"LANNA girl! Which one should I wear? Two piece or one piece?" Kanina niya pa tinatanong ni Nari si Allanna pero hindi pa rin siya sinasagot nito. Nakatutok lang ito sa cellphone at tulala.
Kaya dahan-dahan siyang lumapit rito at inagaw ang hawak nitong cellphone. Nari was amaze when she saw the picture.
"Give my phone back!"
"Allanna stalker era!"
"Nari kyun! Akin na kasi yan!" Hinabol-habol siya nito pero hindi niya pa rin binigay ang cellphone nito.
"Puntahan mo na lang kaya? Kesa stalk ka ng stalk sa asawa mo sa socmed."
Lumapit ito sa kanya at inagaw ang cellphone. "Did you see how he pushed me away? He is still mad at me."
"Ano ba kasi pinag-awayan niyo? Kahit sa'kin hindi ka nagsasabi."
"It was a long story, all I want now is to make him fall in love with me again."
"Don't worry I got your back!"
KASAMA nila Nari ang iba niya pang kaibigan at mga asawa ng mga ito sa isang private plane. Pupunta sila sa resort nila Samantha sa Cebu. Doon kasi ang probinsya nito pero mas pinili nitong tumira sa Manila at magtrabaho sa kanilang pub.
"Nari seat here!" sigaw agad ni Ranjiru pagkapasok nila sa eroplano.
Napatingin siya kay Allanna nakaupo na ito katabi ng asawa nito. Kaya sumenyas naman ito sa kanya na umupo na rin siya katabi ni Ranjiru. Katorse lang ang capacity ng eroplano kasama pa nila ang dalawang flight crew kaya wala siyang choice kung hindi umupo sa tabi ng lalaki.
Nasa likod nila sila Allanna kaya naririnig nila ang pinag-uusapan ng dalawa. Technically ang kaibigan niya lang ang nakikipag-usap at hindi ito pinansin ng asawa dahil hindi ito sumasagot sa tanong ng kaibigan niya.
Siniko naman siya ni Ranjiru sabay silip sa likod nila. "Hi I'm Ranjiru, Nari's fiancé. What's your name?"
"Claus..." Napapapikit na lang si Nari sa upuan niya dahil hindi mapigilan si Ranjiru sa ginagawa nito. Nagpapapansin ito sa Asawa ni Allanna.
"Nice to meet you pare! Gusto niyo ng pagkain?"
"Thanks, but no..." Hindi na siya kinakausap ng mga tao sa likod nila kaya umayos na ito ng upo.
"What are you doing? Bakit mo sila ginugulo?" mahinang tanong niya rito.
"Gusto ko nga maging close kami ng asawa ng kaibigan mo."
"For what?" nagtatakang tanong niya rito.
"Tutulungan natin silang magkabalikan." Ang laki na ng pinagbago nito noon nasa Japan pa sila. Dati ito ang tahimik at hindi namamansin pero ngayon papansin na ito hindi lang sa kanya pati na rin sa mga kaibigan niya.
Hindi nakatanggi si Nari nang agawin ni Ranjiru ang maleta niya nang pababa sila ng eroplano. Iniintay nilang bumaba ang iba pa nilang kaibigan.
Nagkatinginan sila dalawa nang makita nila si Allanna na may bitbit na dalawa maleta habang bumababa sa ramp ng eroplano. Natumba ito kaya mabilis na lumapit si Ranjiru sa kaibigan at tinulungan ito.
"Lanna you okay?" Nakita niyang may gasgas ang braso nito dahil tumama iyon sa railings ng eroplano.
"Of course, I just had a little scratch..." Inangat pa nito ang braso na may sugat.
"Let's go..." utos ni Nari kay Ranjiru akala niya nakasunod na ito pero nakita niyang nakikipagtalo ito sa Asawa ni Allanna.
"Bakit yung asawa mo yung pinagbitbit mo ng luggage mo? Nalaglag siya sa hagdaan dahil ang dami niyang dala!"
BINABASA MO ANG
Elite Sorority Series 4: Daring Idol
RomansaNari supposes to enjoy her vacation in Japan but she ended up begging for Ranjiru's help. Ito ang mag-aayos sa nasirang yate ng kapatid niya. Noong una ay ayaw pa nito tulungan siya pero walang lalaki ang hindi papayag sa charm ng isang E.s girls me...