin. "Oopss! May utang ka pang kwento sa akin."
"Bitawan mo 'ko, Daisy, may trabaho pa ako." pilit kong binabaklas ang kamay niyang nakahawak sa akin ngunit sadya niya itong pinahigpit.
"Ay, same! Kaya magkwento ka na kung sino ang maswerteng lalaki na nag-iwan niyang mga hickey na yan." litanya niya sabay tawa. Napaismid nalang ako dahil ayaw niya pa rin akong bitiwan.
"Kagat lang ito ng lamok, okay?"
Tinaasan niya lang ako ng kilay halatang hindi kumbinsido, "Kagat ng lamok ganiyan karami?"
Tumango ako. At nginitian siya ng matamis. Inismiran niya lang ako padabog na binitawan ang aking kamay.
Maarte niyang inayos ang kaniyang buhok at tiningnan ako sa repleksiyon ng salamin. "Hindi mo 'ko maloloko."
Inirapan ko siya at nilayasan na. Edi 'wag siyang maniwala, hindi ko naman siya pinipilit.
Bumalik na ako sa aking mesa at chineck ang oras. Nang makita na 11:25 am na ay tumayo na ako para pumasok sa opisina at paalalahan ang CEO sa unang meeting niya ngayong araw. Ngunit pagkapasok ko ay wala akong nakitang tao sa loob. Nilapitan ko ang listahan na iniwan ko kanina.
I'm having second thoughts about calling him to remind him about his meeting, but something is holding me back because he might already be there.
©: ayzarae
BINABASA MO ANG
Seductive Whispers: Embracing Desire | ✓
Romantik[COMPLETED] [UNDER EDITING] Disclaimer: This story is UNEDITED. All chapters are in their first draft. Thank you! WARNING: Matured Content | R16 | SPG Myrtle Aquino a girl who's willing to give everything and sacrifice her self just to give her fami...