PROCRASTINATION: CHAPTER 6

62 10 5
                                    

Nang tumango ang ex-monk at sinabing tutulungan niya kami, agad na nagningning ang aking mga mata dahil nakakita ako ng pag-asa. Buo ang kanyang kalooban na kinuha ang lahat ng gamit sa Buddhist Temple bago siya sumama sa amin ni Laura pabalik sa aming tahanan.

Pagkarating naming tatlo sa tapat ng bahay, napansin namin na nakapatay ang lahat ng ilaw. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang kakaibang aura mula sa loob. Tila naging haunted house na ang aming bahay.

"Dito pa lang sa pinto, damang-dama na ang negatibong puwersa ng Mara." Napansin din ni Mr. Shan ang nararamdaman ko. Yumuko siya, lumuhod at nilabas sa kanyang exorcism kit ang mga kagamitan na gagamitin niya.

Pinihit ni Laura ang doorknob ngunit nagulat siya nang mapansing nakakandado. "Bakit naka-lock? Kuya?!" Tinawag niya ang panganay namin at kumatok siya sa kahoy na pinto. "Kuya?" Pero walang sumasagot sa kanya mula sa loob.

"Bakit gano'n? Bakit parang walang tao sa bahay?" nangangamba kong tanong.

"May text ba sa 'yo si Kuya?" wika naman ni Laura na humawak sa laylayan ng damit ko. Nang nilinga ko siya nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. 

Umiling ako. "Sa byahe pa lang tumatawag na ako sa kanya pero hindi siya sumasagot."

Napasinghap siya at napasapo sa bibig. "Oh my God! I have a feeling that something bad happened!" Tinalikuran niya ako at akmang kakatok muli pero maagap siyang pinigilan ni Mr. Shan.

"Saglit lang, Laura. May hindi tama rito! Huwag ka munang mag-ingay. Ayaw ng mga espirito ng maingay. Baka lalo siyang magalit sa 'yo," pagpupumigil ni Mr. Shan. 

"Pero nandito ang isang kapatid namin!" sabi niya.

"Laura, makinig ka kay Mr. Shan. Baka naman umalis nang saglit si Kuya," pagpapahinahon ko kay Bunso. Natahimik naman siya dahil sa sinabi ko.

Kinakabahan na ako sa mga nangyayari. Sa pinto, pa lamang ay may problema na kami. Nakakandado ang bahay at hindi namin alam kung saan napadpad ang aming panganay. Kinuha ko ang phone sa bulsa para subukang tawagan muli si Kuya. Pero wala ring sumasagot sa kabilang linya.

Natigilan ako nang may mapagtanto. Hindi ko pinatay ang phone at lumapit ako sa tabi ni Laura. Nagtaka siya nang makitang hinilig ko ang kanang tainga sa pinto.

"Anong ginagawa mo, Kuya Ioseph?"

"Laura, tinatawagan ko si Kuya at..." Napalunok muna ako bago sinabi ang susunod na pangungusap. "Naririnig kong nagri-ring ang cellphone niya sa loob ng bahay."

"Ha?" Napanganga si Laura. "Kung nasa loob ang cellphone niya, ibig sabihin..."

Lumayo ako sa pinto at humarap sa kapatid na babae. "Hindi niya iniiwan ang phone niya. Nandito nga siya sa loob."

"Pero ba't hindi s'ya sumasagot?! Kuya! Buksan mo 'to!" Bumaling muli si Laura sa bahay at nilakasan ang pagkatok. "Kasama namin si Mr. Shan!"

Nang banggitin ni Bunso ang pangalan ni Mr. Shan, nilingon ko ang kasamang lalaki at namilog ang mga mata nang makita ang itsura nito. Nakaluhod siya sa lupa, nakasapo sa bibig at tila nagduduwal.

"Mister, bakit?!" agad kong tawag sa kanya na lumapit at hinawakan ang likod niya. Napasinghap ako nang makitang nagdudugo ang ilong niya.

"Mister!" sigaw ko. Natigilan si Laura sa pagkatok at tinitigan kami.

Hindi sumagot ang Shaman at bigla na lamang siyang sumuka ng brown na likido. 

"A-Anong nangyayari?" nahintakutan kong sabi na nandidiring napalayo.

"L-Lumayo ka muna...." sagot niya sa akin sa gitna ng hirap at pinupunasan ang ilong saka bibig gamit ang panyo. "H-Hindi ordinaryong espirito ang kalaban natin. Kailangan muna natin ng proteksyon bago pumasok sa loob. Damang-dama ko ang galit ng Mara mula rito."

MƖƊƝƖƓӇƬ ƦЄƊ : PROCRASTINATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon