4 month later
"IS THIS all the report you got? You been working for this company for two months and you haven't learned how to inventory those yatch and ships that needs a replacement, for repair and for the maintenance?"
Jusko La! Hindi mo naman madadala sa hukay yung mga pera mo.
Gusto ng sumagot ni Nari sa Lola niya pero tumahimik lang siya baka kasi atakihin lang ito sa puso sa mga masamang salita na sasabihin niya. Seventy-five years old na rin kasi ito. Ayaw pa mag-retired sa trabaho dahil malulugi lang daw ang shipping company nila kapag ipinamana sa kanya.
"Mama! Your granddaughter doesn't study business, of course it will be hard for her to master this all," dagdag pa ng tita niya na matapobre rin. Kapatid ito ng Mommy niya pero hindi niya rin gusto ang ugali nito. Mahilig kasi ito magtanong kung kailan siya mag-aasawa, mahilig pa punahin ang katawan niya! Toxic aunty alert!
Sa side ng Mommy niya ang may-ari ng shipping company. At sa Daddy naman niya ang airlines, mas lalong lumakas ang pamilya nila ng magpakasal ang parents niya. Pero hindi sila pinagkasundo, ang mga magulang niya ang kusang nagpakasal sa isa't-isa.
Kaya kahit hindi siya magtrabaho sa company ng Lola niya ay malaki pa rin ang mana niya. Pero ayaw din naman ni Nari umasa sa mga ito. Kaya nga siya sumali sa Elite Sorority, para maipakita na hindi lang siya basta happy-go-lucky.
"Why are you still standing there! Leave my room!" sigaw pa ulit ng matandang babae.
Nakasalubong ni Nari ang kapatid niya bago siya sumakay ng elevator. "Bakit ganyan mukha mo pinagalitan ka ba ni Lola?" Agad na tanong nito.
"Lola mo lang, hindi ako apo no'n." Pabalang na sagot niya.
"Sus, gano'n lang siya sa trabaho, ikaw kasi ayaw mo galingan. Kaya mo naman talaga sinasadya mo lang na kunwari wala kang alam."
Lumapit siya sa kapatid niya at mahinang sinambunutan ang buhok. "Dami mo naman sinabi! I'm going to my studio. I also need to write a story for my theater play."
Binenta ni Nari ang lahat ng napondar niya sa South korea bago siya bumalik sa Pilipinas. Nasa million din ang halaga kaya sapat ang pera niya para magsimula ulit. She bought a commercial building and put up her owm music studio, art gallery, and a theater auditorium. Para yun sa mga katulad niya na sa Arts at music lang magaling. She wanted to train kids who has a talent in arts and music.
Papasok na sana siya dahil bumukas na ang elavator pero bigla siya nito pinigilan.
"You need to learn your job because Lola will assign you to handle our new partner who came from Japan, be ready next week."
"Yes, VP..." Ito kasi ang Vice president sa kompanya nila.
Ano ba naman kasi ang alam niya sa pagiging director ng company nila. Ayaw kasi siya payagan ng Lola niya sa mas mababang posisyon ang e-assign sa kaya. Mas mahalaga kasi rito ang sasabihin ng tao kesa sa kanya, totoo naman na wala pa siyang alam sa pagpapatakbo ng shipping company kaya hindi niya kailangan magpanggap.
PAGKATAPOS sa recording studio ay dumiretso agad si Nari sa E.S pub. Maraming tao ang kumakain sa loob dahil tanghalian. Walang pagbabago sa loob ng bar nila, ganoon pa rin ang interior pero dinagdagan lang ng lightning dahil masyado raw madilim. Hindi na rin masyadong hands on ang mga kaibigan nila sa pub dahil may ibang trabaho naman ang mga ito at busy rin sa buhay may asawa.Nakita ni Nari ang Manager nila na abala pa rin sa pag-aasikaso sa ibang customer. "Sam? Akala ko ba hindi ka papasok?" Alam niya na busy ito para sa preparation ng kasal nito next month.
"Oo nga eh, kaso hindi ako makapag-off ngayon. Daming kailangan tapusin dito." Nag-aalalang tanong niya rito.
"Ano pa ba ang ibang gagawin?"
"Kailangan e-inventory ng mga alak at ibang pang-product dito sa pub." Hindi ito mapakali sa kinatatayuan nito.
"Yung lang ba? Ako ng bahala, nag-inventory din ako sa bago kong trabaho. Hindi nga lang ako sure kung tama ba pinag-gagawa ko pero madali lang yan! Go home now..." Hinila niya ito papalabas ng bar area.
"Pero hindi pa ako nakakapag-paalam kay Harriet."
"Sus! Akong bahala sa'yo. I will tell her, and if she gets angry? Don't invite her on your wedding." Sulsol niya rito.
"Thanks, Nari! Thank god you're back!" Tinapik niya lang ito sa braso at pinaalis niya ito.
"I'm the best E.S girls member right?" Pangungumbinsi niya pa rito.
"Really? If you're the best E.S girls member? What about you take care of my son first?" Pareho silang napalingon ni Sam sa likuran.
Ngumiti si Bridgette sa kanya nakatitig ito na para bang nasagot na niya ang problema nito. "What? Bakit ako mag-aalaga? Kaya nga hindi pa ako nagkaanak kasi hindi pa ako handa maging nanay," reklamo niya.
"Ninang ka ni Brial di ba? Gampanan mo yung role bilang pangalawang ina!"
Mayamaya ay lumapit na ang anak ni Bridgette sa kanya. Baby pa lang ito dati noong huli niya makita ito pero ngayon naglalakad na. Bukod doon ay may ugali rin ito na katulad ng Nanay nito.
"Mama, I don't want to stay here. Bring... me too... your wo—work..." Pinilit nito kinunumbinsi ang Ina pero nakita niya na pinanlakihan ito ng mata ni Bridgette kaya tumahimik din ito agad.
"Baby, you can't be with me in the court okay? Ninang Nari will be here for you today. She will teach you to play instriment." Lumingon sa kanya ang kaibigan suminyas ito para mas lalong nilang makumbinsi ang anak nito.
"Yeah... we will play... guitar, what about drums?" Tinuro niya pa ang mga musical instrument sa stage.
"But Mama!" prosteta nito pero wala din itong nagawa.
"May pinagmahanan itong bata..." parinig niya habang nakatingin kay Bridgette.
"Yeah, na spoiled kasi eh... You know Kier and I is so busy with our jobs lately. Kaya gusto ng atensyon at time namin," seryosong sagot ng kaibigan niya.
"Oo na! Alagaan ko na nga eh, wag mo ako gamitan ng dramatic card..."
"Well I admit your the best E.S girl member. Brial be good here okay?" Paala nito at sabay umalis na.
Ngayon hindi na lang ang pub ang aasikasuhin niya. Magiging baby sitter na rin siya ng anak ni Bridgette!
"Nang-nang, I like guitar... let's play!" Nagulat siya ng tumakbo ito papunta sa stage kaya mabilis niyang hinabol.
"Hmm... Brial lets play later, okay? look, oh! There's a lot of people. When they leave we play okay?"
"Deal!" Nakipag-high five pa siya sa inaanak niya. Mabilis naman itong makaintindi, katulad ng Nanay nito.
Si Bridgette ugali, pero mukha ng tatay!
Pinagmamasdan lang ni Nari ang inaanak niya habang nilalaro nito ang mga laruan nitong dinosour. Tumawag si Bridgette sa kanya na ihatid na lang daw niya ang anak nito sa parking area. Iniisip niya pa lang na magkakaruan siya ng anak tapos magiging kaugali niya siguradong puputi agad ang buhok niya.Mayamaya ay may huminto na sasakyan at agad lumabas ang kaibigan niya.
"Brial!"
"Mama!"
Nagyakapan sa harapan niya ang mag-ina na tila ilang taon silang hindi nagkasama. Wala siyang ideya sa pagiging Nanay dahil wala naman siya anak. Hindi naman sa ayaw niya magkapamilya o anak, masyado lang siyang sanay na sarili lang ang iniisip at walang ibang kailangan intindihin. Bukas naman siya sa idea ng pagkakaroon ng anak pero hindi pa ngayon.
BINABASA MO ANG
Elite Sorority Series 4: Daring Idol
RomanceNari supposes to enjoy her vacation in Japan but she ended up begging for Ranjiru's help. Ito ang mag-aayos sa nasirang yate ng kapatid niya. Noong una ay ayaw pa nito tulungan siya pero walang lalaki ang hindi papayag sa charm ng isang E.s girls me...