PROCRASTINATION: FINAL CHAPTER

48 11 5
                                    

After 3 years...


Tatlong taon ang nakalipas nang isuko ko ang sarili sa harap ng demonyong nagpahirap sa akin. Tatlong taon na kapag naalala ko ay parang kahapon lamang na nangyari. Nagdulot ng labis na kasikatan ang mga naganap sa aking pamilya --- ang pagiging mayaman, ang pagkalugmok at ang muling pagbangon. Pinag-uusapan kami saan man panig ng bansa at trending din kahit sa social media. Laman ng mga artikulo, ang mga pamagat na "Magkapatid na anak-mayaman, naghirap pero nagawang makabalik sa itaas".

Sakay ng kotseng minamaneho nakapokus ang aking mga mata sa daan, nahinto lamang ako nang nag-iba ang kulay ng traffic light. Nagpalumbaba ako sa bintana habang nakatingin sa mabigat na daloy ng trapiko.

Namataan ko ang billboard na kitang-kita sa harap dahil sa laki. Napasimangot ako nang makita ko roon ang sariling postura at ang pekeng ngiti na tila ba pinapakita ko sa mga tao na matagumpay akong nilalang. Nakakapandiri. Nandidiri ako sa sarili na walang ginawa kundi magkunwari. Kailan ba ako naging modelo? Kailan ba ako sumikat?

Hindi ko na matandaan. Sa mga nakalipas na taon, sumasabay lamang ako sa agos. Karangyaan na hindi ko naman binibigyan ng halaga basta maabot ko lamang ang tunay na hangarin.

Salapi? walang problema, marami ako niyan.

Babae? Kayang-kaya kong makuha kahit sino. Gusto ko ang mga mahihiyain, may delikadesa, mahinhin na mga dalaga. Iyong tipong hindi marunong sumigaw. Gusto ko ang mga babaeng hindi makabasag-pinggan.

Ngunit nakakatawang kabaliktaran ang mga kinukuha ko. Sinasadya ko iyon dahil para lamang silang koleksyon sa aking paningin. Kahit kailan hindi pa ako naging seryoso o masaya sa relasyon. Ginagamit ko lamang sila.

Pera, kasikatan at babae... mga walang kwentang bagay sa mundong alipin ng Red Laughing Buddha.

Naalala ko ulit ang mga sinabi ni Mr. Shan. Totoo nga, habang tumatanda ang tao, nagbabago ang pananaw nila sa buhay. Inaamin kong malaki na ang pinagbago ko simula nang sumamba muli ako sa Mara.

Nakarating ako sa unibersidad na pinapasukan ng aking kapatid. Ipinara ko muna ang sasakyan sa loob ng parking lot at hinintay si Laura. Ilang saglit pa at nakita ko siyang malaki ang simangot na naglalakad patungo sa kotse. Nang makalapit ay binuksan niya ang pinto sa passenger seat at umupo sa likuran ko.

Nakikita ko sa mga mata niya ang kawalang buhay. Hindi ko matandaan kung kailan huling ngumiti si Laura. Hindi ko nababasa ang kanyang isip ngunit batay sa ekspresyon ng mukha niya, alam kong nasusuklam siya sa akin.

Tiningnan ko ang repleksyon niya sa harapang salamin at nakita kong nakapaling ang mga mata niya sa labas ng sasakyan. Walang salita, ni bati na sinimulan ko nang buhayin muli ang makina ng kotse.

"Dadaan lang ako sa Mall, may bibilhin lang ako nang saglit." Sa gitna ng nakakailang na katahimikan, ako na ang unang nag-umpisa ng usapan.

"Para na naman ba 'yan sa bagong babae mo, Kuya?" Matalim ang tingin ang sinukli niya sa akin. "Papalitpalit ka ng kasama. Mas malala ka pa kay Mama."

Hindi ako tumugon. Alam kong hindi maiintindihan ni Laura kung anong ginagawa ko.

"Simula nang sumuko ka sa Mara, mas naging ganid ka kaysa sa mga magulang natin. Hindi ka ba makontento sa kung anong mayroon ka?" pagpapatuloy niya ng pang-iinsulto.

MƖƊƝƖƓӇƬ ƦЄƊ : PROCRASTINATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon