PROCRASTINATION: CHAPTER 12

48 11 4
                                    

Nanatili akong nakatitig sa kanya na para bang pinandidirihan ko siya. Oo, kilala ko nga ang taong ito. Hindi kami magkaibigan, hindi rin magkaaway, ngunit tunay na may kaunti akong sama ng loob sa kanya. Sino ba ang hindi magkakaroon ng galit sa taong kabit?

"Nagpunta lang ako rito para makita kung nandito ang rebulto," wika niya na hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa mukha na parang nililibak ako.

"Kukunin mo ba? You're free to do that. I don't care," malamig kong tugon. 

"Hindi ako t*nga para gawin 'yon," agaran niyang sagot, "Ignorante at ganid lang ang kukuha sa Red Laughing Buddha katulad ng nanay mo." Naglabas siya ng lighter at sigarilyo sa bulsa at nagsindi sa harap ko.

Kanina pa talaga niya binabanggit ang ina ko at nabubuysit na ako. Patay na ang nanay ko pero hindi man lang siya marunong magbigay ng respeto. Masama ang tingin na binunton ko sa kanya. "Sino ka para sabihin 'yan? Mas ignorante at ganid ka. Ikaw ang nagbigay sa nanay ko ng Red Laughing Buddha. Kung tutuusin, ikaw ang may kasalanan nito."

Mahina siyang tumawa. "Hanggang ngayon ba ay ibubunton mo ang sisi sa iba? Sigurado akong sinabihan ka na ng Mara na kasalanan mo. At ang version ng nanay mo, ang tanging kwento na narinig mo pero hindi mo pa napapakinggan ang akin. Sinasabi ko sa 'yo, sinungaling ang nanay mo..."

May kuryosidad sa mga mata na hindi ako sumagot at hinayaan siyang magsalita. Nasa isip ko rin, kung dati siyang nagmamay-ari ng Red Laughing Buddha, bakit kaya hindi siya namatay? Paano nakatakas sa sumpa ang lalaking ito?

"The thing is... you're trying to fight the monster. Nakakatawa kapag naiisip ko kasi kahit sino pa ang humarap sa Mara ay wala silang laban. Kailangan mong maintindihan kung paano tumakbo ang utak ng mga espiritong kagaya niya. Nakukuha nila ang lahat ng gusto nila," paliwanag niya habang humihithit ng sigarilyo sa harap ko.

Hindi ako tumugon kaya nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "Hula ko, sa utak mo nagtataka ka kung ba't buhay ako rito at paanong nawala sa 'kin ang sumpa."

"Paano mo nagawa?" tanong ko na umaasang malalaman ang kahinaan ng Mara sa sasabihin niya.

"Totoong minahal ko ang nanay mo," bigla niyang pag-iiba ng usapan. "Siya ay isang dayuhan na nagtratrabaho sa India at ako naman ay may dugong dayuhan at Pilipino. Pinanganak ako sa Pilipinas ngunit kaming mag-ina ay kinuha ng ama ko sa India. Hindi ko na masyadong ikwekwento ang buhay ko dahil pasikot-sikot din at walang direksyon..." aniya at iniwas ang tingin sa akin na para bang ginugunita niya ang nakaraan.

"Nagkakilala kami ng nanay mo sa ibang bansa at nang una ko siyang makita, ang una kong naramdaman sa kanya ay awa. Sinagip ko s'ya mula sa malulupit n'yang amo na sa pagkakatanda ko'y may dugong Arabo at talagang mayayaman. Mahabang kwento.... ang daming nangyari.... Basta, ang natatandaan ko lang ay nahulog ako sa kanya."

Masama ng tingin na lumingon siya sa akin at sinabing, "Pero taksil ang nanay mo." May diin niyang bigkas.

Kumunot ang noo ko.

"Sobrang hirap ng buhay niya, desperada, at sa panahon na 'yon wala siyang ibang makakapitan kundi ako lang. Pinagtapat ko sa kanya ang lihim ng aking ama at ang kulto ng aming pamilya... ang Rebulto ng Buddha na nagpasalin-salin sa aming lahi. Nagtayo ang aking pamilya ng sariling temple para lang sa rebulto. Ginagawa namin ang ritwal at binibigkas ang Cursed Mantra."

"Lahing kulto pala kayo!" pang-aasar ko.

Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkwekwento. "Itinuro ko ang tradisyon namin sa 'yong ina. Itinuro ko sa kanya ang aming relihiyon dahil nasa isip ko na papayag siyang magpakasal sa akin at magiging bahagi rin s'ya ng aking pamilya."

MƖƊƝƖƓӇƬ ƦЄƊ : PROCRASTINATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon