PROCRASTINATION: CHAPTER 11

48 10 6
                                    

"Procrastination is the action of unnecessarily delaying an important task despite knowing that there will be negative consequences."

***

Nagising ang natutulog kong diwa dahil sa kaluskos na naririnig ko sa paligid. Minulat ko ang mga mata at nasilaw sa liwanag na nagmumula sa flourescent lamp. Muli kong pinikit ang paningin at napahawak sa ulong biglang nahilo.

"Mabuti at gising ka na..."

Binuksan ko muli ang alik-mata at itinuon sa babaeng nasa tabi ko na sinusuri ang suwerong nakakabit sa aking kanang kamay. Batay sa suot niyang uniporme, nahulaan ko na isa siyang nars. Inikot ko ang paningin sa paligid at puro puti lamang ang aking nakikita.

"Ospital? Anong nangyari?" mahina kong sabi na tumingin muli sa babae.

"Wala kang maalala?" tanong niya, "Nasunog ang bahay ninyo at natagpuan kayong walang malay sa kalsada."

Nang sabihin niya iyon ay bumalik agad ang mga ala-ala ko. Nagunita ko ang mga pangyayaring naganap kahapon--- ang pagpunta ni Mr.Shan sa bahay at ang pagsagip ko kay Laura. Naaalala ko rin ang itsura ng bangkay ng kapatid kong lalaki at lalong hindi ko makakalimutan ang Mara. Natatarantang bumangon ako at umupo. "Nasa'n po ang mga kapatid ko at si Mr. Shan?"

May awa sa mga mata na sumagot sa akin ang estrangherang babae. "Wala akong masyadong alam pero batay sa naririnig kong balita, natagpuan ang bangkay ng kapatid mong lalaki pero nasunog siya at halos hindi na makilala ang mukha. Si Mr. Shan naman ay nasa kabilang silid."

Napasinghap ako nang marinig iyon. "Kamusta na siya?" Nag-alala agad ako nang labis para sa kapakanan ng Shaman na tumulong sa amin. "At nasa'n ang kapatid kong babae?" sunod kong tanong.

"Ligtas naman si Mr. Shan. Ang kapatid mo namang babae ay... nasa ibang ospital."

"Bakit nasa ibang ospital siya? Saan po 'yon?"

"Psychiatric Ospital."

Nagimbal ako sa sinabi niya. "Psychiatric? Anong ginagawa roon ni Laura?"

"May kapit-bahay na nag-report sa pulis at ambulansya na nasusunog ang bahay n'yo. Pagpunta roon ng otoridad, nakita kayong tatlo sa kalsada. Wala kang malay at kasama mo ring natutulog ang lalaking tinatawag mong Mr. Shan. Ang babaeng kasama ninyo na sa tingin ko ay kapatid mo... siya lang ang gising sa inyong tatlo pero nang makita siya ng mga pulis ay tulala lang siya. Tinanong siya ng mga pulis kung anong nangyari pero hindi nagsasalita ang kapatid mo. Napagtanto nilang wala siya sa katinuan kaya dinala nila ang babae sa psychiatric hospital. Lahat ng ito ay nabalita sa T.V. At ngayong gising ka na, sigurado akong pupuntahan ka rin dito ng mga pulis para tanungin ng impormasyon batay sa nangyari."

Hindi ko na iniintindi ang mga sinasabi niya. Ang tanging laman ng isip ko nang mga oras na iyon ay makita muli sina Laura at Mr. Shan.

"Nasunog ang lahat ng gamit sa bahay ninyo. Walang natira bukod sa bangkay ng kapatid mo. Himala rin na buo ang rebulto ng Buddha..."

Nang banggitin niya ang tungkol sa rebulto, naalala ko ang sinabi sa akin ng Mara bago ako mawalan ng malay.

"It was because of your procrastination. Ikaw ang nagsimula ng sumpa, ikaw rin ang makakatapos nito. Can you handle the guilt, Ioseph?"

Kakaiba ang gamit niyang wika ngunit naintindihan ng puso ko ang lahat ng mga sinabi niya. At hanggang ngayon, naglalaro pa rin ito sa aking isip.

"Hindi ko hahayaan na mamatay ka pati na rin ang kapatid mo. Hindi ko rin papatayin ang Shaman na kasama mo. Maghihintay ako hanggang ikaw mismo ang sumuko, lumapit at sumamba sa akin. Hihintayin kita, Ioseph..."

MƖƊƝƖƓӇƬ ƦЄƊ : PROCRASTINATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon