PROCRASTINATION: CHAPTER 9

48 10 6
                                    

Nagmamadali ang aming mga hakbang na bumaba sa hagdan upang bumalik sa unang palapag ng bahay. Ang tanging naririnig lamang sa paligid ay ang mga yapak namin at tibok ng pusong hindi pa rin mapakali, sapagkat alam naming nariyan lamang ang mga kalabang nilalang na nagtatago sa dilim.

Nang makapunta kami sa likod ng bahay, hinihingal kaming huminto at tiningnan ang buong paligid ngunit... wala kaming nakitang rebulto roon. Kahit may ilaw na sa buong bahay at lahat iyon ay nakabukas, hindi pa rin namin mahagilap ang Red Laughing Buddha.

"Nasaan?!" gitlang sambit ni Laura na napatingin sa akin.

"Hindi ko alam," mahina kong sabi. "Bakit wala 'yon dito?" Naguguluhan din aking isip.

"Hindi lalayo ang Red Laughing Buddha rito," sumingit si Mr.Shan sa amin at napalingon kaming dalawa sa kanya. "Nandito lang s'ya."

"Tinataguan ka ba n'ya?" tanong ko.

"Tinataguan?" Bahagya siyang tumawa na para bang biro ang sinabi ko. "Hindi nagtatago ang Mara. Pinapanood at pinaglalaruan n'ya tayo. Sinabi ko na sa inyo, sinusubukan n'ya akong palayasin sa bahay na 'to."

"Pero bakit wala rito 'yong Buddha? Impossible naman na naglakad iyong mag-isa!" anas ni Laura.

"Mayroon pa bang impossibleng mangyari sa sitwasyon natin?" walang emosyong tugon ni Mr.Shan at napabuntong-hininga na lamang siya.

"Hindi kaya kinuha 'yon ng panganay namin at dinala niya sa loob?!" hula ng kapatid kong babae. "Oo nga pala, nasaan ba si Kuya?"

Tumingin lamang ako sa kanya at hindi ko masabi ang balitang patay na ang panganay naming kapatid. Parang duwag na nag-iwas ako ng tingin at nagyuko ng ulo.

"Kuya Ioseph, bakit?" nagtataka niyang tanong. "Nasaan si Kuya?"

Malaki ang simangot na umiling lamang ako. Bumaba ang isang kilay niya dahil sa pagtataka ngunit alam kong naintindihan niya ang gusto kong iparating, dahil kitang kita naman sa ekspresyon ng mukha ko.

Diretso siyang naglakad at nilagpasan ako. Pumasok muli siya sa loob ng bahay. Lumingon ako kay Mr. Shan at sumenyas siya na sundan ang kapatid. Parang tuod na bumuntot ako sa babae. Naabutan ko siya sa loob ng parlour room.

"Laura!" Hinawakan ko siya sa braso para pigilan sa paglalakad. Huminto naman siya pero hindi humarap sa akin.

"Huwag kang lumayo. Kailangan nating magsama-samang tatlo. Kung mag-isa ka, wala kang laban sa kanila," turan ko, "Patay na si Kuya! Wala ka nang babalikan dito!" Sa wakas, naipagtapat ko rin.

"Iiwan mo ba ang kapatid natin?!" Lumakas ang boses niya at nang lumingon sa akin ay naghalo ang hinanakit at pagkabigo sa kislap ng mga mata niya. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang nangingilid niyang luha. "Alam ko na hindi kayo magkasundo pero sobra naman 'yan. Iiwan lang natin ang bangkay n'ya rito? Kapatid pa rin natin s'ya kahit pagbaliktarin pa ang mundo."

Mailap ang mga matang sumagot ako habang nag-umpisa na naman siyang umiyak. "Pagkatapos nating matalo ang Mara saka natin kunin ang bangkay n'ya."

Pinunasan niya ang mga luha at suminghot ng sipon.

"I'm sorry. Hindi ko s'ya nasagip," usal ko.

"Huwag kang mag-sorry. Hindi naman kita sinisisi..." mahina ang tinig niyang tugon.

"Nandito siya." Napalingon kami nang marinig ang boses ni Mr. Shan sa kanang bahagi. Sumunod pala siya sa amin sa loob.

Nagtataka namin siyang tinitigan pero ang mga mata niya'y hindi nakabaling sa amin kundi nakatitig nang diretso. Lumingon kami sa kaliwa upang makita kung ano ang tinitingnan niya.

MƖƊƝƖƓӇƬ ƦЄƊ : PROCRASTINATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon